Kabanata 10

102 4 0
                                    

Eyes

Hindi ko gustong biguin si Ulysses sa tuwing gusto niyang lumabas kasama ako. But today's different. Walang Ulysses na nagparamdam o kahit bumati man lang. Walang Ulysses na nagpakita.

Hindi man lang siya nagtanong kung anong ginagawa ko o kung may gusto ba akong gawin. Maybe he assumes that Azure and I will spend this day together. Bakit naman niya naisip na papayag ako?! Pagkatapos kong malaman na ang saya saya pala niya kahapon kasama sina Chloe? How dare him lie that he wants to be with me! Iyon naman pala ay may plano sila na magparty kahapon!

Ngumuso ako at binalingan ang nakataas na kilay na si Azure. Ang kulay puting t-shirt ay nadumihan dahil sa acrylic paint ko. Mariin niyang pinagdikit ang labi at bumuntong-hininga sa harap ko.

"So, you're busy?"

Gamit ang nakitang tissue sa tabi ko ay pinunas niya iyon sa kanyang t-shirt. He looks simple with his now dirty white shirt and maong pants. Parang magbubukid. Tss, iyong mukha nga lang ay masyadong ano... ah basta!

"Yes!" Padabog kong winagayway ang paint brush kong may kulay asul na acrylic. Lumipad ang ilan noon sa braso, sa pisngi at canvas ko.

Mas lumapit si Azure sa akin, dahilan kung bakit pati ang kanang braso niya ay nalagyan ng pintura.

"Hindi naman ganyan ang tamang pagpipinta..."

Masama ang tingin ko sa kanya. Hindi siya natinag at binigyan lang ako ng mas malalim na tingin.

"Bakit? Marunong ka ba nito?" Galit na tanong ko. Nanatili ang tingin niya sa akin at kumuha ng panibagong tissue upang punasan ang pisngi ko. Pinipigilan ko ang sariling sumimangot dahil sa rahan ng pagkakahawak niya sa mukha ko.

"Hindi mo ba ako papakinggan kung hindi ako marunong?" He raised his brow. Dumantay sa pisngi ko ang daliri niya. Isang haplos noon ay agad din niyang tinanggal. Siguro ay dahil nawala na ang asul na acrylic paint.

"Kung sinita mo ko, totoong marunong ka nga. Bakit hindi ba pwede na ganito ko lang gustong magpinta? Dapat ba ay pasok sa standards mo para masabing tama ang ginagawa ko?"

Sa buong segundo ng pagsasalita ko ay nakatingin lang siya sa akin. Hindi kumurap at pinasadahan lang ng dila ang kanyang labi pagkatapos ay tumango.

"That's not my point. Magkakalat ang pintura kung gano'n ang gagawin mo sa paint brush. See? That's dirty, Zia." Pakita niya sa braso kong may tuldok tuldok na acrylic paint.

Tss. Alam ko naman 'yon!

"That's how I paint! Are you saying that I'm doing it wrong?!"

"No, I'm saying that you'd get dirty if-"

Sumimangot ako. Tumahimik siya at hindi na tinuloy ang sinasabi. Nakangiti na sa akin at pinipigilan ang halakhak sa pamamagitan ng ilang beses na pagbuga ng hangin.

"Isn't that how artists paint? Hindi ako makakagawa ng magandang painting kung matatakot akong madumihan ang balat at damit ko!"

"Yeah, you're right. How stupid am I to correct what you were doing." He said, natatawa. Umirap ako at dinala ang tingin sa canvas na ngayon ay tinititigan na rin niya.

Ang inis ay ko ay nawala nang makita ang output ng pagpipinta. It's ugly! Iyong drawing ko pa ng bulaklak ay halatang hindi maayos at sobrang pangit! Ang mga kulay ay nagkalat at hindi man lang pinag-isipan!

"It's your passion huh? To paint..." Nanunuya ang tingin niya sa akin.

Tinago ko ang canvas sa likuran ko.

"Why are you even here?"

Inayos ko ang nagkalat na acrylic at paint brush. Tumulong siya sa akin kahit hindi naman ako nanghingi ng tulong.

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon