TPBTTPW 46 : Breakeven

1.9K 59 9
                                    

CHAPTER 46

Julia

Pagkatapos naming mag-bake ni Cassey, nagyaya naman silang mag-swimming. Ayoko, basta. Habang nagsi-swimming ang mga kapatid ko, nakaupo lang kami nila mommy at daddy sa dining table sa may veranda na adjacent sa living room namin. Nakatingin lang ako sa mga kapatid ko na nag-eenjoy sa pool habang paulit-ulit na spini-spell ng utak ko ang pangalan ng asawa ko. E-N-R-I-Q-U-E.

Si daddy nakababad pa rin sa laptop niya kahit weekend--darating kasi ang mga investors sa office on the first work day of the week, Monday. Bumaling ang tingin ko sa aking mga magulang to stop thinking of Enrique.

Tumayo si mommy and massage dad's neck."Hon, tama na yan. All is set na naman, di ba?"

Lumingon si daddy para makita si mommy. "Hon, alam mo naman ako, di ba? I wanted everything to be perfect. Besides, mom and dad will arrive from States next week. I want them to be proud of me."ngiti pa ni daddy.

"Really dad?"

Matagal ko na rin kasi silang hindi nakikita. They travel all around the world--yun kasi ang gusto ni lolo. Simula nung mag-retire siya as the chairman and chief executive officer of our company, nakaugalian na nilang mag-travel ni lola. Actually, they stay with my auntie sa States pero one to three weeks aalis na naman sila then balik ulit.

"They will always be proud of you, Hon."hawak pa ni mommy sa pisngi ni daddy.

"Yes, hija. They'll stay here for good."

"What? Dad, nagtatampo pa rin ako sa kanila."

Inabot ni daddy ang kamay ko at hinawakan. Si mommy naman, nakahawak sa balikat ni dad habang nakatingin sa akin. "I mean, a month. Huwag kang magtampo sa kanila, Juls. They have reasons."

"For what reasons dad? If there's a will, there's a way."

Tumingin si daddy kay mommy bago sumagot. "Hija, ayaw ng lolo't lola mong magpakasal ka kay Enrique kaya hindi sila nakapunta."

Natahimik lang ako. Ano pa ba ang dahilan para ipaglaban ko kina lolo at lola ang hindi nila pagdating sa kasal namin ni Enrique? Tapos na rin yun at hindi na maibabalik pa. May dahilan pa ba?

Past is past.

"Bakit hindi niyo po sinabi dad?"

"Kasi ayaw naming mag-alala ka, we want you to be happy pero dun ako nagkamali."

"Hon, don't say that to our daughter."saway pa ni mommy kay daddy.

I gulped hard then faked a smile. "It's okay mom."

Lumapit ang isa sa mga security namin kay daddy. "Sir, ang Prinsipe Enrique po hindi pa rin umaalis."

Tumayo si daddy saka kinausap dun sa malayo ang security guard namin sa hindi ko maririnig.

Bumalik si mommy sa pagkaupo sa tabi ko saka hinawakan ang kamay ko at ngumiti. "Mom, bakit kailangan hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila?"

"You're dad knows what's best for you. Just trust him, okay?"

I nodded as a response. "Which means mom, magdamag si Enrique na nasa labas ng bahay natin?"

"Part of me says, gusto kong magsinungaling sa'yo dahil galit ako sa asawa mo dahil sinaktan ka niya pero sinasabi rin ng kabilang bahagi ko na, anak kita, ayokong maramdaman mo na hindi ka pinapahalagahan ng asawa mo kahit na sinaktan ka na niya. Dumating si Enrique simula pa kaninang umaga, nung nahimatay ka. Nakailang subok siyang pumasok ng bahay pero hanggang sa labas lang siya ng kwarto mo. Hindi siya hinayaan ng daddy mong pumasok."paliwanag pa ni mommy.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now