Kabanata 3

40.8K 1.6K 142
                                    

Kabanata 3

Cheaters

"Ma'am Ania, nasa labas na naman po ng building yung boyfriend ninyo—"

"Ex boyfriend..." I rolled my eyes at the way she addressed that asshole. Nagtuloy ako sa pagtitipa sa aking laptop at umaktong baliwala lang ang sinabi niya. "Tell the guards to shoo him away."

A loud ring from my phone stole my attention. Pahablot kong kinuha iyon mula sa tabi ng laptop at nakitang si Zadriel ito.

"What?" I asked irritatedly.

Hindi ako sa kapatid ko naiirita kung hindi kay Kris. Sa araw-araw na lang na lumilipas, wala na siyang ginawa kung hindi ang puntahan ako rito sa building para lang sa paguusap na gusto niyang mangyari. Luckily, the guards are always pushing him away like how I ordered them to do. But that asshole is too persistent. Hindi niya ba kayang intindihin ang salitang tapos na kami at ayaw ko na sa kaniya?

"I heard that your bastard ex is outside the building..."

Umirap ako sa hangin. "Tsismoso ka talaga."

He chuckled. "Hindi ko alam kung swerte ba siyang wala ako diyan at ako mismo ang haharap sa kaniya o malas dahil paparating na si Papa diyan."

Mabilis akong napatuwid mula sa pagkakaupo nang marinig ang sinabing iyon ng kakambal.

"Dad's gonna come here?"

"Uh-huh. And he's already on his way, Ania."

Hindi ko na nagawa pang patayin ang tawag at mabilis na tumayo mula sa swivel chair. I walked past my secretary and stormed out of my office.

Hindi puwedeng maabutan ni Daddy si Kris na nasa labas at nagwawala roon. I know how he can be evil and I don't want him to cause any scene there. Ayokong pagpiyestahan kami ng mga tao, malaman ang kung ano mang nangyayari sa amin, lalo na sa akin. Being the talk of the town is the last thing I want. Kapag nalaman nila ang tungkol sa nangyari sa amin ni Kris, kakaawaan nila ako. At iyon ang iniiwasan ko.

They can't pity me. I don't fucking need that.

The sound of my heels stabbing the marble floor gave everyone around who's looking at me an intense feeling. Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Kris na pilit inaawat ng mga gwardya.

"Let me go! I need to talk with Zephania. Can't you recognize me? I am his boyfriend!"

"Sir, si Miss Ania mismo ang nag-utos na huwag kayong papapasukin dito—"

"That's not possible—"

"It is. I already made it possible." I cut him off as soon as I reached their spot.

Nanglaki ang mga mata ni Kris pagkakita sa akin. Hawak pa rin siya ng mga gwardiya na tila ba nag-aalala na pagagalitan ko sila oras na bitawan nila ito at makalapit sa akin.

"Ania, mag-usap tayo. Pakinggan mo ako—"

"Only if you would stop making a scandal here."

"I won't, I promise..."

I casted him the kind of stare that would surely burn his soul with coldness. He looked down. Tumingin sa akin ang dalawang gwardya, humihingi ng senyales. Tumango ako bilang sagot. They let go of him as he fixed his crumpled polo shirt.

Hinagod ko siya ng tingin. He looks like a mess right now. Magulo ang mga buhok na siyang malayo sa nakasanayan ko. Maitim at lubog rin ang ilalim ng mga mata niya. It's like sleep was depriving him.

Ano namang kadramahan ang meron siya? Huwag niya sabihin sa akin na naaapektuhan siya ng paghihiwalay namin dahil hindi ako maniniwala. Ako nga itong niloko pero hindi naman ako umaastang katapusan na ng mundo. I am hurt — that's the truth. Nasasaktan ako dahil niloko niya pa rin ako sa kabila ng lahat. I'm a good catch and yet, he still cheated on me with just a random woman. Ngayon ay aasta siyang kawawa?

Monasterio Series #5: Risks and Chances Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon