CHAPTER 1

420 13 0
                                    

KIANNA'S POV

"Kian!"  bigla akong nagising nang marinig ang galit na boses ni Shaun. Nakita ko agad ang naka-kunot nyang noo, malamang ay sasabonin na naman ako dahil male-late nanaman kami sa school dahil sakin.

"Hey."  inaantok kong bati sa kanya kaya lalong nagsalubong ang mga kilay nya.

"Your late, AGAIN! How many times do I have to tell you that---" hindi na sya naka-pagsalita pa nang halikan ko ang pisnge nya.

"Good morning Shaun! " sigaw ko nang makapasok sa banyo. Nakakatawa ang reaksyon nya kanina, hindi parin sya sanay kahit palagi ko na yong ginagawa tuwing sesermonan nya ako.

"Good morning Kian!" bati ni Reese nang makita nya ako papunta sa kusina.

"Good morning everyone!"  masaya ko ring bati sa kanila at umupo na sa tabi ni Shaun na wala na namang reaksiyon. Bipolar talaga kahit kelan.

"Faster!"  iritang asik ni Shaun habang naka-tingin pa sa relo nya.

"Come on Shaun, this is not the first time na papasok tayo ng late sa school."  natatawang sabi ni Kiel. Sa kanilang lahat, si Kiel ang tagapagtanggol ko kapag senesermonan ako ni Shaun.

"Tss."  natawa nalang ako sa inasta ni Shaun.

"Why are you laughing?" hindi na ako nag-salita pa dahil baka lalo lamang syang mag-alboroto.

"Good morning! Late nanaman kayo ah."  natatawang sabi nang guard.

"Traffic kasi manong." naka-ngiti kong sabi na ikina-taas naman nang kilay ni Shaun. Habang nasa hallway ay rinig na namin ang boses ni Ms. Romero.

"Good morning Ms. Romero!I'm sorry we are late!"  sabi ko kay Ms.Romero kaya naman napabuntong hinga na lamang siya.

"As expected Ms. Del Vega." napapabuntong hingang sabi nya at pumasok na kami.

Nang maka-upo kami ay nagsimula nanaman ang discussion ni Ms. Romero.

REESE'S POV

Pagkatapos nang klase ay pumunta na kami sa canteen para kumain. Gaya nang dati ay si Luke at Kiel ang nag-order habang naghihintay kami sa table.

"Shaun, sorry na kasi!" natatawa kong pinapanood si Kian habang nag-sosorry kay Shaun. Tinitigan lang sya ni Shaun habang napapabuntong hingang tumango sa kanya.

"Fine." sabi ni Shaun. Bakit ba napaka-dali nyang mapatawad kapag si Kian ang nagso-sorry pero pag kami pahihirapan pa.

"Hoy kain na." sabi ni Kiel kaya natigil ako sa pag-iisip.

"That looks tasty. Can I try that, Luke?" tanong ni Kian kay Luke habang naka-turo pa sa pagkain nito.

"Ahh."  natawa ako sa itsura ni Luke. Kahit kelan hindi talaga nya kayang tanggihan si Kian.

"No, your not allowed to eat that." matigas na sabi ni Shaun kaya napa-simangot si Kian.

"It has peanut." seryosong sabi ni Shaun na ikina-sama ng mukha ni Kian. Natawa nalang ako sa naging reaksiyon nya. Iba talaga ang galit nya sa peanut, lalo na at hindi sya pwede. Isa yan sa kinaiinisan nya.

After lunch ay bumalik na kami sa classroom dahil may klase pa kami. Mahirap maging isang normal na estudyante sa Mortal World hindi gaya sa academy na malaya ka. Mahirap magtago sa mga kalaban at ang itago ang kapangyarihan mo ay mas mahirap pa.

SHAUN'S POV

Napa-buntong hinga nalang ako habang inaayos ang mga libro sa library. As a punishment for being late ay kami ang magbabantay sa library ngayon lalo na at may meeting ang mga teachers.

"Guys sorry na talaga." paghingi nya nang paumanhin kaya natawa nalang sina Luke.

"Okay lang, sanay na kami sayo."  naka-ngiting sabi ni Luke.

"I told you to sleep early. Did you do what I said? " Kiel ask Kianna.

"Yes I did, hindi kasi mawala sa isip ko yong babaeng nakita ko sa veranda." sabi nya.

"Natatakot ka parin ba don sa nangyari?" tanong ni Luke at tumango naman sya.

"Consider it a dream Kianna. Mawawala din yan sa isip mo." I said making her frown.

"I still feel goosebump everytime I think about that." she said.

"Do you want me to sleep with you? Pwede naman kitang samahan mamaya." suhestiyon ni Reese pero umiling lang sya.

"No need, I will just pray to dream about castle and those fairytale dreams para makalimutan ko yon." I just shook my head.

"Tsk, childish dreams. Mga bata lang ang nanaginip ng palasyo Kianna." sabi ko na ikina-nguso nya kaya naman napatawa sina Kiel.

"Napaka-sama mo talaga Shaun." tumatawang sabi ni Reese.

Ilang oras pa ang nakalipas at pinayagan na kaming umuwi ng librarian.

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon