CHAPTER 11

213 8 0
                                    

SHAUN'S POV

One week after the leveling ay nalaman na namin kung saan ang dorm at ang section namin.Si Kiel, Luke, at Reese ay napapunta sa Golden Elite habang kami naman ni Kianna ay sa Royalties napapunta.Mamaya after class ay lilipat na kaming dalawa kaya naman nalungkot ng husto si Kianna ng malaman na hindi parin sapat ang nakuhang ranking nina Reese para makasama namin.

"Bibisitahin ka naman namin Kian.Tsaka pwede namang sabay-sabay tayo laging mag-lunch."  sabi ni Kiel kaya napa-nguso naman si Kianna.

"Wala namang magbabago.Bukod sa hindi mo kami kasama sa bahay ay magkikita naman tayo araw-araw."  naka-ngiting sabi ni Reese kaya ngumiti nalang din sya.

"Pwede rin namang magkita-kita tayo every weekend tapos lumabas tayo sa academy." sabi naman ni Luke at masaya namang tumango si Kianna.

Natapos ang lunch break at pumasok na kami sa klase.Ngayong araw ang huling klase namin sa bronze section.Bukas ay sa royalties section na kami habang sa golden elite naman yong tatlo.Nakakalungkot na hindi nanaman kami magkakasama.Kahit na cold ako sa kanila at minsan lang sila kausapin ng maayos ay itinuring ko na silang kaibigan.

Pumunta kami sa Potion Ward para sa potion class namin.Ipinaliwanag sa amin ng lecturer kung paano gawin ang healing potion at ang mga kailangang sangkap para magawa yon.I-grinupo kami sa tatlo kaya naman naghanap kami ni Kianna ng isa pang kasama dahil gusto ni Reese na si Kiel at Luke ang kasama nya sa grupo.

Habang nasa garden kami sa may west range ng academy ay biglang nagtanong si Nora.Sya ang isa pa naming ka-grupo ni Kianna.

"Malaki ba ang pinagkaiba ng Human World sa mundo natin?" puno nang pagtatakang tanong nya habang kumukuha ng tubig sa healing fountain na nasa gitna ng garden.

"Oo, sa Human World kasi ay maingay, crowded, tsaka magulo.Walang mga mahiwagang kagubatan, walang mga kakaibang nilalang, at higit sa lahat wala silang kapangyarihan gaya natin."  simulang paliwanag ni Kianna.

"They don't believe that magic really exist.Pero maganda ang mundo nila, maraming lugar na magugustuhan mo at iisipin mong parang ginamitan din nila ng mahika para gumanda."  naka-ngiting tumingin si Kianna sa kaklase namin na seryosong nakikinig sa kanya.

"You know what, you really look like her.But the two of you have different kind of attitude."  sabi ni Nora na nakaagaw ng pansin ko.

"Who?"  curious na tanong ni Kianna kaya naman nagmadali akong lumapit sa kanila.

"Our hero, Prince----"

"Let's go, we got everything we need."  sabi ko at hindi na pinatapos si Nora sa sasabihin.Bumalik kami sa Potion Ward at sinimulang gawin ang healing potion na iniutos ni Ms.Mila ang guro namin sa potion making.

"As what I've observed, all of you performed it well.To test If your healing potion is really effective, I want a volunteer to show how it works."  sabi ni Ms. Mila kaya naman nagulat kami ng tumayo si Kianna at nagtaas ng kamay.

"I wanna try it Ms."  sabi nya kaya naman tiningnan ko sya ng seryoso.

"Oh come on, this is my first time doing this.I'm sure it will work."  pabulong na sabi nya at pumunta naman sila ni Nora sa unahan.

Isang matalas na dagger ang ibinigay ni Ms. Mila kay Kianna at hiniwa naman nya ang kanyang palad.Agad na lumabas ang dugo mula roon kaya naman agad-agad na ibinuhos ni Nora ang healing potion na gawa namin at humilom naman iton agad.Masayang bumalik sa upuan si Kianna at ganon din si Nora.

"As you can see, the healing potion you make can easily healed simple wounds.This is just the the basic,tomorrow I will teach you how to make a healing potion that can heal deep wounds.So for now you may leave."  sabi ni Miss at lumabas na nga kami sa Potion Ward.On our way back to our classroom ay nakasalubong namin ang isang grupo ng mga lalaki.

