CHAPTER 4

258 10 0
                                    

KIANNA'S POV

"Are you okay Kian?" tanong ni Shaun ng makita niya akong bumaba sa living room.

"You look pale?" sabi ni Reese at lumapit pa sa akin.

"I'm fine." naka-ngiti kong sabi at pumunta na sa dining room. Kumuha ako ng isang basong tubig at umupo sa upuan. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga blurred visions ko na hindi ko naman maintindihan.

"May masakit ba sayo?" napa-lingon ako kay Shaun nang marinig ko ang boses nya.

"Wala naman, hindi lang ako naka-tulog ng maayos." sabi ko at tumabi naman sya sa akin.

"Shaun, I have a mark." sabi ko at ipinakita sa kanya ang marka sa aking pulsuhan.

"Ayos ka lang ba? Wala ka bang kakaibang nararamdaman?" tanong nya pero umiling lang ako.

"I just feel like I'm drained." natatawa kong sambit. Narinig ko pa ang pagbuntong hinga nya.

"Rest well." he said and I just nodded. "I think, we should go to the academy. Maybe tomorrow?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

JUSTINE'S POV

"Sit down royalties." utos ng Headmistress ng makapasok kami sa office nya.

"Anyway, pinatawag ko kayo para sabihin na magkakaroon tayo ng mga bagong estudyante." sabi nya pagkatapos maupo sa upuan nya.

"Talaga Headmistress? Saan naman sila galing?" tanong ni Ashley na ikinatango naman ni HM.

"Uhm, galing sila sa mortal world, actually kilala nyo na sila." sabi nya na ikinataka namin.

"What do you mean?" takang tanong ni Elisha.

"Remember Prince Shaun and his group?" sabi nya na ikinatango namin.

"Babalik na sila bukas at kayo ang maghahatid sa kanila sa dorm room nila. May bago silang kasama, she's their friend from mortal world. Hindi ko pa sya nakikilala dahil walang sinabi si Prince Shaun tungkol sa kanya." paliwanag nya.

"So their squad is back, I'm wondering who is that girl?" sabi ni Simon habang nag-iisip.

"Who are they?" tanong ni Lux na kanina pa tahimik.

"Oh...hindi mo nga pala sila kilala." sabi ni James at ipinakilala pa talaga isa-isa sina Shaun.

"Their name are familiar? I think I heard it somewhere?" sabi ni Lux habang nakakunot ang noo.

SHAUN'S POV

*KINABUKASAN*

"Is everything's okay now?" tanong ko sa kanila at tumango naman sila.

"Bakit ba kailangang maaga tayong bumalik sa academy Shaun?" tanong ni Kiel.

"Mas mabuti nang maaga tayong babalik para masanay si Kianna sa ibang atmosphere." simpleng sabi ko na ikina-iling nila.

"Anyway, bakit wala ka manlang info na binigay sa Headmistress tungkol kay Kianna?" tanong ni Reese.

"Hayaan nyong sila ang makatuklas ng mga kaya nyang gawin. Mas mabuti narin yon para sa kaligtasan ni Kianna." sabi ko na ikina-tango nila.

"I still can't believe it. We're going home." sabi ni Luke.

"Aalis na ba tayo?" tanong ni Kianna ng makalabas na siya sa bahay. Ngumiti lamang ako sa kanya at alangan naman siyang ngumiti sa akin.

"Oh sakay na guys." sabi ni Kiel na syang nasa driver seat. Naunang pumasok si Luke at Reese habang kami naman ni Kianna ang nasa likod nila.

"Malayo pa ang byahe natin kaya matulog kana muna." sabi ni Reese sa kanya at tumango naman sya.Inilagay niya ang earphone sa tenga at humilig sa balikat ko.

"Sleep tight." mahinang sabi ko bago siya pumikit.

SOMEONE'S POV

"Malapit na ang kanyang pagdating." masayang sambit ng isa sa pinakamatanda sa aming lahi. Halos lahat ng nasa silid ay napa-ngiti sa sinabi niya.

"Nigel" pagtawag sa akin ng pangalawang konseho.

"Kailangang paghandaan ang kanyang pagdating." sabi nito at tumango naman ako bilang sagot.

"Magpapadala ako ng liham sa konseho ng mga holder tungkol sa pagdating ng Alpha upang matulungan tayo sa paghahanap sa kanya." sabi ko na sinang-ayonan naman nila.

"Maganda nga iyan, maaaring sa kanilang lupain mapapapadpad ang Alpha gaya narin ng sinabi ng mga diyos at diyosa." sabi ng pangunahing konseho.

"Kung ganon, ipamalita ang magandang balita sa mga mamamayan. Gusto kong lahat ng mga kalahi natin ay malalaman ang tungkol dito." utos ko na agad namang sinunod ng aming mga tauhan.

DIANNA'S POV

"Ano naman ang ginagawa mo dito?" tanong ni Justine ng maabotan nila kami ni Adrianna sa office ni Headmistress Elise.

"Kahit kailan talaga hindi mo ako tinawag na ate Justine, mas matanda kaya ako sayo." masungit na sabi ko.

"Oh eh ano nga ang ginagawa mo dito?" tanong ulit niya.

"Dadating ang pinsan ko kaya gusto ko siyang makita. Tsaka gusto din ng anak ko na makita si Shaun, matagal narin kasi mula noong huli niyang bisitahin si Adrianna." sabi ko na ikinatango naman niya.

"Nasaan na ba sila Headmistress? Nakaka-bored namang maghintay dito sa office mo." pagmamaktol ni Alex na ikinatawa naming lahat dahil naka-busangot na ang kanyang mukha.

"Let's just wait, I'm sure malapit na sila.'' sabi ni HM na lalong ikinasama ng mukha ni Alex.

"Tumigil kana sa pagmamaktol mo dyan Alex." napa-tingin naman kami kay Renz ng mag-salita ito bigla.

"Paparating na sila, nararandaman ko na ang presensya nila." sabi nya na ikinangiti naman namin.

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon