Kabanata 10

32.3K 1.3K 82
                                    

Kabanata 10

Broken

Inis kong binuksan ang lamp shade sa tabi ko matapos marinig ang ring ng cellphone ko. I decided to sleep early because I felt really exhausted throughout the day. Alas and his drama with Trish made me so tired. Plus my conversation with Dad about what happened in that meeting did not end well.

He didn't get mad at me. But then the way he looked at me when I told him that I had business with Alas feels like he knew that I was bluffing.

Uh. The disadvantage of having a Monasterio as a father. Too observant. I had no choice but to lie. He can't know the situation I'm currently into. Pakiramdam ko nga ay wala rin naman siyang ideya tungkol sa relasyon kuno namin ni Alas. Pero hindi ba at sinabi ni Alas na friends sila ni Daddy sa Facebook?

"Damn it. What does he need?" I muttered under my breath as I saw Alas' name on the screen before answering it. "Do you know what time is it already?"

"Ice cream tayo."

"Are you kidding me? Ala una na ng madaling araw!"

"Please."

Literal na nawala ang antok ko nang mahimigan ang lungkot sa boses niya. I can't hear the playfulness I usually hear whenever we're together.

I sighed.

"Don't you have friends?"

He let out a dry laugh. "Nagsasawa ka na agad sa akin?"

"Tss. Ice cream at this late hour, Alas? Are you for real?"

"Is that a yes?"

I groaned. Minsan, iniisip ko kung bakit kailangan pang magtagpo ng landas namin ng unggoy na ito. Kung tutuusin ay abala lang naman ang ibinibigay niya sa akin simula nang magkakilala kami. The only advantage of meeting him is... he can make me smile even in the most secret way. His sense of humor never fails to put a smile on my lips. Kahit na minsan ay pinipigilan ko ang ngumiti dahil baka iniisip niyang bentang-benta siya sa akin.

"Meet me outside your house."

Halos umakyat ang dugo sa ulo ko matapos iyon marinig sa kaniya. Paano kung makita siya ni Daddy?

"What are you doing there! Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo?!"

He chuckled dryly. "Go easy on me, hun. Gusto ko lang ng kausap. Masama ba 'yon?"

Inis akong nagbuga ng hangin at tuluyan ng bumaba mula sa kama ko. Naglakad ako papuntang bintana kung saan tanaw ang labas namin. Hinawi ko ang kurtina at nakita roon si Alas na nakasandal sa kotse niya. The direction of his eyes was already on me as if he knew I'm going to check on him. Ngumisi siya bago sumaludo sa akin.

"Gago ka talaga." sabi ko sa linya.

Natawa siya, nakatingala pa rin sa akin. "Bumaba ka na. Matutunaw ang ice cream."

Dahil nakaputing blouse at pajama naman, nagsuot na lang ako ng itim na cardigan bago nagdesisyon g lumabas ng kwarto. Mabuti na lang at maagang natutulog sila Mommy at Daddy. Kung bakit naman kasi dito ko naisipan matulog kesa sa condo ko.

Pagkalabas ng gate ay nasa akin agad ang tingin ni Alas. I must to admit that he looks ridiculously hot and attractive on his plain white slim fit shirt and faded jeans. He's too casual but the air of being intimidating is still oozing.

"You brought me an ice cream as if you're already sure that I'll go down and eat with you." taas ang kilay na bungad ko sa kaniya habang magkakrus pa ang mga braso.

He licked his lower lip while hands are inside his Jean's pockets.

"Hindi mo ako matitiis."

"At sino ka naman para hindi kita matiis?"

Monasterio Series #5: Risks and Chances Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon