CHAPTER 15

148 6 1
                                    

ZACK'S POV

Pagkatapos ng laban ay inanunsyo ni Sir ang mga nanalo.Bukod sa amin nina Lux, Justine, Shaun at Kianna ay kasama namin si Anne, Ashley at bukas.Sinabihan nya kami na maghahanda kami bukas dahil may pupuntahan kami.Ito na siguro ang sinasabi nyang premyo namin.Lumabas kami sa training room at dumiretso sa cafeteria, kumpara noon ay mas marami ang nagbubulungan kahit na kakaunti nalang ang mga estudyante.Dahil narin siguro kay Kianna at Shaun na pinag-uusapan ng karamihan.Gaya ng dati ay pumwesto kami sa lagi naming inuupuan.

"Kami na ang kukuha ng pagkain natin." sabi ni Simon na kasamang tumayo sina Alex at Elrick.

Ilang sandali lamang naman kaming naghintay at bumalik narin sila dala ang pagkain namin.

"Malamang ay naka-alis na sina Reese." rinig kong sabi ni Shaun kay Kianna na halata namang may hinahanap sa paligid.Tumango nalang si Kianna bago ituon ulit sa pagkain ang atensyon.

"Saan naman kaya tayo dadalhin ni Sir bukas?" curious na tanong ni Ashley.

"Siguro ay kung saang lupalop na naman ng Magic World." natatawang sabi ni Mark.

"Naalala ko tuloy noong dinala nya tayo sa sagradong gubat." hindi mapigilan ni Lisa na matawa habang inaalala ang nangyari noon.

"What happend?" napa-tingin kami kay Kianna ng magtanong sya.

"Alam mo bang hinabol kami ng mga mababangis na hayop dahil napaka-ingay ni Renz at Jasmine noon.Nakakatawang kahit sa pagtakbo ay nag-aaway parin sila kaya pare-pareho kaming itinali ng patiwarik ni Sir dahil nagising namin ang diwata ng gubat na yon." natatawang kwento ni Anne na ikinatawa ni Kianna.

"Pinakawalan lamang nya kami pagkatapos lumubog ang araw.At hindi pa doon natapos ang parusa nya sa amin." pabiting sabi ni Laine.

"Inutusan nya pa kaming manghuli ng kakainin namin.Pero masaya naman ang mga sumunod na araw, yon nga lang hindi na ulit kami nag-ingay." natatawang sabi ni Renz na ikinatawa naming lahat.

Natapos ang pagkain namin sa cafeteria na puno ng tawanan.Pumasok kami sa sunod naming subject at hinintay nalang na tumakbo ang oras.

LISA'S POV

Natapos ang klase namin at bumalik na kami sa dorm.Naging maganda ang takbo ng maghapon, pagdating sa dorm ay pumasok na kami sa kanya-kanya naming kwarto at nagpalit na ng uniform.

Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na ako, nang makababa ako ay sakto namang paglabas ni Kianna at Shaun.Tumingin ako ng may pagtataka sa mga kasama ko.

"Pupuntahan nila sina Reese." simpleng sagot ni Mark na ikinatango ko.

Dahil madilim narin ay naisipan ko nang magluto dahil mga busy ang mga kasama ko.Siguro sa labas nalang rin kakain sina Kianna.Madali lang akong natapos sa pagluluto dahil tinulungan naman ako ni Mark.

Gaya ng dati ay hindi na kami nagkibuan pa pagkatapos kumain.Lahat kami ay may sari-sariling ginagawa, napabuntong hinga ako.Marami ang nagbago, nawala ang buhay ng dorm namin.Hindi gaya noon na gabi-gabi ay may naiisip kaming gagawin.Umiingay lamang ang dorm kapag may kalokohan silang ginagawa.Nagbabago lang ang atmosphere kapag nandito si Kianna.Ang babaeng yon, natatakpan ng presensya nya ang lungkot dito.Hindi namin mapigilang sumaya kapag kasama sya, siguro ay dahil nakikita namin sa kanya si Van.Di ko napigilan na kumawala ang aking ngiti, nawala man si Van atleast nakilala namin si Kianna.

SHAUN'S POV

"Seryoso?" di makapaniwalang sabi ni Reese habang nagkekwento si Kianna.Hindi ko mapigilang maiinis dahil si Lux ang pinag-uusapan nila.

"Yes, he make a bet.Akala nya ba ay uurungan ko sya.No way!" inis na sabi ni Kianna na ikinatawa nina Luke.

"Mabuti nalang at hindi ka natalo, baka pagtawanan pa kita." sabi ni Kiel at tumawa pa kaya naman napa-simangot si Kianna sa kanya.

"Nakakainis ang lalaking yon, napakayabang nya.Mapanghusga pa sya, ano naman kaya ang nagustuhan sa kanya nong mga babaeng patay na patay sa kanya." nakangusong sabi nya na ikinailing nalang nila.

"Well, gwapo naman kasi sya at magaling.He's also a prince, kahit ako ay pwedeng magkagusto sa kanya.Maybe soon isa kana rin sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya." pabirong sabi ni Reese na ikinaangal ni Kian.

"Ako, that will never happened." iling-iling na sabi ni Kian.

"Ikaw din baka kainin mo ang sinabi mo." sabi ni Luke kaya naman tiningnan ko sya ng masama bago tumingin kay Na-Na na namumula na sa inis.Posible nga kayang magkagusto sya kay Lux?

Nalungkot ako sa sarili kong naisip, imposible Shaun, kita ko kung paano sya mainis kay Lux kaya imposibleng magkagusto sya doon.Sana nga hindi.

"Kamusta naman kayo?" pagbabago ko nang usapan kaya napatingin sila sa akin.

"Were fine." sabi ni Kiel kaya napatango naman ako.

Bago mag-curfew ay nagpaalam na kami sa isa't isa, si Luke at Kiel nalang ang naghatid kay Reese kaya naman magkasabay kaming naglakad ni Kianna pabalik sa dorm.

"Next weekend nalang tayo lumabas sa academy." sabi ko at tumango naman sya sa akin.

"Ayoko ko pang umuwi." napalingon ako sa kanya ng bigla syang magsalita.Hinawakan ko ang kamay mya at hinila papunta sa Hidden Garden ng academy.

"Where are we going?" takang tanong nya pero nginitian ko lamang sya.Nakarating kami sa tapat ng gate, may mga tuyong baging ang nakaharang dito at napakadilim.

"Don't tell me papasok tayo?" hindi makapaniwalang tanong nya.Ngumisi lamang ako at hinila na sya papasok.Humigpit ang kapit nya sa damit ko kaya naman natawa ako sa kanya.Naglakad pa kami ng kaunti sa madilim na pasukan ng gate bago ko makita ang mahahabang baging.

"This is my favorite place." sabi ko bago hawiin ang mahahabang baging na nakaharang sa nakatagong paraiso ng academy.

"This is unbelievable." mahinang bulong nya ng sumalubong sa amin ang napakagandang ilog, mga nagsasayaw na water fairies, at iba pang nakakamanghang bagay.

"Ang matataas lamang sa academy ang nakakalam nito.The students are not allowed to go in this place." sabi ko habang pinapanood syang maaliw sa mga naglilipadang ilaw.

"Then why did you bring me here?" takang tanong nya kaya natawa ako.

"Because I want to." simpleng sagot ko.

"This place is really beautiful." manghang sabi nya.Ilang oras din kaming nandoon ng maisipan naming bumalik na sa dorm.Pagbalik ay wala na kaming naabutan kaya naman dumiretso na kami sa aming kwarto.

Our Continues DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon