Kabanata 12

87 4 0
                                    

Tree house

"Ulysses!" Janna jumped out of excitement and ran towards him. Sumunod na bumaba ng sasakyan si Chloe at Jordan para batiin si Ulysses sa portiko ng mansion. Sumunod ako at napansin ang kadarating na sasakyan namin. Bumaba si Marissa na agad dinaluhan ng kasambahay ng mga Dela Vega.

"Careful," Pinatong ko ang kamay sa nakalahad na kamay ni Azure para alalayan akong bumaba ng kanilang sasakyan. Pabagsak niyang sinarado ang pinto nang makalabas ako. Sa front seat lumabas si Lorcan kaya sabay-sabay kaming tatlong naglakad papalapit sa maingay na batian ng mga kasama.

"Sinong kasama niyo? Si Kuya?" Dumapo ang mga mata ni Ulysses sa akin. Batid ko ang gulat niya. Kunot ang noo kong tumitig sa kanya.

"Oo, si Ice at Lorcan pati si Zia. Hindi ka nagawi sa amin!"

Ang lalaking nakakulay itim na shirt na may printed characters ay lumingon sa amin bago tumayo at lumapit. Tumayo ang mga nandoon at batid kong hindi inaasahan ang pagdating namin. Wala bang pasabi si Ice?

"Busy lang," Ulysses answered.

"Oh? Akala ko ba wala kang magawa kaya ka nandito?" The boy in a black shirt said. Siniko siya na Ulysses. Bumuntong-hininga ako at may kung anong bagay ang humalukay sa tyan ko. Nagsawa na kaya siyang pakisamahan ako?

"Dapat sumama ka na lang sa amin!" Chloe exclaimed.

Pinatong ni Azure ang kamay sa ulo ko. He made me look at him so I did.

"Are you ok?"

I nodded as a response. Lumilipad ang isip ko.

I was stunned when I saw Ulysses in front of me. Madilim ang tingin sa akin at hindi ko maiwasang makita si Azure sa kanya. Hindi kami napapansin ng iba dahil busy sa pakikipag-usap. Walang nagsalita sa aming tatlo lalo na noong niyakap ako ni Ulysses upang batiin.

"Anong ginagawa mo dito?" He asked. Nanuyo ang lalamunan ko sa sobrang sama ng loob.

"P-Pinuntahan lang namin si Saxon..."

Hinawakan ni Azure ang kamay ko. Lumingon si Ulysses sa kanyang kuya bago lumipat ang tingin sa akin. "Let's go inside."

Tumango ako, balak na sanang iwan silang dalawa doon kahit na nakahawak si Azure sa akin. I feel suffocated. Hindi ako makahinga kakapigil na magalit at mag burst out. Wala naman akong karapatan na pilitin siyang samahan ako. Hindi ko lang malaman kung anong ginawa ko para layuan niya at taguan ng ganito.

"Give us time, please Kuya?" Batid ko ang pagsisisi sa mga mata ni Ulysses nang lumingon sa akin. Umigting ang panga ni Azure.

"Go inside after your talk." He nodded and let go of my hand. Nauna na siyang lumapit sa may portiko habang kaming dalawa ay nanatili malapit sa sasakyan nila.

Walang nagsalita sa aming dalawa. I'm too disappointed to even say a word. I was hurt to know that maybe he's not treating me as his best friend. Di gaya sa akin na ganun ang tingin sa kanya. Baka si Vera lang ang gusto niyang kaibigan.

"Saan kayo galing nina Kuya?" He started to asked me questions.

"Malapit kina Chloe. Tabing dagat kasi sila."

Tumango-tango siya sa akin at ngumiti. "Masaya? Sana pala sumama ako!" He chuckled. Hindi ko magawang ngumiti o kahit sabihin na 'sana nga'. Nanatili akong tahimik hanggang sa naisipan na magtungo na lang sa portiko.

Bago pa man iyon mangyari ay hinatak na ako pabalik ni Ulysses. Ang isang kamay ay nasa palapulsuhan ko.

"I'm sorry..."

Hinarap ko siya at binigyan ng mapanuring tingin.

"Hindi naman kita pipiliting sumama sa akin kung ayaw mo. Sana lang hindi ka nagsinungaling kung ayaw mo kong makita."

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Where stories live. Discover now