TPBTTPW 25 : Memorable Date I

3.9K 85 12
                                    

CHAPTER 25

Julia

Simula nang nagkaayos kami ni Quen ay hindi talaga siya nauubusan ng sorpresa sa akin. Hindi siya nauubusan ng sorpresa pero ako baka maubusan ng hininga. Quen, please stop this. Wag mo kong sanayin kasi baka pag nasanay ako hahanap-hanapin ko. Baka mag suffer ako from lack of vitamin YOU.

Hindi pa rin maalis sa isip ko nang sinundo kami ng royal helicopter. Akala ko uuwi na kami, hindi pa pala. Buti na lang hindi na umuulan. Bumungad sa akin habang nakasakay sa helicopter ang red roses na naka heart-shaped sa grounds na pinasadya niya talaga. Akalain niyo yun? Sobrang ganda at nasa aerial view pa namin.

"Uy Julia! Tinatanong ka ni Maam."sigaw pa ni Kath habang kinukuyog ako. Nag day dreaming na naman ako. Jusko po! Parang gusto kong magteleport at maglaho bigla.

"Huh?!"sagot ko pa out of the blue. Nakalapag kasi ang mga braso ko sa table at nakangiti na parang ewan.

"For pete's sake Juls makinig ka kahit ngayon lang. Our exams is nearly coming. Two weeks na lang."pahiwatig pa ni Kath. Biro niya lang pala yun na tinatanong ako ni Maam.

Timing rin at nagring ang bell. Napansin ko na wala si Chong sa upuan niya. Absent na naman siya. Anyare dun? Balik klase na naman.

Lunes talaga ang favorite ko kasi wala masyadong major subjects. Walang stress. Walang pressure. Walang quizzes. Saka Wednesday parati scheduled yung quizzes sa major subject namin kaya petiks lang talaga pag Monday. Para daw kasi enjoy namin yung weekend. Enjoy na enjoy!

"Class dismissed."

Nagkanya-kanyang tayuan na kami at nagsiligpitan ng gamit. Nagtataka lang ako kung bakit wala na naman si Enchong. Hindi man lang nagsasabi, parating nawawala bigla. Hindi man lang ako nakatanggap ng text o tawag man lang galing sa kanya. Nag-aalala rin naman ako kasi kaibigan ko rin siya.

"So, Juls how was your weekend getaway with Quen?"sabi pa niya sabay taas-baba ng kilay habang yung iba naming kaklase ay unti-unti nang lumalabas ng classroom. Babaeng 'to.

"Okay naman."

Umakyat bigla ang init sa mukha ko sabay ngiti na hindi ko mapigilan.

"Can I say yun na ang honeymoon niyo?"pangungulit pa niya.

Ngumiti ako nang bahagya. "So, yun na nga?"dagdag pa niya. Napatili si Kath nang bahagya.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo Kath." natatawang sabi ko."Baka mamaya may makarinig, eh."

"Duh? Ano ka ba? Tara na nga!"yaya pa ni Kath sakin. Kinikilig pa rin ang loka.

Umalis na nga kami palabas ng classroom pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakatanong. Hangga't sa makalabas na kami ng building. "Is he a good kisser? I mean, good in you know?"

Nagtataka lang ako ba't umalis ang mga asungot na royal protection officers ko at walang nakabuntot sa likod ko kahit saan ako mapunta.

Napatigil ako sa nakita ko--I guess pati oras tumigil.

Nakasandal si Quen sa Aston Martin white sports car, nakayuko, naka shades habang nakauniporme pa rin. Ang initial reaction ko, eh, napalunok lang ako sa magandang view. Kaso parang engot lang. Asawa ko na 'to ah!

Unti-unti niyang tinanggal ang shades niya, kumindat while biting his lips. Ano na naman kayang balak niya?

Saglit lang at nagpaalam na si Kath sa akin. "I think it's time to say good bye. By the way, magkikita pala kami ngayon nila Jas and Laureen."

Nandiyan na rin naman kasi ang sundo niya. "Andaya niyo!"

She just smirked at me."Kasalanan ba naming nagpakasal ka nang maaga?"

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now