Kabanata 19

97 4 0
                                    

Confession


"Letizia!" Patakbong lumapit sa akin ang matanda na agad dinaluhan ni Steel. Ngumiti ako at hinintay ang pagdantay ng kanyang kamay sa aking braso't pisngi.

"Nana, dahan dahan!" My cousin's frustrated voice echoed. Hindi siya pinansin ni Nana at mas lalo lang lumapit sa akin para mahagkan ako.

"Mabuti at nandito ka! Ang mga magulang mo?"

"Napadalaw lang po at ako lang mag-isa." Ngumiti ako sa matandang nasa harap ko. She reminds me of Ada but she's too formal. Lumaki ako sa mga Argonza pero hindi ko maipagkakailang mas maraming nag-aalaga sa akin sa tuwing nasa mga Ventrelle. At isa na siya ro'n.

"Natutuwa akong nakita kita ulit dito." Ang magaspang niyang kamay ay paulit ulit na hinahaplos ang aking balat.

"Pwede naman po kayong bumisita sa amin."

Ngumiti siya at hindi na sumagot lalo na nang dumugin kami ng mga pinsan na isa isang pumasok sa loob ng mansion upang kumuha ng mga pagkain.

Iniwan ako ni Nana dahil nanggugulo na sa kusina sina Rafael. Pinalabas nila ang lahat ng pagkain sa may pool area kaya doon na rin ako nagtungo.

Sumunod na si Steel kina Rafael habang ako ay lumabas upang daluhan ang tahimik na kaibigan.

Tahimik ang labas at ang tanging naririnig lang ay ang tunog na likha ng kung anong hayop sa likod ng madilim na mga puno. Nagkalat din ang ilang alitaptap na siyang nagsisilbing ilaw ng mga halaman dahilan kung bakit mukha itong hindi makatotohanan sa sobrang ganda.

I remembered my childhood days with my cousins. Ang habulan at tawanan sa eksaktong lugar kung saan nagliliparan ang mga alitaptap. May mga litrato pa kami noon na tingin ko ay nasa kwarto ni Steel. Bata pa ako noon, siguro dahil sa sobrang saya ng memorya, hindi ko nalimutan.

I love my childhood years.

Nakaupo si Vera sa mahabang rattan na sofa malapit sa may pool. Nakatitig siya sa kanyang cellphone habang si Atania ay may katawagan sa sulok. I can hear her giggles.

"Ulysses just called." Panimula ni Vera nang maupo ako sa tabi niya. "He's asking about the dinner."

Oh. Nakalimutan ko! Nahalata niya siguro sa reaksyon ko iyon.

"Anong sinabi mo?"

"Na hihintayin ko ang sagot mo." She said without tearing her eyes of off me.

"Hindi ako pauuwiin ng mga pinsan ko..."

Tumango siya at nagtipa ng kung ano sa kanyang cellphone.

"Inaasahan ko na 'yan. Ulysses will understand anyway. Besides, it's better if he rest tonight." Bawat salita niya ay nakatingin lang ako. I wonder if she trust me? I wonder if she ever doubted me. I wonder if she ever think twice on believing me.

"Sinabi kong may free time ako." Wala sa sariling sabi ko.

"It's okay. I told him we're here in your mansion. It's a family thing so you can't skip it." She smirked.

Ngumuso ako. I trust her my life. Growing up, before she came, I only had my cousins. I don't have friends to share my thoughts and experiences with.

Pero ni minsan hindi ko naramdaman na kailangan ko ng ibang tao. Kahit wala akong kapatid, hindi ko kailanman naramdaman na mag-isa ako. I am showered with so much love and attention that sometimes I think it was too much.

Watching Vera in front of me right now, made me realize that my life will be very boring without her. Totoo ngang kahit close kami ng mga pinsan ko, mas maganda talagang may isang taong nandyan para sa akin na hindi ko kadugo. It's very heartwarming to see that there's someone who's not even part of your family, who treats you right and love you much.

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Where stories live. Discover now