CHAPTER 6

259 8 1
                                    

SHAUN'S POV

Maaga pa lamang ay gumising na ako at inihanda ang sarili sa unang araw namin dito sa academy.

Ito ang unang araw ni Kianna dito sa academy. Sana ay maging maganda ang unang araw nya, gusto kong ma-enjoy nya ang araw na to. May mga ilang lugar na akong napili na puntahan sa weekend para hindi sya ma-bored dito.

"Hey morning bro!" tumango lamang ako kay Kiel habang kumakain.

"Faster, hihintayin pa natin sila sa labas ng girls dormitory."  sabi ko kaya napa-iling nalang sila. Ang babagal talaga nila kahit kelan.

Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa girls dormitory gaya ng sabi ko kanina. Hindi nagtagal ang paghihintay namin at bumungad na agad sila sa labasan ng dormitory.

"Shaun! Good morning! Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?Hindi tuloy ako makatulog kakaisip kung pupuntahan mo ba ako kinabukasan." masayang nagtatampo na sabi sakin ni Kianna kaya napa-ngiti nalang ako sa inasta nya. Nakakapanibago man na hindi ko na sya nakakasama sa iisang bahay ay ayos nadin dahil alam kong araw-araw ay hinihintay nya akong makita. Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod namin.

"How sweet." napa-lingon ako ng marinig ang pamilyar na boses ni Simon. Bakit ba nakalimutan ko na kasama nga pala nila sa dorm si Hailey at hindi malabong makasama din namin ang royalties. Mukang magiging mahirap ang ilayo sya sa kanila.

"This is the first time I saw you like this Shaun."  nakakalokong ngiti ang ibinigay sa akin ni Alex pero hindi ko sya sinagot.

"Hi ate Kianna, good morning!" masaya at masiglang bati ni Jasmine na halatang ikinagulat nina Justine. Kahit ako ay nagulat dahil hindi sya ganito kasigla noong huli ko syang makita noon. Sya na yata ang pinaka-malungkot na taong nakita ko noong mga oras na yon.

"A-Ahh H-Hello."  bati ni Kianna pabalik na medyo naiilang pa.

"Gusto mo bang ihatid ka namin sa section niyo?"  tanong ni Jasmine na ikina-gulat ni Kianna.

Bakas sa mga mukha ng royalties ang pagkagulat. Ganoon na nga sila siguro kalapit sa isa't isa para maging masaya na makitang masaya si Jasmine. Kung hindi ba ako umalis noon ay ganito rin sila sa akin? Tsk, hindi ko naman pinagsisihan ang umalis noon. Sigurado namang hindi rin kami ganito dahil hindi naman ako sobrang malapit sa kanila.

"Pwede bang ihatid na namin kayo?"  tanong sa akin ni Justine. Determinado sya at alam kong ginagawa nya ito para sa kapatid nya kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

"Thank you." biglang sabi ni Zack bago ako tumalikod at tinanguhan sya.

Nauna si Jasmine habang naka-angkla ang mga kamay nya sa braso ni Kianna. Napapabuntong hininga ko silang pinagmasadan. May makakaagaw na ba ng atensiyon mo para sakin?

"Hoy!" napa-lingon ako kay Reese ng bigla nya akong kalabitin.

"Ang lalim ng iniisip natin ah, baka malunod kana nyan?"  natatawang sabi nya pero hindi ko sya sinagot.

"Nakakatuwa silang panoodin."  sabi nya na tinanguhan ko lang. Para silang magkapatid kung tutuusin, masaya akong makitang nag-eenjoy sya pero natatakot din akong baka mawala na ang halaga ko sa kanya.

Nakarating na kami sa section namin at nagpaalam narin ang royalties sa amin. Naunang pumasok sina Reese at lumapit naman ako kay Kianna na hindi mapakali.

"Are you okay?"  tanong ko pero masama syang tumingin sakin.

"Isn't obvious."  natawa ako sa naging sagot nya kaya naman hinawakan ko ang kamay nya.

"Do you still remember what I told you?"  tanong ko at tumango naman sya.

"Then believe what I promise you, I'll never break it."  sabi ko at ngumiti sya sakin bago humawak ng mahigpit sa kamay ko.

Pumasok kami sa classroom at nakita ang kumakaway na si Reese sa bandang likuran kaya naman naglakad na kami papunta sa pwesto nila.

"OMG! Look girls, Prince Shaun is holding her hand!"

"Are they together?"

"Who knows?"

"Grabe ang chika diba." naasar na asik ni Reese kay Kianna na natawa lang. Itinuro ko kay Kianna ang upuan na katabi ng bintana at tsaka tumabi sa kanya sa kabilang side. Ilang sandali pa ay dumating na ang guro at pinatawag kami isa-isa para magpakilala.

"Guess you already know me, but once again I'm Ezekiel, Earth Holder and I have the ability of Enhance Senses."

"Hey babies, Luke again. I have the ability of Controlling and a Water Holder."

"Hey bitches, Reese Air Holder and a Healer."

"Shaun, Fire and a Seer."

"Uhm...H-Hi, I'm Kianna. I am a Elemental Holder and I am a Fortune Teller and a Time Traveller."

Hindi nakapagsalita ang buong klase kahit na ang guro ay nanatiling tahimik at nagulat din. Kung sabagay, kahit ako ay nagulat din noong una ko syang nakilala. Umugong ang malakas na bulungan ng mga kaklase namin pero hindi namin yon pinansin maliban nalang siguro kay Kianna na halatang nagtataka sa nangyayari.

"Did I hear it right?"

"O MY GOD! This is unbelievable!"

"How can she have two rare abilities? Where did she really came from?"

Napuno nang pagtataka ang buong paligid, halos lahat ng atensiyon ay nasa gawi namin. Lahat ay nagtataka, nagugulat, namamangha at karamihan ay hindi makapaniwala.

"D-Did you really have those abilities?"  takang tanong ng guro namin.

"Y-Yes Sir, why?"  she really don't have an idea.

"Uhmm, let's continue our lesson tomorrow. Class dismiss!"  sabi ng guro namin habang nagmamadaling umalis.

"Woah! That was quick."  di-makapaniwalang sambit ni Reese.

"He look speechless!" natatawang sabi ni Luke.

"Why are they looking at me like that? It makes me feel uncomfortable."  bulong ni Kianna sa akin kaya natawa naman ako sa kanya. Hindi nya inaasahan ang ganitong reaksiyon.

"I think ipapatawag tayo sa office ni Headmistress mamaya."  sabi ni Kiel at tumango naman si Reese ni Luke.

"Quit starring will you!"  sigaw ko kaya natakot naman sila at umiwas nang tingin. "Comfy now?" tanong ko at ngumuso naman sya.

"Can't you ask them nicely?"  tanong nya na ikinatawa ko.

"You know I can't." sabi ko.

"Let's wait for the next teacher is that fine?" tumango sya sakin bago humilig sa balikat ko ang ulo nya.

"Sleep if you want."  sabi ko at tuluyan na nga syang pumikit.

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon