Kabanata 5

106 6 0
                                    

Likes for Azure

Nakasubsob ang mukha ko sa kama habang hinahaplos ni Ulysses ang likod ko. Narinig ko rin ang boses ni Vera, tinatanong kung anong nangyari dahil kadarating lang niya. Tumayo siya at pinagbuksan ang sunod-sunod na katok sa pinto.

"Leave, Lorcan!"

"Ang gulo niyo! Pinapapunta ako ni Azure dito tapos pinapaalis mo ako! Saan ako pupunta? Sa gitna ng hagdan?"

Inahon ko ang mukha mula sa kama at napansin ang malaking siwang ng pinto. Lumingon si Lorcan sa akin at nakita ko ang frustrated niyang mukha. He looks apologetic too though.

"What's happening?" Si Vera na diretsong nagtungo sa loob ng kwarto, hindi na alintana ang nakatinging si Ulysses.

Nagtama ang paningin namin. She looks pretty while I look like a mess! Muli kong inalis ang luha na natira sa aking pisngi.

"Don't lock the door!" Rinig kong sigaw ni Azure sa labas. Nalilito si Lorcan sa kung sino ang kakausapin habang si Ulysses ay naiinis na tinuro ang kuya niya.

"I won't lock the door! What's wrong with you?"

"Sa labas na kayo. Uuwi na si Tiffany." Mariin nitong sabi. Lumingon ako sa pag-asang iiling si Ulysses para tumanggi dahil ayaw ko talaga na lumabas pa! Sa kasamaang palad, mga mata ni Azure ang sumalubong sa akin.

"Dito kami. Dyan kayo," Sagot niya na pinagpasalamat ko. Tahimik na lumabas ng kwarto si Vera ngunit nanatili sa tabi ni Azure upang makipag-usap. Ganoon din si Lorcan na hinihilot na lang ang kanyang sentido.

"Ganun ba? Balak ko sanang kausapin si Letizia..." Ani Vera. Naglakad ako papalapit dahil sa narinig.

"Bumaba na kayo." Sabay simangot ni Azure sa akin.

Uminit ang leeg ko hanggang sa umabot na sa pisngi at ulo. Tumingin sa akin si Ulysses, nagulat sa presensya ko.

"Why don't you leave too?!"

Nangingiting yumuko si Vera. Umiling si Azure na para bang dismayado sa akin.

"Eto na naman! Pasok sa loob!" Frustrated na hinawakan ni Ulysses ang bewang ko upang buhatin. Vera chuckled. I am so annoyed!

"Sabi nang sa baba kayo, Ulysses!" Pigil ni Azure sa kapatid.

"Ayaw kitang makita!" Turo ko sa kanya.

Humarap si Ulysses sa kanya kaya ngayon ay nakatalikod ako sa pinto. Pilit akong nagpupumiglas kahit na alam kong mahuhulog ako kung ipagpapatuloy ang ginagawa.

"Kuya, leave us alone. Kita mong masama na nga ang loob sa'yo!"

Hindi ko nakikita ang reaksyon nila ngunit batid ko ang galit kay Azure nang sumigaw siya.

"Follow my rules! Stay in the fucking living room!"

"Ayaw ka nga niyang-"

"Then I'll be in my fucking room!"

Binaba ako ni Ulysses nang mapagod akong maglikot. Vera's watching us like a kitten. Lorcan is smirking while playing with his lower lip.

"Gusto ko sa kwarto! Sa kwarto mo ikaw at kami rito!" Sigaw ko.

"Hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko, Letizia. You're either going to fucking stay in the living room o hindi ako aalis dito? I will fucking stay here until you decided to go downstairs!"

Lumingon ako kay Ulysses, bahagyang nanghihingi ng tulong dahil siya ang may karapatan sa kwartong ito.

"Bumaba na tayo, hindi tayo mananalo kay Kuya..." Hinawakan ni Ulysses ang kamay ko at bahagyang hinaplos. Nag-alab ang galit sa akin kaya padabog akong bumaba ng hagdan. Wala na ang luha. Puro na lang galit at pagkamuhi!

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz