TPBTTPW 53 : You Raise Me Up

2.6K 65 29
                                    

CHAPTER 53

Julia

Sobrang sikip ng dibdib ko na tipong hindi ako makahinga. Habang naiiyak ako, yakap ako ni Kath sabay ang paghagulgol niya sa balikat ko. Si DJ naman, tinatap lang ang likod ko at si mommy naman ay pinupunasan ang mga luhang nangingilid sa mga mata ko.

Sobrang hirap huminga sa pagkakataong 'to at masyadong malabo ang mga nakikita ko dahil sa luhang sumasagabal sa mga mata ko.

Lahat kami nakasuot ng white at halos lahat ng nandito ay naka-sunglass.

Ganito pala ang pakiramdam na mawalan ng isang taong mahalaga sa buhay mo--mabigat, na tipong pinagsakluban kang sabay ng langit at lupa o di kaya'y higit pa sa binuhusan ka ng kumukulong mainit na tubig at yumeyelong malamig na tubig nang sabay.

Masakit di ba? Paano pa kaya kung yung taong mawawala sa'yo, eh, ang kabiyak mo sa buhay? Paano mo haharapin ang buhay nang mag-isa--na wala  siya?

Hindi ako makalakad nang maayos, hindi rin ako makapagsalita. Bawat hakbang papalapit sa kanyang huling hantungan ay para akong sinasaksak sa likod.

Bago pa man isara ang kabaong niya para sa huling pamamaalam, lahat kami may hawak na white na balloon.

Sabay naming binitawan ang string ng balloon at nagsiliparan habang sumasama sa ihip ng hangin. Ang pagbitaw namin sa balloon ay sabay rin ang pagbitaw sa mga sakit naming nararamdaman sa pagkawala niya.

Mas lalong lumakas ang paghagulgol naming lahat lalo na ako nung sinara ang kanyang kabaong.

"I'm sorry. Sana mapatawad mo ako. I regret for everything."bulong ko pa sa sarili ko.

Gusto kong yakapin ang asawa ko pero hindi ko magawa. Quen.

Maraming tao, halos lahat hindi ko kakilala—siguro mga relatives nila sa magkabilang side. Immediate family, kaklase at mga kaibigan lang namin ang mga kilala ko.

Life is so unfair but everything happens for a reason. We have to face the threats of reality.

Sa pagkakataong ‘to, naiwan akong mag-isa pagkatapos na tuluyang ibaon ang kabaong niya sa ilalim ng lupa—nauna sila mommy na sumakay ng kotse. Hindi ko alam kung maririnig niya ba ako pero gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko sa huling pagkakataon.

“I’m sorry. You didn’t deserve that at all. Sana mapatawad mo ako. Alam kong sa puntong ‘to, nakangiti ka habang pinagmamasdan kami—kasi nandito kaming lahat para sa ‘yong huling pamamaalam. Mahal kita—mahal na mahal.”huminga ako nang malalim bago dumugtong.

“Somehow, you’ve been part of my life. I have to move on, people come and people go. I admit, naging harsh ako sa’yo at masyado kitang binalewala. Mahal kita. Mahal na mahal kita bilang kaibigan, Chong. Sana kung nasaan ka man ngayon,  masaya ka na. Sa simula pa lang, I’m sorry kasi hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo. Sana tuluyan mo na akong bitawan at sana wala ka ng sakit na nararamdaman pa, hindi lang sa pisikal kundi na rin sa kaloob-looban. Sa kabilang banda, salamat. Salamat sa pagmamahal na binuhos mo pero I don’t deserve it. Paalam.”

Naramdaman kong may tumabi sakin at pagkalingon ko, it was Sarah—his cousin. “I’m sorry.”sambit pa niya.

“No, please don’t. Ako ang dapat humingi ng tawad”ngiti ko pa.

“May kasalanan rin ako, hindi ko dapat ginawa yun—wala akong karapatan na sirain ang mga buhay niyo. Hindi dapat ako nagpadala sa galit.”

“I understand. After all, parehas lang tayong nagmahal at nasaktan, nagpadala sa galit—agad kitang hinusgahan. At least narealize natin pareho ang mga kasalanan natin.”

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now