TPBTTPW 14 : The Moon and the Stars

4.3K 89 109
                                    

CHAPTER 14

Enrique

“Quen, tama na nga 'to. Hindi na ako makahinga.”reklamo pa niya habang mahigpit ko siyang yakap na parang takot akong mawala siya sa tabi ko. Oo Julia, takot akong mawala ka. Bakit ka ba ganyan? Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng babae diyan, ikaw lang mag-isa ang nakikita ko.

Hinawakan ko ang kamay niya nang maluwag. “Labas na ako, ha?"paalam pa niya saka kumalas sa hawak ko.

“Sige, susunod ako sa’yo mamaya.”sagot ko sa kanya bago siya kumaway sakin at tuluyang lumabas.

Inisip ko munang ayusin ang sarili ko bago ko siya sundan. "Kaya mo yan Quen! Kaya mo yan!"sabi ko pa sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto niya nang hindi niya nararamdaman. Nakatingin lang siya sa telescope at pinagmamasdan ang liwanag ng  buwan at kislap ng mga bituin. Lumingon siya at ngumiti nang makita ako kaya wala ng dahilan para magtagong pinagmamasdan siya.

I rested my chin on her shoulders and encircled my arms around her waist. Parang gusto kong sabihin na sana ganito na lang palagi, na kahit sabihin ko man ang totoo kong nararamdaman para sa kanya, eh, walang magbabago, na hindi niya ako lalayuan kundi sabihin niya rin sa akin na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa. Sana mahal rin ako ng babaeng yakap ko ngayon.

Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya sa pagmamasid sa buwan at mga bituin. Ako naman, lumakbay ang kamay ko mula sa bewang niya papunta sa kamay niyang nakahawak sa telescope.

“Ang ganda ng moon.”sambit niya nang mahawakan ko ang kanyang kamay.

“Oo, kasing ganda mo na  nagbibigay liwanag sa gabi ko.”

“Niloloko mo yata ako, Quen eh.”lumingon siya para makita namin ang isa't isa.

“No, totoo naman ah.”kunot pa ng noo ko. Bumalik siya ng tingin sa minamasdan niya sa telescope saka kinuha ang kamay ko sa kamay niya at nilagay sa bewang niya. Kinagat ko ang labi ko nung ginawa niya yun. Kinilig na naman ako. Siyempre, the way kung paano kiligin ang mga lalaki.

“Quen, hanggang kelan ba tayo ganito?”lumingon siya ulit sakin.

“Forever.”ngiti ko pa sa kanya.

“Forever? Forever ka diyan."walang pag-aalinlangan niyang sagot. Masakit. Hindi ko na talaga papalampasin ang pagkakataong 'to para masabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kahalaga sa buhay ko.

Masakit, sobrang sakit. Is she saying that she doesn’t want that we’re going to lasts forever? Gusto ko nang sabihin sa'yo lahat--lahat.

“Teka, Juls saan ka pupunta?”tanong ko pa nung kumalas siya sa yakap ko.

“Sa labas, mas maganda tingnan ang moon at stars dun.”

I ended up following her. I love her so much just like the sun in the day and the moon and the stars at night. I will not promise to her to give the moon and the stars but I'll promise to her that I'll stay under them with her, forever.

She sat on the cemented bench na nasa gitna ng garden ng palasyo at napapailaliman ng buwan at mga bituin. “Juls, may sasabihin ako sa’yo.”lagay ko pa ng braso ko sa balikat niya. Siya naman, sinubsob ang ulo niya sa dibdib ko pero nakatingin sa langit.

“Ako rin Quen may sasabihin sa’yo.”sagot niya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ano kaya ang gusto niyang sabihin?

“Ikaw na mauna. Ladies first, right?”sagot ko.

“Ikaw na.”sabi niya.

“Sige, ako na.”

Mga ilang segundo rin bago ako nakapagsimula. Di ko kasi alam kung paano sisimulan sa dinami-dami na gusto kong sabihin sa kanya. “Hindi pa natin napag-usapan tungkol sa nangyari nung isang gabi.”panimula ko.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now