Kabanata 4

117 6 0
                                    

Hindi Sinadya

Habang papalapit ako sa sasakyan namin ay natanaw ko agad si Cero sa harap ng umiiyak na babae. Kaya pala hindi niya ako sinundo sa classroom ko!

"Cero!" Sigaw ko papalapit. Sumulyap siya sa akin gamit ang malamig na mga mata.

"Pasok sa kotse, Letizia."

Imbis na sumunod ay lalo lang akong naging interesado na makita ang mukha ng kausap niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang maharap ang babae. Napaawang ang labi ko ng makilala si Aliyah.

"Z-Zia, I wanna say sorry..." Aniya sabay hawak sa kamay ko. Hinatak agad ako ni Cero at humarang sa harap ko. Kunot ang noo kong nakatitig sa kanilang dalawa. Why is she crying?

"For what?"

"Get in the car." Hinarap ako ni Cero sabay hablot sa bag ko. Binuksan niya ang sasakyan at hinagis iyon sa loob.

"Sa ginawa ni kuya. Gusto ko kayong makausap sana ni Cero... kahit sandali lang."

"Gusto ko ang sorry ni Shawn dahil siya ang may kasalanan sa akin. Kayo ni Cero dapat ang mag-usap sa parte na 'yan."

"H-Hindi naman siya nakikinig sa akin." Sabay hikbi niya.

Hinawakan ni Cero ang braso ko. Nilingon ko siya at nakita ko ang reaksyon niyang pinaka ayaw ko. Reaksyon niyang mukhang walang pakielam.

"Pinaiyak mo ba siya?" Tanong ko.

"I didn't. Tss, lumapit siya sa akin nang umiiyak."

Lalong lumakas ang hikbi ni Aliyah.

"Then why is she crying?"

Nakita ko ang paghawak ni Aliyah sa braso ni Cero na nakakapit sa akin. Mariing pumikit ang pinsan ko sabay hawi sa kamay niya.

Bago pa ako makasagot ay hinatak niya na ako at sapilitan na pinapasok sa loob ng sasakyan namin. Nagpumiglas ako kaya nanghingi siya ng tulong kay ate Neda para maisakay ako.

"We're still talking!"

"Just get in the car, Zia!"

Kasabay nang pagsalampak ko sa loob ay siyang pagpasok din niya. Si ate Neda na lang ang kulang kaya hindi kami makaalis. Nakita kong sinundo niya ang yaya ni Aliyah, na tingin ko'y utos din ng katabi ko.

"Hindi naman siya ang may kasalanan sa akin!" Pagmamaktol ko.

"Huwag natin 'tong pag-usapan."

Pumikit siya at humilig sa sasakyan.

"What if puntahan ulit ako ni Shawn dahil umiyak na naman si Aliyah? I'm not scared or what but it's kinda annoying!"

"Hindi 'yan mangyayari. Pumikit ka na lang at matulog."

"Ayaw ko! I wanna know what happened! Hindi mo rin sinabi sa akin kung anong nangyari noon! I was clueless! And still am!"

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy sa pagkukunwaring natutulog. Pumasok si ate Neda sa front seat bago sumulyap sa amin kasabay ng pag-andar ng sasakyan.

"Cero!"

"Shh, Zia..."

Lumapit siya sa akin upang humilig sa balikat ko at yumakap sa baywang ko. Nakasimangot akong kinurot ang braso niya.

"Stop that. Let me sleep!"

"I am not your pillow!"

Sa sobrang inis ko at iritado niya sa akin, sa likod na lang siya humiga. Sakop niya lahat ng space at nakatalikod pa sa akin. Kaya buong byahe pauwi sa mansion ay hindi maipinta ang mukha ko.

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Where stories live. Discover now