TPBTTPW 38 : Bali, Indonesia III

2.3K 66 11
                                    

(c)SarahLemeric

Julia

As our last day went by, lalo kaming nag-eenjoy kaya parang ayaw pa naming umuwi kahit kinakailangan na. Our life would be back to basics again. Royal duties, work, and so on. May nakalinya na kasing official engagement sa akin, maging kay Quen. He'll leave tomorrow night to Spain kaya dapat naming lubusin ang araw na ito,uuwi na rin kasi kami after lunch.

We started to pack up five in the morning. Nag-set kasi kami ng isang elephant safari ride, one of the adventures na ino-offer nila aside from aquatic adventures, meron silang elephant park na naka-separate sa vicinity ng mga villas.

Sa totoo lang, I've never tried na makipaghalubilo sa mga ganitong klaseng hayop like elephants kaya lang hilig ni Quen eh--nagkakaintindihan yata sila ng mga hayop. Isa pa, takot ako sa heights pero bakit I love on top?

Dahil mahal ko,pinagbigyan ko na lang. Kakaiba rin ang persuasing charms neto, e.

"You just have to relax Juls, hindi tayo malalaglag niyan. Mababait ang mga elephants dito." nakangiting bulong ni Quen nang handa na ang elephant para umakyat kami.

Medyo natakot ako nung inangat ng elepanteng sasakyan namin yung trunk niya--yung ilong nila.

"Kunyare ako ang elepante, at nasa ibabaw lang kita. Tutal, you love to be on top."tiningnan niya ako ng nakakalokong titig kaya siniko ko siya sa tagiliran.

"Pa'no kung bigla na lang mag-wild ang elepante at hulugin tayo?" Ang taas kaya niyan!" pagmamaktol ko.

Natawa lang ang loko. "Ano ka ba. Ba't ang paranoid mo? Di ka naman takot sa roller coaster eh, tapos dito sa elepante na ang baba, takot ka? Besides, hindi naman sila magdadala ng hindi trained na elephants para ikakapahamak ng guests dito, no?"

I sighed to lessen the rising panic. It didn't even help.

"Basta humawak ka lang sa kamay ko." He smirked. "Ready?"

Di na lang ako umimik. Sinunod ko lang ang sinabi niya. Mahigpit akong humawak sa kamay niya at dahan-dahang umakyat sa elepante habang inaalalayan niya. Merong teak wood na nakatungtong sa katawan ng elepante para maupuan ng sasakay.

Nakaupo na kami ni Quen nang dahan-dahang tumayo ang elepante--mahigpit ang pagkahawak ng kamay ko sa kanya. Tumawa lang ang loko. Sarap sapakin 'to eh! Nang tuluyan nang nakatayo ang elepante, may sinabing kung ano na hindi ko maintindihan ang guide namin na nakasakay sa may bandang ulo na nagpaumpisang maglakad ang malaking nilalang na may makapal na balat.

Nang nag-umpisa na kaming maglibot dun ko lang na-appreciate ang lahat at nakaramdam ng enjoyment. Sitting in a high teak wood chair,riding in this incredible animal in a tropical park setting with someone I love--an experience I'll never forget.

Napansin ko na naging OA ako masyado.

Nasa gilid kami ng dagat ni Quen, naglalakad tapos magkahawak ang kamay, nilalanghap ang simoy ng dagat. Pareho naming hinawi ang mga buhok namin--medyo mahangin kasi. Pati nga ang longsleeves niyang nakabukas ang butones hanggang sa dibdib, hinahangin. Well, my husband is hot.

Biglang may babaeng sumigaw--Korean yata, mga ilang metro ang layo sa dalampasigan.

Sumisigaw ng tulong ang babae, kaya mala Superman na eksena ang nangyari. He fastly unbuttoned his longsleeves, hinubad at tinapon ito sa may buhangin.

Agad na tumakbo si Quen sa babae, sumunod lang ako sa likod niya.

Habang nahihirapan akong lumakad papunta sa kanila--hanggang sikmura kasi ang tubig--narinig ko ang usapan nila.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now