TPBTTPW 43 : Thinking Out Loud

1.9K 65 6
                                    

CHAPTER 43

Enrique

I breathed deeply.

Hindi ako nagkakamaling siya yun. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya.

"Quen, does something bothers you? Ilang araw ka nang balisa."tanong ng asawa ko pagkatapos niyang kunin ang kamay niyang nakakapit sa braso ko.

Napakamot ako sa batok ko sabay iwas ng tingin sa kanya. "Wala. Ano ba, Juls?"natatawang sagot ko pa.

Humigit sumobrang dalawang taon na kaming mag-asawa kaya alam na niya ang mga galaw at kung ano ang mga nararamdaman ko. She can feel if something bothers me or if I wanted to say something. Oo Juls, may gusto akong sabihin sa'yo. Pero paano?

This time, umiwas lang ako sa tingin niya at todo tanggi kahit labag man sa kalooban ko.

"Sabi mo wala eh."she smirked before she continued.

Nagpaalam na kami para umuwi. Nauna akong lumabas. Si Julia naman, ayaw bitawan ni Mavy. Namimiss niya daw kasi ang ate niya at gusto niya, paglabas niya daw ng ospital eh umuwi si Julia sa kanila kahit ilang araw lang.

"Just wait here, wait for the princess."bilin ko pa sa royal protection officers paglabas ko ng kwarto.

Nakatingin lang ang lahat ng mga nakasalubong ko, nagtataka kung bakit ako nag-iisa--konti lang naman ang tao sa floor na 'to. Weird na kung weird pero hinanap ko si Sarah. I wanted to talk to her again and to assure na hindi na siya bumalik sa buhay ko para manggulo. Bakit nga ba siya nandito?

I sighed, relaxing myself nung makarating ako sa dulo, mismo sa harap ng elevator. Nagpasya akong bumalik sa kwarto ni Mavy.

Nang nasa harap mismo ako ng hagdanan, biglang may humila sa braso ko. "What the?!"my eyes looked at her with a shock.

"Looking for me prince charming?"tawa pa niya.

Anong bang balak ng babaeng 'to?

"Nope. Why are you here?"sagot ko.

She rolled her eyes before she replied. "What do you think?"

Hindi ako makapagpigil. Nirerespeto ko ang mga babae. Hindi ko sinasadyang hawakan siya ng mahigpit sa braso. "Don't try to mess up with me."taas ko pa ng boses sa kanya.

She laughed sarcastically.

"Okay. Okay. Calm down prince charming."

I gulped hard.

Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa babaeng 'to. Nananadya ba siya? "Then, why the hell are you here?"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko, mas lalong humigpit ang hawak ko sa braso niya. Gusto ko siyang sakalin pero hindi ko magawa.

"Let me go!"she shouted instead of answering my question.

"Just shut up."hila ko pa sa braso niya bago dumugtong."Why are you here? What do you really want?"

"I just wanted to see you. Does it bothers you?"lakbay pa ng kabila niyang kamay sa dibdib ko sabay ngiti.

Tinanggal ko ang kamay niya. Sunod niya namang kinalas ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.

She winked before she walked down the stairs. "Check your email."

Ano ba 'tong napasok ko? Napayuko ako sabay hawak sa noo ko. Wave of tears just rolled down. Why can't I fucking stop them? Am I that weak?

Hindi ako takot sa kahit na ano, maliban sa buhay na wala siya--si Julia. I couldn't imagine my life without her.

"Quen. Quen."hanap pa ni Julia sakin. Agad kong pinunasan ang luhang nangingilid sa aking mga mata. I breathed deeply bago magpakita sa kanya.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now