Kabanata 14

112 3 0
                                    

Stalking

"Zi, do you want orange juice?" Tanong ni Alice sa akin.

"Yes please,"

Tumakbo ako patungo sa nakaupong sina Cero sa court ng bahay nina Joaquin. Kung kanina ay basketball ang nilalaro nila, ngayon ay volleyball naman para makasali ang girls. Nagpahinga lang saglit dahil 3rd set na ng laro.

"I didn't know I'm good at this." Ngisi ni Travon habang pinapalo sa semento ang bola.

"You're so full of yourself, Trav." Ani Maui, na may suot na yellow na jersey na may Argonza sa likod at numerong 21.

Dahil hindi naman seryosong laro ang ginagawa namin, four versus four lang. Si Maui, Joaquin, Quezia at Raziel ang magkaka-team. Habang sina Alice, Cero, Travon at ako sa kabila. All of my cousins are very sporty. Ako lang itong hindi dahil ayaw na pinagpapawisan.

"Ang sabihin mo, hindi mo lang matanggap na mas magaling ako sa'yo."

Sinapak siya ni Maui sa braso kaya nagsimula na siyang magreklamo. Tawa lang ang binigay ni Joaquin na nagpapunas ng pawis ng kanyang kapatid. Umarko ang kilay ko nang maglahad si Cero ng towel sa akin na parang inuutusan akong punasan ang likod niya.

"What?"

"Papunas ng pawis." Sabay simangot niya sa harap ko.

"Ayaw ko nga!"

Humagalpak sa tawa si Travon at Raziel sabay batok sa nakatungangang si Cero sa akin. Pinagmumura niya ang dalawa habang ako ay tahimik na umiinom ng juice.

"Kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga! Alam mo namang allergic sa pawis si senyorita!" Sigaw ni Travon sa kanya.

"Isa't kalahating-" Hindi na natuloy ni Alice ang sasabihin dahil sa tawa.

"You're so mean, Travon." Ani Quezia sabay hablot ng towel kay Cero at siya na ang nagpunas ng pawis nito.

"Thanks, Quez."

"Sa lahat ba naman ng lalapitan mo si Zia pa." Si Joaquin na ngayon ay lumapit sa akin para bigyan din ako ng malinis na towel.

"Tss! Come to think of it, ako ang bodyguard nyan lagi! Sa akin lagi nakadikit noong bata siya! We're damn close kaya bakit pati pawis ko ay aayawan niya?"

Napatanga ako sinabi ng sarili kong pinsan. Humagalpak ulit sila sa tawa na pati ang tahimik na si Raziel ay nakisabat na rin.

"Gross! Of course! Sino ba ang may gusto ng pawis?" I arched my brow.

"Your sweat are disgusting, Cero." Pang-aasar ni Alice.

Umiling na lang ako sa pagtatalo ng dalawa. Hindi siya pinansin ni Cero dahil sa sama ng loob sa akin.

"Sa akin 'yan laging sumasama. Pati sa tryouts ko ay hindi ako iniiwan. Looking back, I was her closest cousin. I am her favorite!"

Ngumiwi ako sa sinabi ni Cero na may halong kayabangan. Well, he was my closest dahil siya itong laging sumusunod sa mga gusto ko. Maybe because wala siyang kapatid na babae at minsan ay humihiling siyang sana ay magkaroon.

"Was her favorite." Joaquin chuckled. Umikot ang mga mata ko. Ngumisi lang siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.

"Aray!"

"Really boys? Pati 'yan ay pagtatalunan niyo?" Lumapit sa akin si Alice at nilahad ang kamay para sa towel. Pinunasan niya ang likod ko.

"Zia's not a child anymore, Cero. Maaaring napagtanto niyang hindi na ikaw ang paborito." Tumawa si Raziel kaya pati ako ay napatawa na rin sa mga kalokohan nila. I don't have favorites...

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Where stories live. Discover now