Kabanata 16

113 5 1
                                    

Trust

Inusisa ako ng mga pinsan ko pagkauwi. Nagkalat sila sa sala ng bahay namin at kung anu-ano ang dalang pagkain! Siksikan na naman sila sa kwarto ko dahil ayaw maghiwa-hiwalay!

"May nililigawan na ata 'yon e," Si Maui habang kumakain ng cookies. Sumimangot ako sa sinabi niya.

"Kailangan pa bang manligaw no'n? Eh sa itsura at pera lang niya, hindi na mag-aatubiling sagutin siya agad."

Mas lalo akong napasimangot sa sinabi ni Alice.

"And Zia is giving him a hard time to deal with his own girl. Oh come on, Zi..." Si Cero na tinabihan ako upang yakapin.

"I'm not like that, Cero." Umirap ako. Humalakhak siya sa sinabi ko. Kung may nililigawan si Azure dapat ay sinabi niya na sa akin para alam kong iiwas ang sarili.

"Hindi lang makatanggi si Azure sa'yo dahil kaibigan ka ng kapatid niya. And we all know how Ulysses spoiled you." Si Raziel na nakangisi sa akin. Tinampal ko ang braso ni Cero na nasa bewang ko.

"Iniinsulto niyo ba ako?"

They laughed at my remarks. Kinuha ko ang chocolate frappe sa tabi ng inumin ni Alice.

"Hindi naman iyon insulto. 'Di ba close na rin kayo ni Azure ngayon? So that means kilala mo kung sinong nililigawan niya?" Si Travon sabay patagong kuha ng cookies sa busy na si Maui. Umirap ako at pinagka abalahan na lang inumin ko. Humilig ako kay Cero na nakikipag-usap kay Joaquin.

Wala siyang nililigawan, iyon ang alam ko. He's always with me, how can he find a girl to court if that's the case? Hindi kaya nahihirapan siyang manligaw dahil kasama ako? Kaya naiinis din siya sa akin sa tuwing naiirita ako sa mga babaeng lumalapit sa amin dahil nakakairita sila? Naalala ko bigla ang sinabi ni Alice, hindi na niya kailangang manligaw pa. So that means, may girlfriend na siya?

"Wala siyang pinakilala sa akin at hindi kami close." Pinakita niya lang ang cellphone niya. Ang mga picture ko lang ang nasa photos niya. Hindi kami close pero na-invade ko na ang phone niya!

"Baka may gusto ka doon ah?" Si Alice na natatawa. Nanlaki ang mga mata ko at napaahon sa pagkakasandal kay Cero. Pati tuloy siya ay nagulat sa ginawa ko.

"What the hell, Zi?"

"Paano mo naman nasasabi 'yan, Alice? We're just friends! And besides," Tumikhim ako. Lahat tuloy sila ay nakatingin na sa akin. "He's old..."

Too old for me. Hindi ko rin siya gusto dahil palagi kaming nag-aaway. He's not my type. He's so much more than my type. I don't think we'd click anyway. Uminit ang pisngi ko. Ano ba naman 'tong iniisip ko!

Humalakhak sina Trav, Cero at Raziel sa akin. Umiling na lang si Maui sa naging feedback ng tatlo. Si Quezia ay ngumisi sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. What was that for? Sa kanilang lahat ay si Alice at Joaquin lang ang naglakas-loob na magsalita.

"Kung sabagay, hindi ka nga nahulog kay Ulysses kahit na sobrang maalaga iyon sa iyo."

What?

"Ulysses is kind. Ganoon siya sa maraming tao. Ganoon siya sa amin ni Vera, hindi lang sa akin."

Humalakhak si Quezia habang tinataas na ni Alice ang kamay niya, kunwari ay sumusuko.

"Hindi niya rin gusto ang mga katulad mo, Letizia." Si Joaquin habang kumakain ng pizza.

"How dare you! What are you trying to say huh?" Asar na tanong ko. Tumawa siya sa naging reaksyon ko.

"You're a spoiled brat. Also too young for him." Humarap siya kay Alice. "And he's too old for you. So stop pushing that kind of idea, Alice." He glared at her.

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Where stories live. Discover now