Kabanata 41

35.2K 1.8K 315
                                    

Ania Monasterio

Kabanata 41

Ending

Nagmamadali akong bumaba ng kotse pagkahinto nito sa bahay. Tears were strongly cascading down my cheeks as I ran towards the main door. Si Mommy ang nagbukas ng pintuan dahilan para atakihin ko siya ng mahigpit na yakap.

“Ania! What’s wrong?” she asked, caressing my back with so much gentle.

Hindi ako sumagot. Sa halip ay hinayaan ko lang ang sarili kong humagulgol sa balikat niya.

“Zadriel, anak, anong nangyayari? Bakit umiiyak itong kapatid mo?”

By this time, I knew that my twin brother is already behind me. Matapos umalis ni Alas sa opisina ni Zadriel ay nagkaroon pa kami ng matinding diskusyon. Ipinapaintindi niya mabuti sa akin na kasalanan ko kung bakit kami humantong sa ganito ni Alas. At kung gaano ako kasama para gawin ang bagay na ito sa kaniya.

“Tanungin niyo iyang magaling ninyong anak. Naalog ata ang utak nang maaksidente.”

“Zane Adriel! Alam mo na ngang ganito ang sitwasyon ng kapatid mo pinagsasalitaan mo pa ng ganiyan—”

Narinig ko ang nakakainsultong tawa ni Zadriel. Ramdam ko ang galit sa boses niya, bagay na ngayon lang nangyari sa pagitan namin dalawang magkapatid.

”What situation, Ma? That she has an amnesia? Why don’t you ask her if she really has that?”

Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Mommy at marahas na hinarap ang kapatid. His flaring eyes darted into me.

“Ano ba talagang problema mo? Kung ano man ang mga desisyon ko sa buhay, labas ka na doon. Wala ka ng pakielam kung gawin ko man ang mga bagay na ‘yon kay Alas! I have my own reasons, Zadriel—”

“And your decisions are definitely stupid!”

“Stop minding my own business, will you? Hindi porque kapatid kita ay makikielam ka na sa akin—”

“Ania! Huwag mong kakausapin ng ganiyan ang kapatid mo. Sandali nga! Ano ba talaga ang nangyayari sa inyong dalawa? What is this argument really all about?” sigaw ni Mommy.

Zadriel and I both glared at each other like some werewolves. Inirapan ko siya at hinarap si Mommy. I tried to wipe the tears from my cheeks using the back of my hand but tears still came out.

“Can we talk in private, Mommy? You have important things to know.”

Salubong ang kilay, isang beses siyang tumango sa akin. Hinarap niya si Zadriel hindi kalaunan.

“I’ll handle this, Adriel. You can go back to the office.”

Narinig ko ang buntong hininga ni Zadriel mula sa aking likuran. It’s seconds later when he locked his arm around my neck and pulled me closer. I felt him kiss my head that made me tear up so bad.

“No matter how disagree I am to all of your decisions, know that I still got your back.”

Humikbi ako, humarap sa kaniya at inatake siya ng yakap. He wrapped his arms around my body while caressing my hair.

“Ssh. Clear up your mind first and everything will be fine.”

Tumango ako. Isang beses niya pa akong pinatakan ng halik sa aking noo bago tuluyang nagpaalam sa amin. Nang harapin ko si Mommy ay bahagya nang nagtutubig ang mga mata niya.

“You have some explaining to do, Ania.”

Tumango ako. Sa kwarto ni Mommy kami nagpunta. Naupo kami sa dulo ng kama. Nakatungo ako habang siya ay tahimik na nakaabang sa akin.

Monasterio Series #5: Risks and Chances Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon