CHAPTER 7

256 10 0
                                    

LUX'S POV

Nauna akong pumasok sa room namin at hindi na sila hinintay pa. Makikita ko lang ulit yong babaeng yon, simula noong makita ko sya ay hindi na sya nawala sa isip ko. Sabi ni HM ay wala man lang kahit na isang impormasyon na ibinigay si Shaun. Their names are really familiar, I'm sure I heard it somewhere? I'm really sure I saw them somewhere I just can't remember.

"Hey Lux, bakit iniwan mo kami kanina?" tanong ni Alex pero hindi ko na sya sinagot dahil dumating din agad si Master Benedict.

"Okay royalties, go to the training field and we will have our group training." sabi nya kaya naman sumunod na kami sa kanya papunta sa field.

"OMG! You're not gonna believe what I've just heard!"

"Eh? What?"

"Remember the girl na kasama nina Prince Shaun?"

Hindi ko naiwasang pakinggan ang usapan ng dalawang babae sa isang bench dito sa hallway. Ano naman kaya ang tungkol sa babaeng yon?

"Their whole class was shocked dahil sobrang lakas daw nya!"

"Really? How? Come on tell me!"

Tumiggil ako ng hindi napapansin ng mga kasama ko, interesado akong malaman ang tungkol sa kanya. Tsk bakit ba interesado na ako bigla?

"I'm not sure if it's true, pero ang sabi she's an Elemental Holder and a For------"

"Hey why did you stop?!"

Hindi ko namalayan na nakatingin na pala ako sa kanila kaya naman hindi naituloy nong babae ang sinasabi nya ng magtama ang paningin namin.

"H-Hi Prince Lux."

Bumuntong hinga ako at saka tumalikod na sa kanila. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating na sa field. Tsk, bakit ba kailangan ko pang tumingin edi sana ay nalaman ko yong kasunod na sasabihin nong babae. Badtrip.

But on second thought, nalaman ko rin naman na Elemental Holder pala sya gaya ni Vin at ni Van. Isang malalim na buntong hinga ang inilabas ko bago lumapit sa mga kasama ko.

"Mabuti at nandito kana." sabi ni James ay tumango lamang ako sa kanya.

SHAUN'S POV

Gaya nga nang inaasahan ay pinatawag kami ni HM pagkatapos ng klase. Kasalukuyan kaming nasa opisina nya at nag-uusap habang busy naman ang aking mga kasama.

"I didn't expected it. Napakatagal na simula noong magkaroon kami ng estudyanteng kagaya mo." di-makapaniwalang sabi ni HM.

"Well, expect the unexpected Headmistress." sabi ni Luke.

"Can I talk to her, alone?" tumango naman ako bago magpaalam kay Kianna.

"Maghihintay kami sa labas." tumango lamang siya sa akin at lumabas na din kami.

"Bakit ka naman pumayag na maiwan syang mag-isa doon?" tanong ni Reese sa akin ng maka-labas na kami.

"Tss, wala namang masama doon. Tsaka isa pa, wala rin naman syang makukuhang sagot kay Kianna. Hindi mo ba naisip na maghihinala sya kapag hindi ako pumayag." sabi ko kaya natigilan naman sya.

"He's right Reese, yong hindi pa nga natin pagbibigay ng info. pinaghinalaan na nya agad na may tinatago tayo ito pa kayang kakausapin lang naman nya si Kianna diba?" sabi pa ni Kiel.

"Let's just trust her." sabi ko at umupo sa isang bench.

"Fine." rinig kong sabi ni Reese at umupo narin sa bench. Ilang sandali pa ay lumabas na si Kianna kaya naman agad ko syang nilapitan.

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon