PROLOGUE

488 14 3
                                    

Malakas ang ulan ng gabing yon habang mahimbing na natutulog si Kianna sa kanyang kwarto. Ilang sandali ang nakalipas ng may kumatok sa pintuan ng kwarto nya, malakas iyon at sunod-sunod kaya nagising sya sa ingay. Padabog na tumayo sya umaasang pinaglalaruan sya ng kaibigang si Luke pero walang tao sa labas ng buksan nya ang pinto. Lumabas sya sa kwarto at iginala ang paningin umaasang tinaguan nanaman sya ng kaibigan pero wala siyang nakita. Naisip nyang bumalik sa kwarto pero agad naagaw ang pansin niya ng nakabukas na pinto papunta sa veranda ng bahay nya. Pumunta sya doon para isara sana ang pinto pero nagulat sya ng may makitang babae. Dumaloy ang kakaibang takot sa buong pagkatao nya ng mapagtantong hindi si Reese ang nakita nya. "May ibang tao sa bahay ko" yan ang agad na pumasok sa isip nya ng mga sandaling iyon. Kahit malayo ang babae sa kanya ay alam nyang sa kanya ito nakatingin, meron itong sinasabi pero hindi nya marinig dahil sa lakas ng ulan sa labas. Dahan-dahang naglakad palayo sa kanya ang babae, takot man ay nagawa pa nya itong sundan hanggang sa mabasa na sya ng ulan.

"Who are you?! Anong ginagawa mo sa bahay ko?!" sigaw nya umaasang sasagutin sya ng babae pero tumingin lang ito sa kanya.

May kung anong ibinubulong ang babae na hindi naman nya maintindihan hanggang sa bigla nalang itong nawala. Hinanap nya sa paligid ang babae pero wala syang nakita kundi isang itim na rosas.

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon