Kabanata 3

115 6 0
                                    

His Pair

"Zia, imbitado ba kami sa birthday celebration mo?" Tanong ni Mark sa akin kasama ang mga kaibigan niya.

"Probably. Si Daddy ang mag-aabot ng invitations sa parents mo." Sagot ko at agad nang nakita si Cero na naghihintay sa akin sa tabi ng bodyguard niya. Sumilip si Alice mula sa sasakyan at kumunot ang noo.

"Zia, tara na!" Sigaw ni Cero.

Ngumiti ako at nagpaalam kina Mark. Agad na kinuha ni Kuya Fred ang ang bag pack ko.

"Sino 'yon Zi?"

Tanong ni Alice habang kumakain ng fries pagkapasok ko ng sasakyan.

"Classmates ko."

"Mayabang 'yon Zi, 'wag kang lalapit don." Irap ni Cero sa akin sabay abot ng tinake out nilang pagkain sa Jollibee. Kinuha ko ang softdrinks at agad na ininom.

"Siya ang lumapit sa akin. Bakit naman ako lalapit sa kanya?" Tanong ko sabay kain ng fries. Tumawa si Alice sa tabi ko.

"Ang sama ng ugali mo Cero. Parang hindi ka mayabang ah?"

"Compare to that boy, Alice I am nicer."

Ngumiwi na lang ako sa pinsan at pinagpatuloy ang pag kain. As usual, hindi naniwala si Alice sa sinabi niya. Ako rin naman. Nakita ko kung paano sila magpaiyak ng babae. Most especially him, since we're always together. Kapag ayaw niya, ayaw niya talaga. Kaya kung ipagpipilitan mo ang sarili mo sa kanya ay makakuha ka talaga ng masasakit na salita.

"Hindi ko nakakalimutan ang ginawa mo kay Aliyah!"

Nanahimik si Cero sa sinabi ni Alice.

"Shawn was furious because of it." Sabay inom ko ng softdrinks.

"Move on girls. It's been a month, kalimutan na natin."

Suminghap si Alice sa tabi ko at hinampas ang braso ni Cero mula sa front seat.

"That was childish, Cero. Muntik ng gumanti si Shawn kay Zia. Nakalimutan mo na ba?" Iritado nitong sabi sabay baling sa akin.

Tss, hindi ko rin alam bakit ganon ang mga lalaki. Mas pipiliin na gumanti sa mga babaeng malapit sa kaaway nilang lalaki. Bakit hindi na lang sila magsuntukan at huwag ng mandamay pa ng iba?

"You think I will let that happen, Alice? Nabugbog ko na siya bago niya pa mahawakan si Zia."

Sumipol si Alice at tumawa na lang. Mukhang naniniwala sa pinsan naming naglagay na ng earphones sa tenga para hindi siya makausap. Ngumuso ako at nagpatuloy sa kinakain.

Hinatid nila ako sa amin at patuloy kaming nag-uusap ni Alice. Nang makarating kami, hindi pa ako nakakalabas ng sasakyan ay bumungad na agad sa akin ang pamilyar na kotse ng mga Zalmodivar. Ulysses is here!

"Agang bisita nyan ah? Kilala mo Zi?"

"Oo, sina Tita Florence."

Humagikgik si Alice sa akin habang salubong ang kunot na noo ni Cero.

"Oh, yung Ulysses Zalmodivar ba?"

"Stop it, Alice. She's just six for heaven's sake."

Umirap na lang ako sabay baba ng kotse. Kumaway ako sa kanila habang papalapit sa amin si ate Deana.

"We will call later Zi! Have fun!" Kumindat si Alice sa akin at tuluyan na ngang lumabas ang sasakyan nila sa malaking gate namin. Hinayaan ko kay ate Deana ang bag pack ko habang diretso ang tungo ko sa loob.

Lumiwanag ang mukha ni Ulysses nang makita ako. Tumawa ang kanyang daddy kaya lumingon silang lahat sa akin. Diretso ang tungo ko sa mga magulang ko at humalik sa kanilang pisngi.

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Where stories live. Discover now