CHAPTER 16

155 6 0
                                    

JUSTINE'S POV

Gaya ng napag-usapan ay maagang kaming gumising, sabay-sabay kaming pumunta sa gate kung saan naghihintay si Sir Benedict.

"Handa na ba ang lahat?" tanong nya at sinigurong kompleto kami.

"Yes sir!" excited na sagot ni Zander kaya naman tumango lamang si sir bago kami maglakad palabas ng academy.

"Where are we going?" curious na tanong ni Kianna kay sir.

"Where going to the Square of Pegasus." sagot ni sir na ikinatango nya.

"Can I ask something?" tanong ni Anne kay sir at tumango naman ito.

"Are we going to walk?" tanong nya.Nagtaka kami ng magtawa si sir bago umiling.

"Hindi tayo maglalakad, sasakay tayo sa mga Pegasus." masayang sabi nya.

"Mabuti naman nakakapagod kayang maglakad." masayang sabi ni Ashley.

"Pero syempre bago tayo sumakay sa mga Pegasus ay kailangan muna nating maglakad papunta sa Square of Pegasus." napasimangot si Anne at Ashley sa sinabi ni sir.

"Sila ang maghahatid sa atin papunta sa Hill of Serene." dagdag nya pa na ikinasimangot ng karamihan sa amin.

"Bakit ba ang hilig nyong pumunta sa tahimik na lugar?" walang ganang tanong ko kay sir.

"One thing, sa tahimik na lugar ay walang gulo.At isa pa may kaibigan akong diwata sa lugar na yon.Madali tayong makakahanap ng tutuluyan.Napakaswerte nyo at nakasama kayo ngayon dahil may pagdiriwang sila bukas." simpleng sabi ni sir kaya naman hindi na sila umangal pa at nagtuloy nalang sa paglalakad.

Lumipas nang ilang oras ang paglalakad namin, puro reklamo ang inaabot ni sir kay Anne at Ashley pero tinatawanan lang nya ang mga ito na lalo nilang kinakainis.Hindi man nagrereklamo si Zander ay alam kong naiinis narin sya dahil nakaarko na ang kanyang mga kilay.Samantalang hindi naman nagrereklamo sina Shaun at Kianna na nae-enjoy pa ang paglalakbay namin.Katabi ko ngayon si Lux na tahimik at seryoso lang na nakatingin sa daan.

"May acquaintance party sa isang linggo, nakapili ka na ba ng partner mo?" tanong ko kay Lux pero umiling lamang sya.

"I have no plan to bring a partner." sagot nya kaya ako naman ang napa-iling.Ilang sandali pa ang nakalipas bago kami makarating sa Square of Pegasus.

"Finally!" malakas na sigaw ni Anne na halata naman sa boses ang inis.Maya-maya pa ay may lumabas na apat na magagandang pegasus.

"Sila ang pangunahing apat na nangangalaga sa Square of Pegasus." paliwanag ni sir na ikinatango naman namin.Nag-bow ang mga pegasus sa amin bago nakipag-usap.

"Parating na ang mga pegasus na pwede nyong gamitin sa paglalakbay." sabi ni Celestia sa amin bago naglakad palapit kay Kianna.

"Unlike don sa tatlo, sya ang pinakamasungit." bulong ni Anne na ikinatawa ko naman.

"Ang daya naman, sa kanya lang sya lumapit." mahinang bulong din ni Ashley.

"Dahil ang dalagang iyon ay kakaiba." nagulat kami ng biglang magsalita si Alicia.Kailan pa sya nakalapit sa amin?

"May kakaiba kaming nararamdaman sa kanya.Alam ni Celestia kung ano iyon pero masyado syang masekreto." dagdag pa nito.

"What do you mean?" tanong ni Lux.

"Dapat nyo syang ingatan.Ngunit dapat din kayong mag-ingat sa kanya." sabi nya na lalong nagpangulo sa isip namin.

