CHAPTER 17

327 14 17
                                    

SHAUN'S POV

Kinaumagahan ay maaga kaming lahat na nagising, dahil kami ay dayo ay kailangan naming makiisa sa pagdiriwang nila.Lumabas kami ng maaga at pumunta sa sentro ng village, the center of this village is full of busy people, may mga nagtitinda, may mga naglalaro at meron ding sumasayaw.Nakita namin si Sir at ang kaibigan nyang diwata na masayang nag-uusap.Nasa ganoon kaming senaryo nang biglang tawagin kami ni Justine.

"Sabi nila ay may oracle sa village na ito.They say that this oracle can tell your future." sabi ni Justine.

"Talaga?!Let's find her, may gusto akong malaman." masayang sabi ni Zack kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumama sa kanila.

Nagtanong-tanong kami sa mga taga-rito at tinuro naman sa amin ang tirahan ng sinasabi nilang oracle.Habang naglalakad ay napansin ko ang pananahimik ni Kianna.Simula noong dumating kami rito ay tahimik na siya.Sigurado akong may gumugulo sa isip nya kaya mas pinipili nya ang manahimik.

"What's wrong? Bakit ang tahimik mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Wala." simpleng sagot nya kaya naman napa-buntong hinga ako.

"I thought you trust me?" tanong ko kaya naman napa-tingin sya sa akin.

"Alam ni Celestia, she knows that I hold the black magic." para akong nabingi sa sinabi nya.Napatigil kami pareho at nagkatinginan.

"How did she know?" takang tanong ko.

"I don't know, pero nangako naman sya sa akin na walang makakaalam." sabi nya kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

"Sinabi ni Anne na nagmamadali kayong umalis sa ilog kahapon.Sabi nya na parang may nakita ka, tell me did you see something?" hindi siya agad nakasagot.Did she really saw something?

"Kianna!Shaun come here!" sabay kaming napalingon ng sumigaw si Anne sa di kalayuan.Naunang naglakad si Kianna kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sundan sya.

Nakarating kami sa isang magandang kubo, pagpasok namin dito ay bumungad sa amin sina Zack na naghihintay.

"Sabi ni Olivia ay dito nalang tayo maghintay.May kukuhain lamang daw sya." paliwanag ni Ashley kaya tumango nalang kami at umupo.

Ilang sandali pa ay dumating ang isang babae, hindi sya katandaan at mababahid parin ang pagkabata sa kanyang mukha.

"Sino ba ang may gustong malaman?" tanong nya at nauna nang tumayo si Zack.May inilabas ang babaeng isang salamin.

"Para saan iyan?" tanong ni Justine.

"Ang salamim na ito ay may mahika, isipin mo lamang ang gusto mong malaman sa hinaharap at tumingin sa salamin.Makikita mo ang hinaharap mo pero hindi mo ito pwedeng sabihin sa iba." paliwanag nya at tumango naman sila.

Lumapit sa kanya si Zack at tumingin sa salamin, ilang segundo rin bago sya ngiting-ngiting humarap sa amin.Isa-isang lumapit ang mga kasama namin sa salamin hanggang sa kaming tatlo nalang ni Lux at Kianna ang natira.

"How about you guys?" tanong ni Zack sa amin pero umiling ako at ganon din si Lux.

"Come on Kianna, give it a try." aya ni Anne sa kanya kaya wala na syang nagawa kundi ang lumapit sa salamin.

Naghintay kami ng ilang sandali bago sya nakangiting lumapit sa amin.Siguro ay maganda ang future nya.Nagpaalam kami kay Olivia at nagpasalamat bago umalis, habang naglalakad ay lumapit sa amin sina Justine.

"Kianna, may itatanong ako?" biglang sabi ni Anne.

"Ano ba yong nakita mo kahapon?Kahit di mo sabihin ay alam kong may nakita ka." seryosong wika ni Anne.Halos lahat kami ay naghintay ng sagot nya, maliban nalang siguro kay Lux na naka-poker face lang at walang pake sa paligid nya.

Napansin ko ang pagbabago sa ekspresiyon ni Kianna na lalong naging dahilan para ma-curious ako sa magiging sagot nya.

"Hindi mo gugustuhing malaman ang nakita ko." seryoso at malamig na sagot nya.Nagtaka ako sa naging tono ng pananalita nya, hindi sya ganito sumagot noon.Hindi nya ugaling magtago ng mahalagang bagay gaya nito.

"Ang creepy." biro ni Ashley habang nag-aakto na natatakot.Mahinang natawa si Anne at Justine sa kanya pero tumigil din ng mapansin na tahimik lang kami.

Nagpatuloy kami sa paglalakad dahil hindi rin nila napilit si Kianna na sabihin ang nakita nya.Nang dahil lamang sa tanong na yon ay nag-iba ang aura nya, mas naging tahimik sya pag-uwi namin na ikinataka ni sir.

Hapon na nang bumalik ang diwatang kaibigan ni sir, halatang pagod ito at problemado na ikinataka namin.

"Is there a problem Serene?" rinig kong tanong ni sir sa kaibigan nya.Tumingin sya sa amin bago ayain si sir sa kusina.

Nagkatinginan kami nina Justine at Zack bago tumayo para tahimik silang sundan sa kusina pero agad din namang lumabas sina sir kaya hindi kami tumuloy.Umalis si Serene at hinarap kami ni sir.

"May mga tulisan sa hangganan ng village, gusto nilang pumasok sa teritoryo ni Serene." paliwanag ni sir.

"Where are they?" tanong ni Lux.

"Nasa ilog sila, nanggulo sila kanina doon." sabi ni sir na ikinatango namin.Posible kayang sila ang nakita ni Kianna kahapon?

"Let's go, tulungan natin sila." biglang sabi ni Anne at lalabas na sana pero pinigilan sya ni sir.

"Sandali Anne, hindi tayo maaaring makialam dahil hindi tayo taga-rito.At isa pa nasa hangganan pa lamang sila, hindi natin sila pwede atakihin dahil wala pa sila sa loob ng village." sabi ni sir dahilan para makatanggap nanaman sya ng mga reklamo galing sa kasama ko.

"Let's just wait for them.Kapag nandito na sila sa loob ay pwede na silang labanan.Papayag naman siguro si Serene kapag nag-alok tayo ng tulong." sabi ni Kianna na ikinalingon namin.Tama sya, hindi na makakatanggi pa si Serene lalo na at dehado sila.

"Sila ba ang nakita mo sa ilog?" tanong ni Justine pero umiling sya.Hindi sila?Sino?

"Hindi sila ang nakita ko, hindi ko alam kung ank sya.At kahit saan tayo pumunta ay susundan nya ako." sabi nya na ikinatigil namin.Anong ibig nyang sabihin?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon