Kabanata 40

33.9K 1.7K 457
                                    

Kabanata 40

Free

Hindi ko maiwasan mapailing habang pinagmamasdan sila Mama at Papa na naglalambingan habang nakaupo sa couch. We have to be in our family house every Sunday, have to eat dinner together and then watch movies after. Si Mama ang mag-dedesisyon kung ano ang papanoorin. Sunshine and I have no say what to watch so if Mama chose to watch a fucking romance movie, then we'll watch.

"Here I thought we're all going to focus on this damn movie." Sunshines spilled those words with boredom.

Natawa ako, ang atensyon ay nasa mga magulang pa rin namin. Mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas pero pansin pa rin kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Walang nagbabago, hindi napapaglipasan ng panahon. I can even see the fire whenever Papa is looking at her. It's blazing and lively.

Sa tingin ko, ganoon rin ang magiging tingin ko kay Ania kapag dumating ang panahon na naalala niya na ako at natuloy na ang kasal namin. I will surely look at her the way Papa looks at Mama — painted with love and passion.

"They're having their own moment. Still not used to it?" I sighed and then glanced at the huge flat screen television.

A beautiful latina woman came in the scene. She had long brown hair, tall and got slender body. She had a resemblance with Ania and my mind couldn't help but to visualize her face again.

It's been almost two months since I last saw her. Nakukuntento na ako sa pangangamusta sa kaniya. Whenever I have a chance, I tried to check on her through her family everyday. Ang sabi nila Tita Rian ay wala pa rin pagbabago kay Ania, hindi pa rin nito naaalala ang mga ala-alang nawala sa kaniya.

More patience, Alas. Always remember the life you want to have with Ania in the future. You can't just give up on her.

"Tao po! May tao ba diyan? Huwag kayong kikilos napapalibutan namin kayo!"

Nagkatinginan kaming lahat matapos marinig ang sigaw na iyon. Maging sila Papa at Mama ay nahinto sa pag-uusap at napatingin sa akin.

"Sino 'yon?" si Mama, halatang naging alerto.

Sunshine breathed a sigh. "That's Tate, the walking megaphone..."

As if on cue, the wooden door suddenly opened. Iniluwa noon si Tate na malawak ang pagkakangiti habang may mga dalang paper bag sa kamay.

"People of the Earth, I present to you, Tatiana Follosco... soon to be a Monasterio!" she laughed. "Hello, everyone!"

Damn. When did she come back?

"Tate, hija! Kailan ka pa bumalik?" si Mama, nakatayo na at agad siya sinalubong ng yakap.

Bumeso si Tate kay Mama bago kay Papa. "Just yesterday, Tita Sands."

Tate next went to Sunshine and kissed on her. Nang matapos ay sa akin naman siya nagpunta. My brow raised looking at the smirk on her lips.

"Hello, broken hearted boy." she laughed and then kissed me on the cheek.

Napailing ako. Siguradong may alam na siya tungkol sa akin at kay Ania.

"You're back..." I said.

"Hindi, Alas. Anino ko lang ito. Inutusan ko lang kamustahin kayo all the way from Zurich." Humalakhak siya.

"Did Zadriel already propose to you?" tanong ni Sunshine.

Nagkabit balikat si Tate bago naupo sa gitna naming magkapatid.

"Hindi pa."

"Why are you telling us that you'll be a Monasterio soon?"

Sinamaan siya ng tingin ni Tate. "Wait ka lang, Shine! Ako pa ba. Patay na patay kaya sa akin 'yon. Sinundan pa nga ako sa Switzerland, 'di ba? Gondo ko, ghorl! Gusto mo 'yon? Gusto ko yern!"

Monasterio Series #5: Risks and Chances Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon