TPBTTPW 27 : The Revelation

2.9K 77 8
                                    

CHAPTER 27

Julia

Kasalukuyan akong nanonood ng movie sa kwarto namin ni Quen. Oo, kasama ko siya pero wala siyang kaimik-imik simula nung nag-umpisa ang movie. Yung 'Forever in One Night'. Grabe! Sobrang nakakaiyak! Kawawa yung college girl na hinalay right after her graduations. Salita ako ng salita, wala namang umiimik. Tapos kanina ko pa siya inaalok ng popcorn pero hindi rin siya kumukuha. Ako naman, eh, dampot lang ng dampot. Hindi ko rin siya tinitingnan kasi naman baka kung ano ang isipin ng asawa ko, eh, dahil sa pinapanood namin. Mga ilang araw na din kaming nagsama sa iisang kwarto at buti naman, behave naman ang asawa ko.

"Quen, ba't hindi ka nagsasalita diyan?"tanong ko pa sa kanya habang nakafocus pa rin sa TV. Nakahawak lang naman ang kabila kong kamay sa braso niya. Naiiyak kasi ako. Hindi rin siya nagrereklamo tuwing pinupunas ko ang shirt niya sa luha ko. Bastos lang pero sweet naman.

I just paused kung ano ang pinapanood namin. Tiningnan ko siya. He's just grinning. Hawak ko pa rin yung remote--pati remote ng TV.

"Why are you smiling that way?"tanong ko pa at bumitaw ako sa paghawak sa braso niya. Pinunasan ko rin ang mga luha na dumaloy sa aking pisngi gamit ang mga kamay ko. Medyo lumayo ako sa kanya, nakangisi kasi ang loko.

"Nothing, my princess. Masama bang titigan kita? Masama bang tingnan ko ang asawa ko?"sagot pa niya at tinaas baba ang kilay niya.

"Quen, wag kang ganyan! Sige ka! Wag mong ituloy kung ano man ang binabalak mo!"tumayo ako at humakbang papalayo sa kinauupuan namin--nakaupo pa rin siya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nakakakilabot eh. Hala. Ewan.

 "What's wrong with that?"tanong pa niya at lalong humilata sa  couch. He maliciously smiled at me na parang nang-aasar.

"Uhmm."pautal-utal kong sagot.

"Masama bang tingan ka? Natutuwa lang kasi ako." sagot pa niya.

"Hindi naman. Anong nakakatuwa?"sagot  ko pa.

"Ang cute mo kasing umiyak. Saka ikaw lang ang gusto kong panoorin. Wala ng iba pa."unti-unti siyang tumayo papalapit sa akin.

Habang lumalapit naman siya ay--unti-unti rin akong humahakbang paatras. Ano ba Quen wag kang sapian ngayon please! After one year na lang, yung graduate na tayo. Wag muna ulitin ngayon asawa ko, huh?! Nagpumilit kasi siya na magpacheck-up dahil sinabi ko sa kanya ang mga nararamdaman ko na palaging naiinis, inaantok, at nasusuka kahit na sinabi niya dati na infertile ako. False alarm lang pala lahat. Everyone was disappointed, lalo na siya. Thank God, pipilitin ko talaga na hindi pa maulit ‘yon kasi ayokong maging losyang habang nag-aaral.

"Hindi ako cute! Di ako tuta para tawagin mong cute, asawa kong prinsipe. Maganda ako. Dyosa ng kagandahan."sagot ko pa na nanginginig ang boses. Patuloy pa rin siyang lumalapit at ako naman paatras nang paatras hangga't sa mapabagsak ako sa malambot naming kama.

"Okay. Whatever you may call it my princess."sagot pa niya at tuluyang lumapit sa akin--while biting his lips.

 Umupo siya sa kama habang ako ay nakahiga na. My ghad! Unti-unti lumalapit ang mukha namin sa isa't isa. Ba't kinikilig pa rin ako?

"You know what? Natutuwa kasi ako na tingnan ka habang nanonood ng movie. Sa'yo pa lang alam ko na kung ano mga nagyayari, eh. Saka ilang beses na kaya nating napanood ‘yon."mahinang bulong pa niya sa tenga ko. Dinig na dinig ko ang kanyang paghinga na tila hinihingal. Amoy ko ang kanyang mabangong hininga dahil sa mouthwash na gamit niya after mag toothbrush kanina.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Lumabas na lang sa bibig ko nang mabilis. "Do re mi fa so LANDI mo."He didn't mind what I said.

Napapikit ko na lang yung mga mata ko while he's maliciously staring at me. Mas lalo pa siyang lumalapit. Naramdaman ko na lang ang labi niya nang humalik siya sa noo ko.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now