Simula

240 8 1
                                    

Zalmodivar

"Maligayang pagbabalik, Miss!"

Lumapit sa akin si Esteban upang kuhanin ang mga maleta ko. Si Marissa ay nag-aabang sa iilang gamit na ibababa mula sa van. I took that opportunity to walk towards our backyard to check if my tree house is still there. Huling punta ko dito ay tatlong taon na ang nakakalipas kaya hindi ko na alam kung may nabago ba sa interiors ng buong mansion.

"Hindi ba ay dito lang iyon?" Pagkausap ko sa sarili dahil nakalimutan kung saang pwesto tinayo ang tree house ko. I check the trees and look for a wood house above it. Binilin ko 'to kay Marissa kaya alam kong iniingatan ito rito!

"Yay!" I jump out of excitement when I saw it. Kulay pink ang paint nito sa labas na may halong white at yellow. Maayos pa rin ang hagdan at mukhang pinabago! I'm gonna thank Marissa for making this clean and good! Nakaukit pa rin ang pangalan ko sa pinto gamit ang maarteng font style.

Sinubukan kong tumapak hanggang sa makapunta sa loob. Sobrang laki nito para sa akin noong bata ako. Ngayon ay hindi na ganoon kalaki ang space dahil lumaki na rin ako, pero nakakagalaw pa naman.

Umupo ako sa malambot na kama na sa tingin ko ay pinalitan din ang kutson, kumot at mga unan.

Nandoon pa rin ang picture namin nina Mommy, ang picture namin ni Vera at ang picture namin ng mga pinsan ko noong 7th birthday ko sa Manila. Disney princes and princesses ang theme no'n.

Hinawakan ko ang iilang libro sa bookshelf na kahit kailan ay hindi ko naman nabasa dahil walang interes. Patago ko lang iyong kinuha sa library ng mansion para gawing palamuti sa treehouse ko. Kahoy ang lahat ng ginamit na materyales sa paggawa nito kaya sobrang nagustuhan ko. Kulay puti ang pinto mula sa labas pero walang pintura ang loob. Inenhanced lang ang kulay at hitsura ng mga kahoy na siyang pina-request ko kay Daddy noon.

Pagkapasok ay bubungad ang side table ko na kahoy rin katabi ang kama ko na nakaharap sa bintana, sa sulok katabi ng bintana ay ang kulay dark green ko na bookshelf. Sa kabilang parte ng kama ay ang coffee table at dalawang upuan ko. Wala na doon ang ref, siguro ay nasira na dahil sa sobrang tagal na hindi nagamit.

Humiga ako at humagikgik nang makita ang maliit na chandelier na nakasabit. Hindi iyon nakabukas dahil umaga pa naman at hindi pa madilim. Naalala ko na pinasadya ko ito dahil gusto kong magkaroon ng isang bagay na magpapaalala sa akin sa mansion namin sa Manila.

"Miss Zia, nandito ho ba kayo? Hinahanap kayo ni Sir Gabriel! May mga bisita ho kayo!" Sumilip ako mula sa bintana, hinawi ko ang puting kurtina na sumasayaw sa ihip ng hangin.

"Sinong mga bisita?"

"Mula po sa Munisipyo ang iilan sa kanila." Ngumiti siya sa akin.

"Sige at susunod na lang ako."

"Pero Miss ngayon po kayo kailangan dahil ipapakilala ka sa mga bisita. Baka pagalitan ho ako dahil babalik ako na hindi ka kasama."

Umirap ako at unconsciously na hinawi ang mahabang buhok. Hindi ko naman gusto na humarap sa mga bisita ni Daddy. Hindi ako mahilig makipag socialize sa mga matatanda, though marunong at sanay. Siguro kung may mga anak silang kasing tanda ko ay ayos pa sana.

"May mga kaedad ko ba doon, Marissa?"

Tumawa siya at nag-isip sandali habang nakahawak pa sa kanyang baba. Pumangalumbaba rin ako sa bintana habang hinihintay ang sagot niya.

"Mayroon Miss, anak ni Vice Mayor at mga kaibigan no'n."

Pumalakpak ako sa excitement.

"Mga babae?"

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Where stories live. Discover now