TPBTTPW 50 : If Tomorrow Never Comes

2K 58 10
                                    

CHAPTER 50

Enrique 

I sat on a cemented bench while looking at the tombs of my grandfather, grandmother, and uncle. Kung buhay pa sila, mas masaya siguro ang royal family ngayon, at siguro nandito si lolo para gabayan ako. Everything happens for a reason, my dad became the king. He was not the crown prince when Uncle Henry was still alive. I was still five years old nang mangyari ang kalunos-lunos na ambush when they visited a third world country. Imbes na maghatid sila ng tulong, buhay nila ang hinatid nila dun.

Wala pa akong masyadong muwang nang mangyari yun pero naiintindihan ko--it was one of the worst crisis na nangyari sa pamilya namin, ang mawalan ng tatlong mahal sa buhay nang sabay. The government of that country apologized, aanhin pa ang paghihingi ng tawad kung tapos na ang lahat? Everyone didn't expect na mangyayari yun, huli na ng malaman na pakana yun ng isang terrorist group para pababain ang tingin ng ibang bansa sa kanilang gobyerno. Wow! Buhay!

Naging hari ang ama ko nang wala sa oras, nawalan siya masyado ng oras sa pamilya. Mas nauna nun na nag-asawa ang ama ko kaysa kay Uncle Henry kaya wala akong pinsan sa side ng ama ko. There's no such perfect life, lahat may problema, lahat may pinagdadaanan kahit sino ka pa.

Kahit gusto ko pang magpalipas oras kasama sila, hindi ko alam kung bakit gusto kong bumalik sa kotse sa di malamang dahilan. I really don't know why. I stood up and put my hands on my pocket habang nakatingin sa malayo.

"Siguro kung nandito pa kayo, nandiyan kayo kasama nila mama, papa, at kuya na nakikiluksa sakin sa pag-iwan ng asawa ko. Ewan ko, hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kung tuluyan siyang mawala. Tanging hiling ko lang na sana mapatawad pa niya ako. Hindi naman siguro yun mahirap hingin, di ba?"sambit ko pa at pilit na ngumiti.

Tuluyan na akong nagpaalam sa kanila at bumalik sa kotse. Hindi ko alam kung bakit pagkahawak ko pa lang sa car door handle ay biglang bumigat ang pakiramdam ko. Pagkasara ko ng pinto, kumuha ng atensyon ko ang wedding ring namin na binalik ni Julia nung isang gabi, nakapatong lang ito sa may dashboard--dun ko kasi pinatong yun kanina pagkatapos kong hawakan. I shook my head reflexively and smiled reluctantly.

Everytime I see that ring reminds me of our wedding day--kung ano ang sayang nararamdaman ko sa mga panahong yun, na sa wakas ay akin na ang taong pinakamamahal ko kahit wala pang assurance kung mahal ba niya talaga ako, kahit na iniisip kong arrangement lang ang lahat sa mga oras na yun pero hindi pala. Part of it reminds me of last night--kung ano ang mga sinabi niya at pinaramdam sakin bago siya nagkalakas ng loob na tanggalin sa daliri niya ang singsing at ibalik sa akin.

Actually, di ko alam kung saan susunod na pupunta. I was in the middle of the highway, just driving, hindi alam kung saan patungo. Diretso, liko sa kaliwa, liko sa kanan, tigil--yan lang paulit-ulit, gusto ko lang magpalipas ng oras.

My phone was silent that time, ayokong may makaistorbo pero may nag-udyok sakin para kunin yun at tingnan--nakapatong lang siya sa seat sa kabilang side. When I opened it, I was shocked to see the name of my wife in the screen with thirty missed calls. I scanned it, meron ding tawag galing kay Manong Victor for five times at tawag galing kay DJ for twice. Shit.

The screen lighted habang hawak ko 'to, I thought it was Julia pero I was disappointed to see in the screen when DJ was the one who called. Sinagot ko ito agad habang nagmamaneho.

"Bro! Sa wakas! Sumagot ka rin! Where the hell are you?"sambit pa niya.

Tumingin muna ako sa paligid bago sumagot--mag-gagabi na pala. I was in the middle of the highway, hindi ko na alam kung saan papunta. Mabilis ang takbo ng mga kasabayan kong sasakyan. Napatingin ako sa isang highway sign na nakita ko, mga two towns pa lang pala ang layo mula sa syudad. "Basta. Bakit ba? Pinapatawad na ba ako ng asawa ko? Dapat ba mawala muna ako bago niya ako patawarin?"I smirked.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Hinahanap ka niya kanina pa. Bro, nalaman ni Julia na wala kang kasalanan! That girl named Sarah ang may pakana ng lahat, kahit pa nung nangyari sa amin ni Jasmine. All I can say, mahilig siya sa pictures. Sana mag groupfie na lang tayo."tawa pa niya sa kabilang linya.

Hindi ko naiintindihan ang pinagsasabi ni DJ. Ang tanging pumasok lang sa isip ko na pinapatawad na ako ng asawa ko. Parang gumaan bigla ang pakiramdam ko at natabunan ng saya ang lahat ng sakit sa puso ko. I can't explain how happy I am right now.

Binaba ko na lang bigla ang tawag.  I wanted to see my wife right now, as in now! Tumigil ako saglit sa gilid at umikot para makabalik na ng palasyo. I wanted to call her pero hindi ko magawa dahil mabilis akong nagmamaneho.

"If tomorrow never comes, will she know how much I love her? Did I try in every way to show her every day, that she's my only one."

Medyo nagba-bang ang ulo ko habang kinakanta ang linya ng song na yun habang nagmamaneho, sakto kasi pagkabukas ko ng radyo na yun ang tumunog. Sa totoo lang, maingay ang pagkakanta ko sa lyrics.

Pagka-preno ko sa stoplight bandang intersection, hininaan ko ang volume saka ngumiti. I picked up the ring on the dashboard.

I shook my head in disbelief and laughed. Hawak ko pa rin ang singsing habang nakahawak sa manibela. I stepped on the gas as the stoplight turned green. I accidentally dropped the ring. I didn't hesitate to pick it up while driving. Feeling winner ako nang makuha ko ang singsing--hindi halatang sabik akong isuot muli ito sa daliri niya.

Magsasalita na sana ako pagkadungaw ko para muling magmaneho, naramdaman ko ang pag-akyat ng lamig sa buong katawan ko, at namilog lang ang mata ko sa paparating na isang red van.

My heart almost forgot to beat, so as my lung that forgot to breathe.

Sa loob ng isang segundo, inikot ko ang manibela nang mabilis at diniinan ang nasa paa ko. Parang naging slow motion lahat--ang pag-ikot ko sa manibela, ang paglingon ko sa likod, at ang pagbangga.

I didn't feel any pain, or perhaps, my skin became numb as soon as the car hit me. Pumaikot-ikot ako sa gitna, hanggang sa nakaramdam ako ng pagbasag, pagsadsad ng gulong, ng mga sigaw, ng mga sugat, at ng mga busina.

My mind shifted. Am I dead?

Malabo na ang paningin ko, at may tumutulong kung ano sa mukha ko. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa. Masakit ang buong katawan ko. Lahat. Kahit daliri ko, hindi ko magalaw. Basta ramdam ko pa rin sa kamay ko ang singsing, alam kong hawak ko pa rin yun. Para bang bumigay ang lahat ng ugat sa katawan ko, at naparalyze. At di ko mapigilang maluha nang makitang may tumutulo sa dashboard. Dugo.

Basta na lang naglaho ang lahat at dumilim ang paligid ko.

"Quen."

"Juls."

Agad kaming tumakbo pareho para magkalapit. Hawak ko na ang kamay niya saka dinukot ko bulsa ko ang singsing. "Can you wear ths ring again, my wife?"sambit ko pa.

Hinayaan ko siyang tahimik makalipas ng ilang segundo. "No."she answered.

I was terrified when I heard  'no' galing sa bibig niya. "Why Juls?"I asked.

"Dahil gusto kong maramdaman kung gaano mo ako kamahal. Di ba hindi ka nanligaw? Gusto kong maramdaman ang mga hindi natin naranasan dati."she giggled.

We heard ourselves giggled. Hindi ko alam kung anong trip niya pero gusto ko. Bigla kaming natahimik na dalawa. I hugged her tight like I am afraid that she might disappear. Yakap ko siya--pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa. I could not ask for more. Parang gusto kong isigaw na, "Good job, God!"

Sabay kaming kumalas sa yakap pero ewan ko kung bakit siya biglang tumakbo.

"Habulin mo ko. Habulin mo ko Quen."tawa pa niya habang tumatakbo.

I chased her. Tumatawa lang kaming dalawa habang naghahabulan. Bigla na lang nag-iba ang paligid--lumiwanag at wala ng Julia. Nawala ang lahat.

All I can see is just rays of light striking straight on my eyes.

Author's notes:

Please do not forget to vote and comment!

Follow me on twitter >> @SarahSLemeric

Follow niyo rin ako dito. :-)

Add yourself freely in this facebook group >> https://www.facebook.com/groups/SarahLemericReaders/

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now