CHAPTER 3

261 10 0
                                    

SHAUN'S POV

Isang linggo na ang nakalipas simula noong huling training namin, ilang araw nalang at kailangan na naming bumalik sa academy.

"Hey!" nagulat ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod.

"Kanina pa kita hinhanap. I need help, kanina pa nila ako pinagtutulungan." naka-ngiti akong humarap kay Kianna na naka-nguso na ngayon.

"Your such a baby. Can't you stand without me?" sabi ko habang ginugulo ang buhok nya.

"Tss, you know I can't." napa-ngiti ako sa sinabi nya.

"Soon, I know you can. Don't depend on me Kianna, you need to live on your own. Pwede akong mawala sayo kahit anong oras at ayaw kong masaktan ka ng sobra." sabi ko kaya hindi sya naka-imik.Tama si Goddess Jewel, masyado na syang dumedepende sa akin. O talagang hinahayaan ko lang na dumepende sya sa akin.

"Hindi sa dumedepende ako sayo pero, natatakot kasi akong gumawa ng sarili kong desisyon. Natatakot akong magkamali, natatakot ako na malaman nila na iba ako. Natatakot akong maging mag-isa." malungkot na sabi nya.

"Kasama mo ako kaya wag kang matakot." I said to comfort her, ngumiti sya at yumakap sa akin. Napabuntong hinga nalang ako.

I'm afraid too, afraid to see her happy with someone else. I love her so much that I'll be selfish just to have her forever. I love her so much even though she'll never love me back. I love her so much even though it's isn't right. Minahal ko sya ng sobra kahit na alam kong para sa isang tao lang ang pagmamahal nya, and it hurts to think na hindi ako yon.

REESE'S POV

"Sooner or later babalik na tayo sa academy." sabi ni Luke.

"Nakaka-miss din pala." sabi naman ni Kiel.

"Sus, ang sabihin nyo excited na kayong makipag-fling sa mga girls sa academy gaya ng dati nyong ginagawa." sabi ko naman kaya natawa si Kian.

"Hindi kaya ako nakikipag-fling." tanggi ni Kiel.

"Don't worry, you're still my girl." naka-ngising sabi ni Luke kaya palihim kong kinagat ang labi ko para pigilan ang kilig.

"Hoy! Tigilan mo ko." sabi ko para hindi sila makahalata. Ang hirap talagang magtago ng nararamdaman, lalo na kung bolero ang gusto mo. Dahil sa mga ganyang mga banat kaya ako na-inlove sa kanya eh.

Natawa nalang sina Kian dahil sa sagot ko habang ngising-ngisi si Luke na nakatingin sa akin.

LUX'S POV

Nag-cast ako ng isang atake ng mawala ang barrier ni Justine pero naka-ilag agad sya at gumawa ng light lazers pero gumawa akong isag wall, pigilan ng wall ko ang lazers nya kaya naman tumalsik sya sa pader dahil sa impact ng atake na ginawa nya habang ako naman ay napa-atras.

"That's enough! Magaling Prince Lux, take thirty minutes break everyone!" sabi ni Sir Benedict at lumabas na. Nilapitan ko si Justine na kasalukuyang ginagamot ng healer.

"Are you ok?" tanong ko at tumango pa sya habang naka-ngiti. Tss, natuwa pa.

"Mas malakas kana ngayon ah" puri pa nya sa akin kaya napa-iling nalang ako.

"Tsk." simpleng sabi ko na ikinatawa nila.

"Oh ayan na si Hailey, kain na tayo sa cafeteria." aya ni Lisa habang naka-turo pa sa labas kung nasaan si Hailey.

"Ang bagal nyo naman, wag nyo ngang paghintayin ang girlfriend ko." masungit na sabi ni Justine na nauna ng lumakad.

"Anong nangyari dito?" tanong ni Hailey habang naka-turo pa kay Justine na naka-nguso pa sa kanya.

Nagkibit balikat lamang kami habang natatawa kay Justine na nag-iinarte kay Hailey. Pumunta kami sa cafeteria, maingay, crowded, at higit sa lahat maraming naka-tingin sa amin. As usual, umupo na kami sa dati naming pwesto habang ang iba naman ay kumukuha ng pagkain.

"Hey Lux." gaya ng dati ay kinukulit nanaman ako ni Yllona. Kelan ba titigil ang isang to.

"What happened to you?" akma nyang hahawakan ang gasgas sa mukha ko pero umiwas ako.

"You don't have to care.". malumanay pero seryoso kong sabi.

"Why naman? Hey I care about you?" maarteng sabi nya kaya lalo akong nainis.

"Then don't, I don't need your care." cold na sabi ko."

"Can you please get lost?" dagdag ko na ikinatawa ng ilan kaya naman nakasimangot na umalis si Yllona. Dahil sa inis ay umalis nalang ako sa cafeteria, tinawag pa nila ako pero hindi na ako sumagot pa.

JASMINE'S POV

"Saan naman kaya pupunta yon?" tanong ni kuya Simon pero nagkibit balikat lamang sila.

"Hayaan nyo, wala nanaman yon sa mood." sabi ni ate Anne.

"Dalawang taon na pero wala parin syang pinagbago. Naaawa na ako sa kanya, kelan kaya babalik yong Lux na nakilala natin nong nadito pa si Van?" malungkot na sabi ni kuya Justine.

"Lahat naman tayo hindi na bumalik sa dati." biglang sabi ni Shaina.

"Wag na tayong maglokohan pa, mula ng mawala si ate Van hindi na tayo gaya ng dati." sabi nya na ikinatahimik naming lahat.

Tama sya, hindi lang si kuya Lux pero lahat kami ay hindi na bumalik sa dati. Wala na yong dating saya, yong dating samahan, wala na yong dating ngiti.

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon