Kabanata 11

98 5 0
                                    

Gift

Hapon na nang nakauwi ako sa mansion. Hinatid ako ni Azure at sinabing magpahinga dahil napansin niyang sobrang napagod ako.

He crouched to level his face to mine. He gave me a chuckle and patted my head two times.

"Magpahinga ka na. I hope you enjoyed this day."

Ngumuso ako. "Oo. Ikaw ba?"

He gave me a sexy me before uttering, "I had fun."

"Bukas ulit?"

Panandaliang umawang ang bibig niya bago nagsalita. "Yes, see you tomorrow..."

Pinilig ko ang ulo dahil sa ala-ala. Umakyat ako at sa may terasa mula sa second floor naisipang umakyat. Hindi nga lang natuloy dahil nakita ang pamilyar na kasambahay. Si Marissa ay may kausap na batang babae, animo'y nakikipag tsismisan kaso ang reaksyon ng babae ay mukhang hindi siya naiintindihan. Is she her sister or something?

Hindi ko man gustong puntahan dahil sa pagod, wala na akong nagawa dahil bumaba ulit at doon diniretso ng mga paa. Bahagya kong tinago ang sarili at dumungaw sa dalawa.

"Dito ka na kaya maghapunan? Wala pa ba ang mga magulang mo? Si Tiya mo?" Nag-aalalang tanong ni Marissa. Nahihiyang umiling ang babae. Maputi ang kutis niya gaya sa akin, mapupula ang pisngi at may kaunting freckles sa mukha.

"Wala po,"

Lumabas ako mula sa pinagtataguan. Si Marissa ay halos atakihin sa puso nang makita ako.

"Miss naman! Nakakagulat ka!"

The girl looked at me. Her brown curly hair makes her look foreign. She gave me a shy smile. Sinuklian ko iyon ng tipid na ngiti at humarap sa nabiglang si Marissa.

"Bakit nandito kayo sa labas?"

Nahihiya siyang kumamot sa kanyang ulo.

"Si Cana ho kasi, walang kasama sa kanila. Pagabi na, baka kung anong mangyari kung pauuwiin ko pa."

The girl moved closer to Marissa. "Hindi na, Ate. Uuwi na ako. Baka nandoon na rin si Mama." Pumula ang pisngi niya nang lumingon ako.

"Sigurado ka ba? Naku, delikado!"

Tinitigan ko siya kaya lalong namula ang pisngi. "You can, uhh..." I cleared my throat.

"Ano yon, Miss?"

"You can eat dinner with us. My parents won't mind."

Humagikgik si Marissa nang marinig ang sinabi ko. Halos pumutok ang pisngi ko dahil sa init no'n. Alam ko naman na tingin ng mga kasambahay dito na hindi ako mabait. Wala naman akong pakielam, as long as sumusunod sila sa akin.

"Ito nga pala si Miss Zia, Cana. Alaga ko 'yan. Apo ni Senyora..." Pagpapakilala ni Marissa sa akin.

"Maraming salamat, Zia."

"You're welcome, Cana."

Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na na aakyat. Si Daddy ang sumalubong sa akin galing sa kanilang kwarto. Binuhat niya ako kaya sinandal ko na lang ang ulo sa kanyang balikat. Mariing pinikit ang mga mata hanggang sa tuluyang nakatulog.

Sa sumunod na araw sa La Tierra ay si Azure ulit ang kasama ko. Ulysses is somehow become so busy with his life. Hinayaan ko na, kahit na minsan ay nakakatampo.

"Zia! Hindi pa rin ako naco-confirm ni Cero sa facebook!"

Lumapit si Janna sa akin, tinigil ang ginagawang sand castle. I looked at mine and pouted. It doesn't look like a castle! Isang tumpok lang ng lupa kahit na may kagamitan naman ako para sa paggawa.

Her Whispers on the Wind (La Tierra Series #1)Where stories live. Discover now