Kabanata 9

84 4 0
                                    

La Tierra

If our mansion in Manila is in modern design, dito naman ay mediterranean. Parang isang palasyo lalo na ngayong papalapit ang paglubog ng araw. Nakabukas na ang mga ilaw mula sa loob at mayroon na rin sa labas. Mula sa malaking gate ay sementado ang daanan, pagtigil sa harap ng malaking fountain ay puro damo na.

Nanatili akong nakaupo sa loob ng van at nakatanaw sa malaking mansion sa harap ko. Sinalubong na si Daddy ng mga tauhan at kasambahay niya habang si Mommy ay diretso sa mga bisita. I even saw Ulysses and Azure beside their parents.

"Gabriel! Florence! Jus mio, mga batang ito! Hindi kayo nagsabi na dadalaw kayo!"

My father laugh with tita. Niyakap nila pareho ang matanda na tsaka lang nakita si Mommy na nag-aabang na din sa kanya.

"Alejandra, ikaw ba yan?"

Ngumiti si Mommy at humalakhak si Daddy. Si tita Florence ay tinabihan ang asawa niyang nakatingin lang sa mga kaganapan katulad ng mga anak.

"Ako nga, Amada." Sabay lahad na rin ng kamay para sa yakap.

"Naiiyak naman ako! Ang mga alaga ko!"

My mother laughed with tita Florence. I wonder how my parents met? Kung paano naging magkaibigan si tita at daddy? Kung bakit silang tatlo ang alaga ng matanda? Ang alam ko ay taga-Maynila ang mga Ventrelle kaya paanong naging alaga niya pati si mommy?

"Sir Azriel!" Naglahad ng kamay ang matanda na agad tinanggap ni tito.

"Good evening, Amada."

Pasimple akong tumingin kay Ulysses na nakadungaw rin ngayon sa akin. Ngumisi siya kahit siya naman ang nahuli kong nakatingin! Bakit ako itong nahihiya?

"Ngayon na lang ulit kayo bumisita! Mabuti pa itong si Florence ay halos taon-taon hindi nakakalimot na dalawin ako!" Saad nito sa tonong may hinanakit.

"Pasensya na, Ada."

"Ano pa nga ba ang gagawin ko kung hindi ang intindihin kayo?"

"Ada, hindi kasi gusto ni Zia ang probinsya. Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon si Gabriel na mapapayag ang anak." Ani tita. Humalakhak ang asawa niya sa tabi.

"Anak? Nasaan ang anak mo, Gabriel?"

Bumaba ako ng van, agad tuloy ang baling sa akin ng mga kasambahay.

"Is she your daughter?"

"Yes, Amada." Daddy smiled. Ngitian ako ng matandang babae kasabay ng paglahad ni Mommy ng kamay sa harap ko.

"Introduce yourself, Zia."

Tumikhim ako at lumingon sa nakatingin din sa aking si Ulysses, Azure at tita Florence. Uminit ang pisngi ko at bahagyang humalukipkip.

"My name is Letizia Thylane Argonza. My parents called me Zia, it's okay if you call me by that name too."

Nakita ko ang pagngisi ni Azure sa gilid ko. Lalo tuloy akong nahiya sa sinabi.

"Nice to meet you, Zia. I am Amada... I am your parents guardian."

Narinig ko ang hagikgik ni tita.

"Uhm..."

"Nahihiya..." Tawa ni Daddy.

"By the way, this is Nora, Marissa, Helen and Carol."

Isa-isa silang kumaway sa akin. I smiled and waved back. Pakiramdam ko ay hindi sila mga kasambahay. I feel like they are my parents' childhood friends.

"Ang ganda ganda mo hija. Kamukha mo ang lola mong Ventrelle." She smiled. Ngumiti ako. My grandma is the prettiest. She's too perfect para maging standard ng matandang ito. Pero kung gano'n nga, hindi ako tatanggi kung maipaghahambing kaming dalawa.

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon