Kabanata 8

102 5 0
                                    

Dance

Everything's perfect. Iyon ang nararamdaman ko habang nakaupo at tinitingnan ang mga bisita. My seven roses just ended and I am taking a break with my cousins. Pagkatapos nito ay sasama ako kina Mommy upang umikot para bumati sa mga bisita ko.

Inayos ko ang suot na pulang ballgown para sa pangalawang palit. Hawak-hawak ko rin ang regalo ni Celestine sa akin dahil ayaw ko pang buksan. Ngumuso ako at kinalabit ang busy na si Cero na nakikipag-usap kay Trav. Inabot ko sa kanya ang hawak ko.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Put this in your pocket."

Tiningnan niya ang hawak ko ngunit hindi na nagtanong at agad ding nilagay sa kanyang bulsa ang maliit na regalo.

"Sino dyan? Ano ulit pangalan?"

"Ravienne." Sagot ni Travon kay Alice. Umikot ang mga mata ko upang sulyapan kung sino ang tinitingnan nila.

"Iyon bang nakakulay yellow?"

"Oo, pinsan 'yan ni Elliot. Kapatid ni Stephen Eleganze."

Nagtaas ako ng kilay nang masulyapan ang pinag-uusapan nila. Tahimik na nakaupo ang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Sa tabi ay ang mas batang lalaki na nakikipag-usap sa katabi nitong si Elliot.

"What's with her?"

Nagkibit balikat sa akin si Maui kasabay ng pagdating ni Joaquin at Quezia. Humalik sa pisngi ko ang dalawa bago umupo.

"Raziel likes her."

"Sa inyo kami matutulog mamayang gabi." Ani Joaquin. Umirap lang ako sabay baling sa katabing si Quezia.

"Sinong gusto ni Raz?" Tanong ko.

Humalakhak si Cero at Travon.

"Si Ravi. Iyong maganda sa katapat nating table." Ani Cero. Humalukipkip ako at tinandaan ang itsura ng babae. Well, she's pretty. Sa kanilang lahat, mas gusto ko ang taste ni Raz pagdating sa babae. May mga class. Ravi is one of them, she's the best so far.

"Ang alam ko sa La Tierra rin ang pamilya niya."

"Taga probinsya kung gano'n?" I asked. Lumingon ulit si Alice sa table nila.

"Taga probinsya ka rin." Putol ni Joaquin sa mga iniisip ko.

"Oo, pero dito 'yan nag-aaral." Sagot ni Trav sa akin.

"Hindi ako taga probinsya."

"Sa La Tierra ang mga Argonza, Zia."

"So? My mom's hometown is here."

Umiling na lang siya sa akin at tumawa.

Umirap ako kay Joaquin. Si Raziel ay umiiling na lang sa amin na tila disappointed dahil sa harap pa niya namin pinag-uusapan iyong si Ravienne.

"Tigilan niyo na nga," Naiirita niyang suway kay Trav.

"Nahiya ka pa. Maganda naman iyong si Ravi!" Tulak ni Alice sa kanya.

"Mas maganda sa crush ni Trav." Pang-aasar ni Cero. Iritado siyang sinapak ni Travon sa braso.

"Dude, what the hell?"

Tumawa si Cero.

"Balak niya na atang manligaw e," Ngumuso si Maui at binalik ang tingin sa table nila. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ang sinabi ng pinsan. Manligaw?!

"Ang bata mo pa, Raziel!" Asik ko. Nag-iba ang reaksyon niya at natatawang tumingin sa akin.

"The birthday girl is suddenly so possessive." Pang-aasar niya. Iniwas ko ang mukha at sumimangot sa tawa nila. Si Cero ay mukhang naapektuhan sa pagkawala ng ngiti ko kaya natatawa akong inalo.

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Where stories live. Discover now