"Maraming maghahangad na makuha sya.Wag nyong hayaang magkamali sya ng pagpili." sabi pa nito bago umalis.

Ilang sandali pa ay dumating na ang mga pegasus kaya naman tinawag na kami ni sir at pinapili ng gagamitin namin.Lutang kaming umalis sa lugar na iyon, kahit anong isip namin ay hindi naman malaman kung ano ang ibig sabihin ni Alicia.Ano ba ang meron kay Kianna para sabihin nya iyon?Bakit kailangan naming mag-ingat sa kanya gayong hindi naman sya kalaban?Napakaraming tanong ang gusto kong masagot pero hindi ko alam kung saan hahanapin ang sagot.Kung tutuusin ay napakamisteryosa nga niya, pero hindi naman iyon dahilan para pagdudahan namin sya.

ANNE'S POV

Madali lamang ang naging paglakakbay namin dahil sa tulong ng mga pegasus.Hapon na kami dumating sa Hill of Serene kung saan makikitang busy ang lahat ng tao rito.This hill is a village under the territory of Landarious Kingdom.A simple and peaceful village na pinapangalagaan ng kaibigang diwata ni Sir Benedict.

Habang nagpapahinga ang mga kasama ko ay naisipan kong lumabas kasama si Ashley at Kianna.Hindi naman na sila tumutol dahil nahila ko na sila palabas.

"Saan naman tayo pupunta?Hindi naman natin kabisado ang lugar na ito?" tanong ni Ashley kaya napa-isip din ako.Habang naglalakad kami sa sentro ng village ay may humarang sa aming kawal.

"Mga binibini huwag kayong lalabas ng village dahil maaaring may mga tulisan sa hanggan ng village.Marami ang mga magnanakaw na gumagala kapag may okasyon." paalala ng kawal at tumango naman kami bago umalis.

"Ang sabi nila ay may magandang ilog dito na kumikinang sa gabi.I want to see it." excited kong sabi kaya wala na silang nagawa kundi ang sumama sa akin.Hindi ganoon kalayo ang ilog kaya naman hindi kami nahirapang makarating doon.Halos mag-agaw na ang dilim at liwanag kaya naman napaka-ganda ng ilog.

"Mabuti na lamang at walang masyadong tao." sabi ni Ashley at umupo sa tabi ng ilog.Tumabi ako sa kanya at pinanood ang mga sumasayaw na water fairy.Ilang minutong tahimik ang paligid, napansin kong kami na lamang ang tao dito at madilim narin.Biglang umalis ang mga water fairy sa ilog kaya naman napa-simangot ako.

"Bakit sila umalis?" bulong ko sa sarili.

"We need to go." biglang sabi ni Kianna na nasa likod namin.

"Huh?Bakit?" takang tanong ni Ashley.

"We really need to go." seryosong sabi nya habang nasa malayo ang tingin kaya naman bigla akong kinabahan.Kahit naguguluhan ay tumayo na kami ni Ashley at naglakad palabas ng gubat.

Tahimik kaming naglakad pabalik sa bahay na tinutuluyan namin.Kanina ko pa gustong tanungin si Kianna.Alam kong may nakita sya kanina na hindi namin nakita kaya siguro ganon na lang siya kaseryoso kanina na dahilan kung bakit ako kinabahan.

"Mabuti naman at umuwi na kayo.Akala namin naligaw kayo eh." biro ni Zander pero hindi ko na sya pinansin pa at sinundan nalang ng tingin si Kianna na dumiretso na sa kwarto namin.

Tiningnan nila ako ng may pagtatanong pero nagkibit balikat lamang ako.

"Baka napagod lang." sabi ni Justine.

Dahil maaga kami bukas ay inutusan na kami ni sir na matulog.Gusto ko sana syang tanungin pero nakita kong nagpapahinga na sya pagpasok ko sa kwarto kaya naman ipinagpabukas ko nalang.


Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon