TPBTTPW 5 : Vacation Day 1

6.2K 120 10
                                    

CHAPTER 5

Julia

Habang nasa yatch kami.

I sighed.

"Ang ganda nga naman ng tanawin at ang simoy ng hangin.”

“Oo nga, ang sarap mag-swimming sa gitna ng dagat. Tara!”yaya pa niya.

“Teka antayin mo ako!”sigaw ko nung tumalon siya sa dagat.

“Enrique, nasaan ka na ba?! Wag kang magbiro ng ganyan, hindi magandang biro yan! Umahon ka na diyan!”pag-aalala ko pa nang hindi ko siya nakitang umahon pagkatapos niyang tumalon.

"Enrique!”sigaw ko pa.

Nagulat na lang ako nang may kumakalabit sa ulo ko.

“Hoy! Gising! Gising!”

Dahan-dahang bumukas ang mga mata ko at nakita ko si Enrique na kinakalabit ako. Dun ko na-realize na panaginip lang pala ang lahat ng iyon. Nakakahiya! Parang magtatago na ako sa kahihiyan kasi nakatingin silang lahat sa akin nang napasigaw ako. Napatulog mantika na naman ako.

“Ano ba?! Makahoy ka nga naman oh! Wala ka bang manners? Prinsipe nga pero parehas ka lang sa mga tao diyan sa lansangan!”

Tumawa silang lahat habang ako naman ay umismid lang. Kainis!

“Huwag nga kayong mag LQ! Nakakasira kayo ng araw, eh!”singit pa ni Kath.

“We’re here guys!”excited na sabi ni Laureen nung marinig ang in-announce ng pilot na malapit na kaming lumapag.

Private jet pala sinakyan namin nila DJ, aside from being the owner of luxury bars and  restaurants, they also own an airlines.

 Finally, we're here in Dos Palmas Beach Resort at exactly 12:30 pm. Mga isang oras din away from the airport--sulit  naman ang pagod kasi maganda yung resort nila Kath.

"Mom suggested that iisang villa na lang ang kunin natin with two guest rooms. One for the guys, and one for us girls. Okay lang ba?"tanong ni Kath nang dumating kami sa lobby.

"By the way, how many beds in one room?"tanong ni Sam.

"Four."sagot ni Kath sabay senyas sa kamay niya.

"Yun naman pala eh!"singit ni Robi.

"We don't have to problem anything, kasi each of us has a bed."dugtong ni Kath sa sinabi ni Robi.

"Akala ko magsisisksikan tayo."bulong ni Quen sa sarili niya pero narinig pa rin namin.

"Bakit bro ayaw mo ba na tig-iisa tayong bed?! Baka naman mas gusto mong dalawa lang kayo ni Julia sa iisang kwarto at kaming lahat eh sa kabilang kwarto?!"pang-aasar pa ni DJ.

"Gago ka talaga! Kahit kailan ang libog mo!"sabi ni Enrique sabay batok kay DJ.

"Wala namang problema dun ah?! Magpapakasal naman kayo in one month di ba at dun din naman ang hantong niyo!"pang-aasar ni DJ sa amin ni Quen.

"Kahit na! Iba pa rin!"singit ko pa pero di ko tinuloy ang sinabi ko kasi nakakailang.

"Iba pa rin ang ano?!"patuloy pa rin ang pang-aasar ni DJ.

"Huwag niyo ngang itanong kay Julia! Alam niyo na yan! Hindi na naman tayo bubwit eh!"suway pa ni Laureen sa kanya.

"Alam niyo kung wala man lang kayong magandang sasabihin, tumahimik na kayo! Pumunta na nga tayo sa villa para makapananghalian at makapag-enjoy."yaya ni Kath.

Pumunta na kami sa villa para makapag settle down kami at the same time makapagpahinga. Pagkatapos nun, nagkayayaan na kaming kumain at nagpahinga--pagod rin kasi galing sa biyahe at masyadong mainit sa labas para mag-swimming or to try aquatic adventures.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now