CHAPTER 13

154 5 0
                                    

JUSTINE'S POV

Nagsimula ang unang laban at si Lisa at Charlyn ang magkalaban na nasa gitna ng training room.May barrier  na pumapalibot dito para hindi kami maapektuhan ng mga atake nila.

"Ang unang mapa-bagsak ang kalaban ang panalo.At ang mga mananalo ay maglalaban-laban.Ang mga matitira ay syang maglalaban sa huli.May premyo ang mga manalo."  sabi ni ni Sir Benidict at nag-wink pa bago umupo sa upuan nya.

Nagsimula na ang laban nila Lisa at Charlyn.Gaya ng inaasahan ay halos walang makalamang sa kanila dahil tuwing aatake si Charlyn ay natutunaw lang ito ni Lisa.At ganon din naman kay Lisa na nagiging yelo lang din kapag umaatake sya.Halos walang halaga ang kanilang mga atake sa isa't isa kaya nagtataka ako kung may mananalo ba.

"They should use physical combat o gamitin nalang nila ang mga sandata nila para mas mapadali ang laban nila."  inip na sabi ni Kianna kaya naman halos lahat kami ay napa-tingin sa kanya. 

"They're attacks are useless.As you can see, they're elements are almost the same ice can be water and water can be ice.They can manipulate each others power."  maka-hulugang sabi nya pa na nakapag-patango sa amin.She's definitely right, nakita ko namang napangiti si Sir kay Kianna.

"Exactly Ms.Del Vega, this training is not just about whose strong or whose more stronger.Today, I want you to realize that not everytime you can rely on your ability.Our skills are limited, we can't use it in any situation.What's the use of your power if your opponent can easy malipulated it."  naka-ngising sabi ni Sir.

"Kung patuloy silang aatake ay mapapagod lang sila.Magkakaubusan ng lakas hanggang sa walang manalo."  sabi ko.

"Well, I think your wrong."  sabi ni Lux kaya naman napataas ang kilay ko. 

"They realize it already."  sabi nya kaya naman natuon amg atensiyon namin sa laban nila Lisa at Charlyn.

Pareho na nilang hawak ang sariling sandata.Halatang pagod na sila pero handa paring sumugod sa isa't isa.Mabuti naman at na-realize na nila, yon lang halatang hindi na sila tatagal pa.Naunang sumugod si Charlyn na inilagan naman ni Lisa.Nang makakuha ng tyempo ay sumugod si Lisa at itinuon doon ang buong lakas habang naghahabol ng hinga naman si Charlyn na umaatras.Ilang sandali palang ay tumigil na silang pareho at doon lang namin napagtanto na may tama na si Charlyn at sumuko nalang.

"I win!"  masayang sigaw ni Lisa na ikinatawa ni Charlyn.Agad na lumapit si Renz sa kapatid at dinala sa healer na nasa loob ng training room.

Sumunod ang iba naming mga kasama, naging maganda naman ang laban nila at pare-parehong na-enjoy ang training.Ilang sandali pa ang nakalipas ay tinawag na si Shaun at ako.Unlike the others, our ability are not related with each other kaya naman sabi ni Sir Benedict ay dito namin makikita kung sino ang mas malakas sa aming dalawa.

"Good luck!"  sabi ni Kianna sa amin ni Shaun na ikina-ngiti naman naming dalawa.Ilang sandali pa ay nagsimula na ang laban namin.Kung tutuusin ay pareho lamang naman kaming malakas, walang nakakalamang at wala rin namang mas mahina.

KIANNA'S POV

Kumpara sa laban ng iba naming mga kasama ay mas matagal ang nilang dalawa.Hindi rin maitatangging mas magaling sila sa mga nauna naming mga kasama.Kinabahan tuloy ako dahil si Lux ang makakalaban ko, siguradong mas magaling pa sya kay Justine.Kahit na napalitan ko na sya sa pagiging rank one, mahirap narin ang talunin sya dahil hindi ko magagamit ang Lumina o kahit ang Illumina na ginamit ko sa leveling.

Natapos ang laban ni Justine at Shaun, patas ang laban kaya naman ng maubos na ang oras nila ay ipinatigil na ni Sir Benedict ang laban nila.Halata sa mukha nila ang pagod at ang panghihina.Kung sabagay, pareho nilang ibinibigay ang lahat ng kanilang lakas para manalo.

"You okay?" tanong ko kay Shaun at tumango naman sya sa akin.

