CHAPTER 14

144 7 0
                                    

LUX'S POV

"Nice match." natatawang sabi ni Zack habang palapit sa kinauupuan ko.

"Tsk." singhal ko sa kanya na lalo pa nyang ikinatawa.

"She's good.I bet she can beat you." may ngising sabi nya.

"She needs more training to beat me." mayabang na sabi ko kaya naman napapailing syang tumingin sakin bago umalis.

Napa-buntong hinga naman akong pinagmasdan si Kianna habang nakikinig kay Shaun.Bakit ba kinukumpara ko sya kay Van?Kanina lang habang naka-poker face sya akala ko si Van ang nakita ko.Imposible, nababaliw na nga ako.Napaka-hina naman ng babaeng yon kung ikukumpara kay Van.Mayabang at napaka-daldal nya.She's different from her.

"Get ready for the second match everyone!" anunsyo ni Sir Benedict..."This is the last part of our training for this day." dagdag nya pa.

"Is it a group match?" takang tanong ni Justine pero hindi sumagot si Sir Benedict at ngumisi lang.

"There will be no groups, walang kakampi, lahat kayo ay magkakalaban." nagulat kami sa sinabi ni Sir.

"Are you serious?" tanong ni Shaun at tumango naman si Sir.

"Kayo ang bahala kung sino ang gusto nyong kalaban.Pito lang ang dapat na matira sa inyong lahat.At ang pitong mananalo ay may magandang sopresa mula sa akin." naka-ngiting sabi nya bago bumalik sa pwesto nya at prentong umupo roon.

"You're got to be kidding me." mahinang bulong ni Justine bago pumunta sa gitna at sinundan naman namin sya.

Habang nasa gitna ng training room ay nagpakiramdaman lamang kami at walang kumilos.Nag-aalangan, nalilito kung sino ang kakalabanin kaya naman para matapos na ang training ay inatake ko na si Kianna.We have a bet at hindi pa yon tapos para sakin.

Nagsimula ang laban namin at hindi ko na pinansin pa kung sino ang magkakalaban.Ang gusto ko lang ay talunin si Kianna.

"Nakakainis ka!" naka-ngusong singhal nya habang nagpapalitan kami ng atake.Napangiti ako ng marinig ang iritadong boses nya.Ewan pero natutuwa ako kapag naiinis sya.

"Mahina ka, pikon pa." sabi ko na ikinasalubong ng mga kilay nya.Marahas nya akong inatake na dahilan para tumilapon ako.Malakas at mapwersa ang atakeng yon, kakaiba at ngayon ko lang naramdaman.Kahit masakit ang katawan ay pinilit kong tumayo at hinarap sya.

"Hindi ako mahina." may diing sabi nya at inatake agad ako.Habang nagsasanggahan ang mga espada namin ay napansin kong may kakaiba sa aura nya.

Nang makakuha ako sya pagkakataon ay inatake ko sya na dahilan para mapaatras sya.Nagtama ang paningin namin habang nasa ere sya, parang bumagal ang oras habang naka-tingin ako sa kumikinang nyang mata.Kulay matingkad na asul yon na unti-unting napapalitan ng kulay lila.

Halos matumba sya ng makababa sya mula sa ere, para bang hinang-hina sya.Wala na yong aura na naramdaman ko kanina, walang nang kakaiba sa kanya.Humanda ako sa pag-atake, hindi ko sasayangin ang pagkakataon.Nang magpakawala ako ng dark ball ay biglang humarang si Shaun at gumawa ng fire barrier.

"Tapos na." sabi nya at inalalayan si Kianna na maka-alis.Ngayon ko lang napansin na kami nalang palang dalawa ang naglalaban.Ibig sabihin ay ganon kami ka-focus para hindi mapansin na tapos na pala silang lahat.Bakit hindi nila kami pinigilan?

"Ang galing nyo kanina." masayang wika ni Simon ng makalapit ako sa pwesto nila.Tumango lamang ako at umupo na sa upuan ko.Hanggang ngayon ay palaisipan parin saakin kung ano yong nakita ko kanina.She's really something, may tinatago sya.Masyadong misteryosa ang babaeng yon.

SHAUN'S POV

"Bakit mo ginamit ang Illumina kanina?!" salubong ang kilay na tanong ko kay Kian.

"I'm sorry okay, bigla ko nalang nagamit.Nawala na ako sa focus." sabi nya kaya naman napa-buntong hinga nalang ako.

"Thankfully gumamit ako ng spell kanina para di nila maramdaman yong aura mo.But I'm sure na naramdaman yon ni Lux.Be careful next time." tumango naman sya sa sinabi ko.

"Are you okay now?" tanong ko at tumango sya.

"That's good." dagdag ko.

"I'm sorry Han." malungkot na sabi nya.

"It's okay, I'm glad you're okay now." sabi ko kaya ngumiti naman sya sa akin.

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon