TPBTTPW 48 : Every Day I Love You

2.1K 59 4
                                    

CHAPTER 48

Julia

My heartbeat felt like it has stopped after seeing him sitting on the pavement, sobbing while holding the ring I returned to him awhile ago. Hindi ko alam kung paano ko nabitawan ang lahat ng mga salitang yun sa kanya, basta na lang lumabas sa bibig ko.

I saw him stood nung lumabas na ang hari at reyna sa gate namin. Agad siyang lumapit sa ina niya at nagkayakap sila, agad naman akong humiga sa kama nang nakatingin lang sa kisame, walang ibang inaalala kundi ang lahat ng nangyari kanina. I can't understand what I really feel. Gusto ko siyang masaktan pero iba ang kinalabasan--ako ang nasasaktan.

I cried a lot. I miss his hug kaya hindi ako kumalas agad nung niyakap niya ako. Kahit galit ako sa'yo Quen nakuha pa rin kitang mamiss. Hindi ko masabi-sabi sa harap niyang hindi ko siya mahal, ewan, wala kasi akong gustong mahalin kundi siya lang. I just said that I only need space but hindi ko sinasadyang hubarin ang wedding ring namin at binalik sa kanya na parang sinabi ko na gusto kong makipaghiwalay.

Natatakot ako na baka magkatotoo ang lahat ng mga sinabi ko, na maghiwalay kami.

Mahirap kasi Quen, mahirap maniwala sa mga paliwanag mo. Naisip ko na sana hindi ko na lang nalaman ang lahat ng yun. It is better to live happy with a lie rather than to live like this with the truth, masakit kasi. Kung alam mo lang, kung gaano ako kagalit sa'yo ganun rin kita kamahal. Every day I love you, Quen.

Paggising ko kinabukasan, medyo nag-stay pa ako sa higaan dahil sa pangyayari kagabi. Narinig ko na lang na kumatok si daddy. "Julia, hija."

Agad akong bumangon at umupo nang nakasandal sa headboard. "Yes, dad?"

Bumungad sa akin si daddy na nakasuot na ng slacks, longsleeves at necktie--halatang paalis na papuntang office pero hindi pa naka-coat.

"Can I talk to my daughter?"ngiti pa niya.

I smiled to my father as response. Tuluyan na siyang pumasok at umupo sa tabi ko.

"Hija, I'm sorry." he sighed before he continued. "Sorry dahil hindi ko hinayaan si Enrique na makausap ka. I was wrong. Hindi dapat ako nakialam sa problema niyong mag-asawa, nasasaktan lang kasi ako everytime na nakikita ang prinsesa kong nasasaktan."

Hinawakan ko si daddy sa kamay. "Dad, don't be sorry. It's okay. Besides, ayoko siyang makausap."

"No. No. Ang problema hindi dapat tinatakbuhan, kailangan niyong harapin pareho. Sa simula pa lang, ipinagkatiwala na kita kay Enrique nung binigay ko ang kamay mo sa kanya. Naging overprotective lang akong ama. Dapat, hindi ako nakialam. Dapat, I guided you."

I shook my head reflexively. "Dad, wala kang kasalanan. Okay? I understand. Nung una, choice ko rin na ayaw siyang kausapin."

"Anak, I should've said to you earlier that Enrique arrived sakto nung hinimatay ka. I chose not to say it, hindi ko alam, naging selfish ako. You know what? Bilib ako sa kanya. Hindi ko akalain na he'll stay for a very long time sa labas ng bahay para lang makausap ka at hingin ang kapatawaran mo."he smirked bago siya dumugtong. "Enrique is very eager to win you back. Ganun ka niya kamahal. Napatunayan ko yun Julia, nagpainit siya, nagpaulan sa kakahintay na makausap ka at kahit na makita ka lang. "

"Okay, let's say he loves me pero hindi pa rin maaalis ang katotohanan na niloko at nagtaksil siya. Sinasabi ng isip ko na gusto ko siyang patawarin pero masyadong sagabal sa puso ko dahil masakit ang ginawa niya."

"All I can say anak, there is no such perfect relationship. Minsan talaga, may mga bagay na nangyayari na hindi natin sinasadya at hindi natin ginusto. Everything happens for a reason."

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now