"Make me proud." sabi nya bago magpahinga.Lalapitan ko pa sana sya pero tinawag na ako ni Sir para sa laban namin ni Lux.

Pumunta na kaming pareho sa gitna, tulad ng dati ay walang emosyon ang mukha nya at seryoso lang.I never thought na may mas cold at seryoso pa kay Shaun.Mas masungit din ang isang to kung ikukumpara kay Shaun na may tinatagong bait.

"Let's see what you've got." mayabang na sabi nya na ikinainis ko.Anong akala nya sakin mahina?

Gaya ng ginawa nya ay inilabas ko rin ang sword ko.Sa aming dalawa ay sya ang unang sumugod, hindi lang sya magaling, malakas din sya.Siguro ay kaya na nyang pantayan ang lakas ni King Vin pero hindi nya parin ako kayang talunin pagdating sa sword.Halata naman sa kanya na nahihirapan syang basahin ang mga galaw na ginagamit ko sa paggamit ng sword.Kaya naman ginawa ko yong advantage, ilang minuto na sword lang ang gamit namin sa laban pero nagawa ko na syang sugatan.

Maya-maya ay bigla syang umatake ng dark balls na sinundan pa ng iba.Kaya naman wala akong nagawa kundi ang umilag at sanggahin ang mga atake nya.Ginantihan ko naman sya at umatake rin gamit ang apat na elementong kaya kong kontrolin.Pareho man kaming nakatamo ng mga sugat pero pareho parin kaming nakatayo.Ayaw kong magpatalo sa mayabang na lalaking kagaya nya.

"Want a bet?" tanong nya na may nakakalokong ngiti.

"Tsk...Not interested." sagot ko agad at inatake sya.

"If I win, you'll be my slave for a week." sabi nya habang nasa-likod ko at hawak ang isa kong braso.

"Never!" sabi ko at umikot para maka-alis.

"And if you win, I'll be your slave for a week.Is it fair to you?" may ngisi sa labing sabi nya bago umatake.Sinalag ko ang atake nya habang nag-iisip.Maganda naman pala ang offer nya, pero ayaw ko namang maging alipin ng lalaking to kapag natalo ako.

"What now?" sabi nya at gumawa ng shield ng atakehin ko sya ng vines.

"Deal." sabi ko at inatake sya.I'll make sure that I won't lose.

"I'll make sure that I will win." sabi nya.

Nagpalitan kami ng atake hanggang sa natamaan ko sya sa kanyang kanang hita.Bumagsak sya pero hindi ko inaasahan na magagawa pa nyang umatake.Pareho kaming bumagsak, pinilit kong tumayo, ayaw kong matalo.Naghanda akong umatake at ganon din naman sya.Sabay naming inatake ang isa't isa pero pareho din namang natamaan.Susugudin ko na sana sya ng biglang.

"Stop!Your time is up!" sigaw ni Sir kaya naman pareho kaming nagtatakang tumingin sa kanya.

"It's a tie." sabi nya at tumalikod na.

"I should've end her when I get a chance." rinig kong bulong nya kaya naman hinarap ko sya.

"Ang dami mo kasing dada!Maglalaban na nga lang kung ano-ano pang sinasabi." sabi ko na ikinakunot ng noo nya.Kaya naman tumalikod na ako sa kanya at naunang bumaba.

"What did you say?" tanong nya kaya naman naka-poker face ko syang hinarap.

"Tsk." sabi ko at naghintay nang sasabihin nya pero nanatili syang naka-titig sa akin.Ano ba to, kanina lang ang daming sinsabi.Napansin nya siguro na nangungunot na ang noo ko kaya bigla syang nag-iwas ng tingin.

"You're weird." dagdag ko pa.

Hindi nya ako pinansin at napapabuntong hingang nilampasan ako.Naguguluhan ko syang sinundan ng tingin bago lumapit kay Shaun na halatang nag-aalala.

"You're okay?Look at yourself!" sabi nya kaya natawa ako ng mahina.

AUTHOR'S NOTE:

Hello there readers, pasensya na kung ngayon lang ulit ako nag-update.Nagkaroon kasi ako ng personal problems na naging dahilan para di ako makapag-isip ng maayos na plot.May mga pagkakataon din kasi na kahit sa pagbabasa ay nawawalan narin ako ng time.Bukod kasi sa pagsusulat ay may iba pa akong obligations na mas mahalaga.I should give more time doing my modules lalo na at graduating ako this year.Thank you sa mga naghihintay ng updates, stay safe everyone.

Our Continues DestinyWhere stories live. Discover now