CHAPTER 8

215 4 0
                                    

ANNE'S POV

Nandito kami sa dining at kumakain ng breakfast .Ilang linggo narin ang lumipas simula noong dumating si Kianna. Madalas na maabutan namin ang section nila sa training room kaya naman madalas namin syang mapanood sa pag-eensayo. Hindi kami nagkamali at talaga nga naman na magaling sya, bihasa sya sa paggamit ng apat na elemento at talagang nakakabilib ang galing nya sa espada. Pero simula noong makasama namin syang kumain sa cafeteria ay hindi na namin sya madalas makasama. Nakakasama lamang namin sya kapag nagkataon na nagkikita kami sa labas ng girls dormitory kapag sinusundo namin si Hailey. Madalas ay napapansin namin na umiiwas sya sa mga lugar na madalas naming puntahan.

"Bukas na pala ang leveling, saan kaya sila mapapaunta? I hope na sa atin sila mapabilang. Lalo na si ate Kianna, I want to get close to her."  masayang sabi ni Jasmine na ikinangiti nalang namin. Simula noong dumating si Kianna dito sa academy ay walang araw na hindi namin nakikita ang masayang ngiti ni Jasmine na dati lang namin nakikita. Madalas na syang sumabay sa amin lalo na kapag pupunta kami sa girls dormitory. Hindi na sya lumiliban sa klase, sa aming lahat ay sya ang laging maagang gumising. Nakakapanibago man but that's better than her usual.

"Hmm, I hope so."  sabi ni Shaina at tumango naman ang iba sa amin habang ang iba ay nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kumain ay umalis narin kami para hindi ma-late sa klase. Hindi na namin pinuntahan si Hailey dahil si Justine nalang ang susundo sa kanya. Bago pa dumating ang magtuturo ay nakarating na kaming lahat sa room kaya maagang nagsimula ang klase namin.

REESE'S POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at bukas ay araw ng leveling. Hindi gaya dati ay hindi na ako nakakaramdam ng kaba, exited na ako at parang gusto ko nang ngayon iyon ganapin.

"Kian wag kang kakabahan sa leveling bukas ah." paalala ni Kiel sa kanya.

"Thank you!" sabi nya.

"Wag sya ang tanungin mo. Kayo ang wag kabahan bukas!" naka-ngising sabi ni Shaun.

"Tss." sabi lang ni Kiel at nakinig sa nagtuturo. Maya-maya pa ay dumating si Sir Benedict at kinausap ang lecturer namin. Pinalabas naman kami at nagpunta sa Weapon Room.

"Si Kianna lang ang allowed na pumasok. You can wait here."  tumango lamang kami sa kanya at pumasok na sila.

"Pipili na sya ng weapon na gagamitin nya sa leveling."  sabi ni Reese na kinatango naman namin.

"Ano kayang mapipili nya?" tanong ni Luke. "Is it still the same?" nagkibit balikat lamang kami.

KIANNA'S POV

"You may start here."  turo nya sa  sandata na nasa loob ng silid.
"Just hold it and---"

"Shaun tought me about this thing sir." sabi nya at tumango naman sya. Sinubukan ko ang halos lahat pero kahit isa ay wala akong nakuhang para sakin.

"Come with me."  sabi nya at napa-buntong hinga pa.

"Where are we going sir?"  tanong ko pero hindi na sya sumagot pa kaya naka-nguso pa akong sumunod sa kanya.

"Come inside and see for your self." sabi nya at pumasok naman kami sa loob at doon ko nakita ang iba't ibang armas.

Malaki ang pagkakaiba nila doon sa kanina kong pinagpilian. Nakaayos ang lahat ng armas ayon sa kanilang uri, bukod doon ay napansin kong mas kakaunti ito kaysa doon sa kabila. Napaka-ganda ng mga disenyo nila pero isa lang ang naka-agaw ng atensiyon ko. Kinuha ko iyon at pinagmasdan, kakaiba ang disenyo mg kulay itim nitong lalagyan at may pulang lining.Ang sword na ito ay parang may ipinapahiwatig na kwento. Isang kasaysayan.

"The Sword of Cursed." mahina kong bulong bago lumingon kay Sir na bakas ang gulat sa reaksiyon pero bumawi rin agad.

"You have a good taste.You know that sword?" tanong nya at tumango naman ako.

"Your lucky. Well, good luck for tomorrow." naka-ngiti naman akong tinanguhan sya bago sumunod palabas.

"Wow! Nakuha mo yan?"  manghang tanong ni Luke at tumango naman ako.

"You can go back now, alam kong alam mo naman kung paano itatago iyan." sabi ni Sir at nagpaalam na sa amin.

"It's already lunch break, let's go." sabi ni Shaun at sumunod naman kami agad. Pagdating namin ay humanap naman agad kami ng table at kumuha naman sila ng pagkain.

"Hey Shaun!"  pagtawag ko sa kanya.

"Hmm."  sagot nya. Tsk, hindi manlang ako tiningnan.

"Sinabi mo na igagala mo ako this weekend. Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"It depends." chill na sabi nya kaya sinimangutan ko sya.

"You should have plans!" asik ko na ikinatawa nya pa. Tsaka dumating ang pagkain namin.

"I heard there will be an Acquaitance Party.I guess after the leveling?" sabi ni Reese.

"I heard that too." sabi ni Kiel

"Look, papunta dito ang royalties." sabi ni Luke pero hindi na ako tumingin pa.

"Hey guys, mind if we will join you again?" masayang tanong ni Prince Simon at sunod-sunod namang tumango sina Luke at Reese.

"Ate Kianna, it's nice to see you again." ngumiti din ako pabalik sa sinabing yon ni Jasmine. Nagsimula kaming kumain habang nagkekwentuhan sila at nagtatawanan. Napansin ko lang na wala pala si Prince Lux. Hindi ko maiwasang malungkot. Bakit naman? Baliw na siguro ako at kung ano-ano ang naiisip.

"We probably should go, good luck nalang bukas."  sabi ni Shaina at kumaway naman ang iba sa kanila.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room namin. Naging maayos ang buong maghapon, naging busy man ay nagawa parin naming maging masaya sa mga lessons. Inihatid naman nila kami ni Reese sa girls dormitory bago sila pumunta sa boys dormitory. I should be ready for tomorrow.

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon