CHAPTER 5

245 9 0
                                    

KIANNA'S POV

Nagising ako ng may naramdaman ako yumuyogyog sa balikat ko. Hindi ko man maaninaw ay alam kong si Shaun ang gumigising sa akin. Hindi ko sya pinansin at napako ang paningin sa harapan kung saan nakikita ko na ang isang malaking gate. Is this the academy?

"Nakatulog kaba ng mahimbing?" tumango lamang ako sa tanong niya.

Hindi ko magawang maka-pagsalita dahil sa magkahalong kaba at pananabik. Ewan ko ba pero napaka-pamilyar ng lugar na ito. Sa bungad pa lamang ay hindi ko na alam ang una kung papansinin dahil sa kaba na aking nararamdaman.

"Are you okay?" biglang tanong ni Shaun na sa tingin ko ay napansin ang pananahimik ko. Napa-buntong hinga siya ng tumingin ako sa kanya.

"Papasok na tayo guys kaya i-ready nyo na ang mga tenga nyo sa napakaraming bubuyog ng academy." bagot na sabi ni Reese na ikinatawa nila.

"Isa kaya ito sa na miss ko dito. Yong halos araw-araw kang pinag-uusapan." sabi ni Luke na inirapan lamang ni Reese.

"Saan tayo unang pupunta Shaun? Sa office ba ng Headmistress?" tanong ni Kiel.

"Hindi na kailangan, hinihintay na nila tayo." sabi ni Shaun habang naka-tingin sa mga taong naghihintay malapit sa gate. Sino sila?

Tumigil kami sa tapat nila, marami sila sa tingin ko ay mga estudyante ding kagaya namin dahil sa pare-pareho silang naka-uniporme. Maliban nalang sa dalawang bababe at isang batang babae rin.

Naunang lumabas sina Luke, Reese, Kiel at Shaun. Hindi ko nagawang sumunod agad, nakita kong nakipagkamustahan sila sa mga kaibigan ko.Habang nilapitan naman ni Shaun yong isang babaeng at yumakap sa kanya. Maging yong batang babae kanina, iniisip ko kung ano ba ang koneksiyon nila sa isa't isa pero nahuli ko na naka-tingin na sa gawi ko si Shaun habang napapangiting napa-buntong hinga at lumapit sa sasakyan.

"Hindi ka pa ba lalabas?" tanong niya pero nag-alinlangan pa ako. Kaya naman inabot na niya ang kamay niya.

"Tara na." naka-ngiti niyang sabi na sinisiguro sa aking walang mangyayaring masama dahil nasa tabi ko lamang siya.

Iniabot ko ang kamay ko sa kanya bago lumabas, nakita ko na nabaling ang mga tingin nila sa akin kaya naman ganon nalang ako kung kumapit sa braso niya at parang batang nagtatago sa likod niya. Napuno ng kuryosidad ang mga reaksiyon nila habang papalapit kami sa gawi nila.

"Everyone meet Kianna Del Vega." pakilala ni Shaun habang sinenyasan akong magpakita kaya wala na akong nagawa. Si Shaun lang ang nag-iisang taong kaya akong pasunudin kahit na ayaw kong gawin.

"H-Hi." halos nauutal kong bati sa kanila. Nagtaka ako ng makita ang mga reaksiyon nila, naisip ko kung may hindi ba sila nagustuhan sa ginawa o sinabi ko.

"H-Hello Kianna ako nga pala si Dianna." nauutal man ay masaya paring pakilala niya sa akin.

"Ako nga pala ang pinsan ni Shaun at ito naman ang aking anak. Adrianna ang pangalan nya." sabi niya at itinuro ang anak niya, nginitian ko ito pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Masaya po akong makita ka. Kamukha mo ang tita Adri ko ate Kianna." emosyonal na sabi niya na ikinataka ko naman. Gusto ko pa namang itanong kung sino ang babaeng sinabi niya pero kinuha na siya ng pinsan ni Shaun at humingi ng paumanhin.

"Ako naman si Headmistress Elise at sila naman ang Royalties." sabi niya na ikinagulat ko. Royalties ang tawag sa mga anak ng mga hari at reyna ayon sa itinuro sa akin ni Shaun.

"Sa tingin ko ay kailangan na ninyong magpahinga, makikilala mo rin naman sila sa mga susunod na araw." dagdag ni Headmistress kaya tumango lamang kami.

Inihatid kami ng mga royalties sa aming dorm, halos sina Reese, Kiel at Luke ang kanilang nakakausap. Ang ilan sa kanila ay tahimik lamang, pero mula kanina ay ramdam ko ang titig nong lalaki na may kulay itim na buhok sa akin. Kahit naka-talikod ay ramdam ko iyon, ganito ba sila sa baguhang tulad ko?Nakakailang tuloy ang ginagawa niya.

"Bukas ang simula ng klase natin, nasa dorm na ang lahat ng kailangan mo." sabi ni Shaun na ikinatango ko.

Nakarating kami sa dorm namin ni Reese sabi ni Shaun ay may makakasama kami dito. Hailey daw ang pangalan nya, sya raw ang girlfriend ni Prince Justine kaya wala daw akong dapat ipagalala dahil mabait naman daw ito at madaling makasundo.

"Kapag may problema ay tawagin mo lang ako." bilin ni Shaun na ikinangiti ko naman.

Narinig ko ang buntong hininga nya, ito ang unang beses na hindi niya ako makakasama sa iisang bahay. Hindi siya sanay sa ganoon dahil simula ng makasama ko siya ay sya ang huli kong nakikita bago matulog at una ko ring makikita sa umaga.

"Matulog ka nang maaga mamaya, huwag kang magpuyat. Gusto ko ay handa ka para bukas." paalala niya na sa unang beses ay hindi ko kinontra. Sa halip ay niyakap ko siya na para bang ngayon ko nalang iyon magagawa. Sa ilang minutong iyon ay naramdaman ko ang titig nong isa sa mga royalties kanina.

"Magkita na lamang tayo bukas." naka-ngiti kong sabi sa kanya.

"Good night Shaun." sabi ko at gaya ng nakagawian ay hinalikan niya ako sa noo.

"Good night Kianna." sabi niya bago sila umalis. Naunang pumasok si Reese pero bago ako pumasok ay napa-lingon ako ng maramdaman ang tingin nong lalaki kanina. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero naka-kunot ang noo nya at mababasa ang inis sa mukha nya pero hindi ko nalang pinansin at pumasok na lamang sa dorm.

"Kian! Halika at ipapakilala kita kay Hailey!" rinig kong sigaw ni Reese kaya naman lumapit ako sa kinaroroona nila.

Gaya ng mga royalties ay bakas din ang pagkagulat sa mukha ni Hailey pero binalewala ko iyon. Totoo ang sabi ni Shaun, mabait nga talaga siya at madaling makasundo. Inihatid niya kami sa sariling kwarto pagkatapos ng hapunan, dahil sa pagod ay hindi ko na nagawa pang ilibot ang sarili sa aking silid. Nakatulog ako agad.

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon