Kabanata 20

134 4 1
                                    

Feeling

"Can you do that, Letizia? Will you promise me?" She looked hopeful in front of me. Umawang ang labi ko at nanatiling tahimik. Bakit sa akin siya nagpapatulong? Bakit ang dali sa kanyang humingi ng tulong sa akin gayong hindi naman kami magkaibigan? Ni hindi ko siya kilala bago ang araw na 'to! Oo nga't nabasa ko ang pangalan niya sa cellphone ni Azure pero hindi ko pa siya nakita bago mangyari yon!

"Bakit kailangan kitang tulungan?"

She smirked. Iritado ako, sobra. Alam kong kita niya iyon kaya ganoon na lamang ang ngisi niya sa akin.

"You said you don't like Azure. I like him. I can help you with my cousin and you can help me too. Win win situation."

"I don't like your cousin." Mariin ang bawat salita ko.

"Why? It's not hard to like Gray!" Pamimilit niya.

"Find someone else, then! Sinabi ko nang hindi ko siya gusto e!"

Nakita kong bahagya siyang nagulat sa pagsigaw ko. I can't help it. I'm not used to that. Hindi ako sanay na pinipilit sa akin ang mga bagay na ayaw ko. Hindi ako sanay na pinangungunahan ako.

"Why? Because you like someone else? Is that it?" Bahagya siyang lumapit sa akin.

"Kaya hindi mo man lang mapaunlakan ang nararamdaman ng pinsan ko? Dahil may gusto kang iba?"

I gritted my teeth. "I don't like someone else, Atania. Why? Should I like someone else first bago ko sabihing hindi ko siya gusto?"

She chuckled without any humor. "You're young. Too young actually. You should be glad because I like you for him. Hindi ba dapat hindi ka na maarte? Tutal ay bata ka pa naman at kung may nagkakagusto sa'yo ay dapat hindi ka na mapili!"

Gustong-gusto kong hatakin ang buhok niya. Pero habang nakikita ko kung gaano niya ikuyom ang kamay niya ay natatakot ako. Hindi ako mapisikal na tao. Mas gusto ko silang saktan gamit ang mga salita ko dahil doon ako magaling. I don't do physical fight. I'm not like that.

"Wala kang karapatan para magdesisyon sa parteng 'yan ng buhay ko."

"Tss. Hindi ka na talo, 'di ba? That's Grayson. Halos mamatay kakaiyak si Celes nang malamang ikaw ang gusto. Ngayon naman..." Humalakhak siya. "Ayaw mo?"

"I don't know what you're talking about!"

She gritted her teeth before pointing her fingers at me.

"Kung akala mong ginagawa ko lang ito para sa sarili ko, nagkakamali ka. I want Azure and he wants you. I'm helping him because I love him too. Kahit na nakikita kong masasaktan lang siya ng taong minamahal niya."

"Pati ba iyon ay isisisi mo sa akin? Hindi ko obligasyon ang nararamdaman niya para-"

"Then at least give him a chance! Bakit iyon hirap ka ring ibigay?"

I licked my lower lip. Bakit nga ba? I'm too young. I'm not up for any relationship. Iyon ang dahilan 'di ba? Bata pa ako, batang bata. Kahit ang mga pinsan ko ay hindi iisipin ang mga ganitong bagay dahil hindi pa pasok ang edad ko sa mga ganoong klase ng relasyon. Kaya bakit kailangan kong pag-isipan ang dahilan?

"I'm not up for any relationship. That's it. Bigyan ko man siya ng tsansa, wala ring mangyayari. I'm not saying this because I approved of your ideas. I didn't. I'm not considering your suggestions. I'm deciding for myself."

I stepped closer. "Stop concluding about Gray's feelings towards me. Kung gusto niya ako ay hayaan mo siyang sabihin sa akin. Hindi iyong ikaw ang magsasabi at mamimilit..."

She stiffened.

"Anong klaseng pagmamahal 'yan? Nangunguna at nangingielam."

Masama ang tingin niya sa akin pero wala na akong pakielam.

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن