Kabanata 25

32K 1.6K 195
                                    

Kabanata 25

Christmas

"Noche Buena is ready! Come here in the dining area!"

Mula sa panonood ng TV ay tumingin ako sa kapatid na nakasalampak ang upo sa couch habang tutok na tutok sa cellphone niya. Beside him was Dashiel who is also busy with his phone. It seems like they didn't hear Mommy's calling.

Maging si Daddy at Tito Daniel na nasa bar counter ay abala sa pag-uusap tungkol sa negosyo. Kahit mga may edad na ay hindi pa rin maitatago kung gaano sila kagwapo at kakisig lalo na nung kabataan nila. They're both handsome and masculine. Nga lang, kung titingnan ay mukhang mas maloko si Tito Daniel.

"Daniel, Zion, kakain na tayo..." si Tita Cheska, masiyadong maganda sa suot na pulang sleeveless dress. Tumingin siya sa aming tatlong magpipinsan. "Let's go to the dining area and stop whatever you're doing on your phone. May oras para riyan."

"I'm not one of them, Tita." I said and stood up.

Napailing si Daddy saka ako inakbayan. "Your brother is busy again with Tate."

"What's new, Dad?"

"Dashiel, anak. Mamaya na iyan," ulit pa ni Tita Cheska sa pinsan ko. "Hindi naman mawawala si Dreya."

Humagalpak ng tawa si Zadriel, nang-aasar. "Do you remember when you told me that I am whipped to Tatiana, man? Well, back at you."

"Fuck you." sagot ni Dashiel.

"I said no cursing when I'm around, Dashiel Adam!" pagalit na sita ni Tita Cheska.

I smiled inwardly. She's always been the kind one when it comes to the Monteverde sisters. Si Mommy palagi ang bitchesa. Pero kapag nagalit naman si Tita Cheska, masakit rin kung magsalita.

Sabay-sabay na kaming nagtungo sa dining area. During Christmas, we always make sure that our families will be together under the same house. Minsan ay kela Tita Cheska kami nagdidiwang. Minsan naman ay dito. Salitan lang. Maliit lang ang pamilya namin kaya dapat ay sama-sama palagi sa mga ganitong okasyon.

Naabutan namin si Mommy na naglalagay ng ulam sa mesa. She's radiating in her green Midi dress. Mas lalong lumabas ang pagiging mestisa niya. Our dress color code for tonight are red and green. Sa pamilya nila Tita Cheska, pula ang nakatoka habang kami naman ay kulay berde.

As for me, I am wearing a cowl neck emerald green dress. Hapit ito sa katawan at hanggang sa itaas ng tuhod ang haba. I mixed it up with a white gold Rolex wrist watch and a tiny cut of diamond earrings. I also put my hair in a high pony tail that defined my small face even more. Hapit na hapit ang pagkakatali ko sa buhok at ni isang hibla ay walang makikitang nakaladlad.

Naupo ako sa tabi ni Dashiel, katapat ko naman si Tita Cheska.

"Mas maraming handa ngayon kumpara noong nakaraang taon." puna ni Tito Daniel habang ang atensyon ay nasa mga pagkain.

"Ang iba diyan ay unang beses pa lang nasubukan iluto. Sana ay pumasa sa panglasa ninyo." sagot ni Mommy.

Natawa ako. "Good luck!"

"Alexander, itong anak mo talaga!" sumbong ni Mommy.

Imbes na kampihan siya ni Daddy ay pasimple pa itong ngumisi. I'm aware of Mommy's frustration in cooking back when she's still young. Nabanggit sa akin ni Daddy na madalas siyang pakainin noon ni Mommy ng mga sunog na pagkain at halos ang trash bin lang ang nabubusog. It's given since she and Tita Cheska grew up in a very wealthy family.

Mabuti na lang at kahit laki ako sa karangyaan ay marunong naman akong magluto.

"Have to work out after these holidays. Got too many calories." si Zadriel.

Monasterio Series #5: Risks and Chances Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon