Kabanata 15

120 4 4
                                    

Setting Sun

Mabilis akong pumasok ng coffee shop at binati agad ng guard. Nakasunod sa akin si Azure na tahimik lang na naglalakad. Hindi na ako nag-inarte pa at dumiretso na lang sa table nina Lorcan. I wonder why they are here at this hour. Lunch na at nagkakape sila?

"Wanna order?" Salubong ni Ice sa akin. I shook my head and remained silent. Umupo ako sa tabi niya at ang nakasunod sa aking si Azure ay wala nang pagpipiliang upuan kaya naupo sa tabi ni Lorcan.

"Hmm, what a sight." Lorcan smirked. Inabala ko ang sarili sa tissue na nasa mesa namin.

"Ang haba na ng nguso mo." Reklamo ni Ice sa akin habang tumatawa. Mas lalo akong ngumuso.

"Let's order, Letizia. What do you like?"

"I am fine, I'm done with my lunch." I glared at him. Bumuntong-hininga siya at tinabi ang menu. His friends are boldly watching us and I clearly see from my peripheral vision that they are laughing! I can't help but think that we look like a couple who just got out of a fierce argument!

"So..." Lorcan trailed off.

Nag-iwas ako ng tingin upang hindi matanong. I know I'm at fault. Hindi tama ang ginawa ko, pero nakakaramdam ako ng galit! Nasanay ako na hinahatid niya ako, o iyong nagpapaalam siya kapag hindi siya ang susundo sa dance classes ko. Sinanay niya ako na ganoon kaming dalawa kaya ngayong hindi niya ginawa... I was disappointed.

"Kapag ganito ang nangyayari, isa lang naman ang dahilan n'yan."

I raised my brow.

"Selos." Lorcan replied without hesitation.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. I am certain that I am not freaking jealous! Why would I be? I don't like him!

"Shut up, Lorcan." Azure hissed at him. Tumawa ang dalawa na lalong kinainis ko.

"I never got jealous about his girls, Lorcan. Kahit ilan pa ang makita ko! Kung iyan ang sinasabi mo!"

He tilted his head while looking at me. Mataman naman ang titig ni Azure sa akin. Halos galit sa sinabi ko.

"Oh..." Ice chuckled beside me.

"Tama na 'yan. Kumain na tayo. Iyon ang dahilan kung bakit dinala kita rito." Umigting ang panga ni Azure. Umirap ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Kumain ka na diba? Was there not enough food on your plate to fill you up?" Pinandilatan ko siya ng mata.

Umiling siya, tila disappointed sa sinabi ko. "You were so preoccupied with our talk that you failed to notice that I simply had coffee on my table."

Natigilan ako. Totoo ngang hindi ko nakita ang plato niya pero dapat meron 'di ba? Davina is eating and he's just drinking his coffee? That's rude! Dapat ay inalok siya at tinanggap niya! It's awkward to see that you are eating while your date is just drinking his damn coffee!

"Hindi ko alam? Malay kong kumain ka na rin bago pa kayo mag date ni Davina? Gaya ng meeting na sinasabi mo?"

Lumingon sa akin ang tahimik na si Ice at Lorcan. Tila may nasabi akong pangalan na kinainteresan nilang dalawa.

Azure glared at me. "Kumain ka na at pagkatapos ay mag-uusap tayo."

I flipped my hair and rolled my eyes. "Ayaw ko. Like what I've said, I'm not jealous. I don't need explanations and I'm full!"

"Yeah you're not. Just upset huh?" Tila napatid na ang kaunting pasensya niya sa akin. Uminit ang pisngi ko.

"Hindi rin!"

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Where stories live. Discover now