"Bro, long time!"  tawag ng isa kay Luke kaya kumaway naman si Luke bago sila lumapit sa amin.

"Yeah it was Raven Asuncion."  bati ni Luke kay Raven.

"Don't call me that!"  inis na sabi nito kay Luke bago magtawanan.Sandali pa ay napa-lingon sya sa gawi namin ni Kianna.

"So it was the lucky girl, mabuti at nakasama ka sa royalties.Sayang, hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?"  tanong nya kay Luke pero sinamaan ko sya ng tingin.

"Oh that."  hindi natapos ni Luke ang sasabihin ng pare-pareho kami nina Kiel na tumingin ng masama sa kanya.

"Di bale, I'm Raven Asuncion."  sabi nito at inilahad ang kamay pero tinapik ko ang kamay nga palayo.

"Off limits."  sabi ni Reese ng may kasamang ngisi.

"It's fine, I've already know her name actually.See you around then."  sabi nito at umalis narin kasama ang mga kagrupo.

"You know him?"  tanong ni Kath.

"Of course, he was known as a playboy in this school."  natatawang sabi ni Kiel.

"Tss...pinagaan mo pa ang sentensiya ng lalaking yon.He's not just a playboy, he's a womanizer, a jerk, an asshole.What other terms should I describe him?"  inis na sabi ni Reese na ikinatawa namin.That guy is indeed an asshole, I wouldn't let him touch even just a single hair of Kianna.No way, he'll face my wrath If he ever do that.

"You know what, he looks familiar to me."  sabi nya na naka-agaw ng panisin namin.

"Really?"  takang tanong ko at tumango naman sya.

"Tss...Don't think about that asshole!"  inis na sabi ko para maiba ang usapan.

"Your acting like a possessive boyfriend bro."  natatawang bulong ni Luke kaya naman binatukan ko sya.

"Malisyoso!"  sabi ko at nauna nang maglakad habang walang tigil naman silang tumatawa.

Matapos ng afternoon subject namin ay nagsimula na kaming maglakad ni Kianna papunta sa dorm ng royalties.Tahimik lamang kami at hindi ko narin naisip na magsalita pa hanggang sa makarating na kami sa dorm nila.

Kumatok ako at agad naman iyong binuksan ni Jasmine na may malawak na ngiti.

"Finally!Guys andito na sila!"  masayang sabi ni Jasmine at hinila na kami papunta sa loob ng dining area.Wala paring pinagbago ang lugar na to.

"OMG!Welcome to your new home!"  masayang sabi ni Shaina at ngumiti nalang kami.

"You must be hurry, come here dinner is already serve.Alam kasi namin na darating kayo kaya maaga na kaming nagluto para sabay-sabay na tayong mag-dinner."  naka-ngiting sabi ni Elisha at pinaupo na kami sa dalawang bankanteng upuan kung saan ay naka-upo narin ang iba pa nilang kasama.

"Welcome back Shaun."  sabi ni Justine at tumango lamang ako bago kami magsimulang kumain.

Tahimik lang ako habang sila naman ay nagkekwentuhan kasama si Kianna sa sala.Mabuti na lang at hindi na sya masyadong naiilang sa kanila.

"Mabuti naman at madaling nagkasundo ang mga yan."  napa-lingon ako ng magsalita si James.

"Minsan lang kasi kami magkaroon ng ibang kasama kaya hindi kami masyadong sanay."  tumango lamang ako sa sinabi nya.

"It's nice to have you back.Bakit ba nagtagal ka pa doon?Sayang, hindi mo nakilala si Van."  may halong pait na sabi nya.

"I have my reasons."  sabi ko nalang na ikinatawa nya.

"You sure have.Lagi ka namang may magandang rason." sabi nya at tinapik ako sa balikat bago umalis.Makalipas ang ilang oras ay niyaya ko nang matulog si Kianna.Ayaw kong hindi sya natutulog sa tamang oras dahil madalas syang magising ng hating gabi dahil sa mga wirdong panaginip nya.

"Kalapit mo lang ang kwarto ko, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." sabi ko at tumango naman sya.I caress her cheek before giving a goodnight kiss on her forehead.

"Sleep tight."  sabi ko before she gave me a peck on my cheek.

"Goodnight."  wika nya bago pumasok sa silid nya.Lumapit na ako sa aking kwarto at pumasok na.Agad akong nahiga sa kama at pinikit ang mata.

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon