Kabanata 21

32.3K 1.6K 251
                                    

Kabanata 21

Stars

Tumalim ang titig na iginagawad ko kay Alas dahil sa sinabi niya. Maging ang hawak ko sa kaniyang mga balikat ay dumiriin rin. Hindi naman ako nagagalit. Naiinis lang ako kung bakit ganoong klase ng salita ang binibitawan niya sa akin.

Wala naman sanang problema kung hindi ako nahuhulog sa kaniya. Walang magiging epekto. But it's the other way around. Every word he says is affecting me now.

"Stop it. Someone might hear you." My lips pursed as I tried to avoid his eyes.

I heard him let out a deep sigh like he's frustrated. Itinuon ko ang atensyon ko kela Tita Cheska na ngayon ay nasa table na kasama si Tito Daniel. They're talking while smiling at each other. Si Dashiel ay naroon rin ngunit abala naman sa cellphone niya.

"This is confusing..." I heard him say.

I glanced at Alas as our body were slowly moving. Hindi ko nagugustuhan ang hatid sa pakiramdam ko ng malamyos na musika na pumapailanglang sa buong lugar. Pakiramdam ko ay nakalutang ang mga paa ko mula sa simento, ang tiyan ay kinikiliti.

I've never been this giddy all throughout my life. Sa totoo lang ay gusto kong lumanghap ng preskong hangin dahil para akong nahihirapan huminga. I feel suffocated but not in a bad way. It's like someone is trying to tickle my heart.

"What's confusing?" I asked him.

"This. I don't know why I'm missing you. I don't suppose to feel this towards you," he chuckled but I can hear the frustration laced within his voice. "It's getting more complicated, Ania."

Kumunot ang noo ko. "Hindi kita maintindhan."

"Hindi ko rin maintindhan ang sarili ko."

"Stupid." irap ko sa kaniya.

Narinig ko ang baritonong halakhak niya na tanging kaming dalawa lang naman ang nakakarinig.

"Stupid enough to miss you, huh?"

"Puwede ba, Alas. Huwag mo akong landiin dahil wala ka ngang mapapala sa akin. I'll go back—"

"Come with me..."

Napakurap-kurap ako kasabay ng pagkunot ng aking noo.

"Ano?"

"I want to talk to you. Somewhere private and silent."

"Tungkol saan? At saka bakit kailangan sa ibang lugar pa kung puwede naman dito?"

Ang mga kamay niya sa bewang ko ay bahagyang gumalaw dahilan para mas maramdaman ko ang init ng mga palad niya. He slightly pulled my body closer and tilted his head.

"Do you trust me?" he whispered that question on my ear.

Hindi ako nakasagot agad nang balikan niya ng malalim na tingin ang mga mata ko. I feel like I am suddenly hypnotized and some powerful spell was casted upon me.

Dumulas ang mga kamay ni Alas mula sa bewang ko patungo sa aking kamay. Pinagsalikop niya ito habang titig na titig sa mga mata ko. Next thing I knew, we're already living the place.

Sa isang itim na Hilux ako pinasakay ni Alas. It's different from the car he always use but it's no surprise. Men are really fond of cars.

Pinanood ko siyang sumakay sa driver's seat. He immediately started the engine and maneuvered the steering wheel.

"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kaniya. "Tungkol saan?"

"Tungkol sa atin."

Tinaasan ko siya ng kilay kahit na hindi naman niya nakikita.

Monasterio Series #5: Risks and Chances Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon