TPBTTPW 13 : First Day of School

4.6K 93 22
                                    

CHAPTER 13

Enrique

Today is our first day of school. Sigh. My life would be back to basics again--assignments and lessons na naman ang kaharap ko lagi. Isang school lang kaming lahat, iba-iba lang ang courses. Economics ang course ko. Si Julia naman ay Accountancy kasama si Kathryn. Si Daniel, Marketing kasama si Sam. Si Laureen naman ay Fine Arts major in Fashion Design. Si Jasmine naman ay Film-Making. Si Robi naman ay Biology. 

Hindi talaga kami mapaghiwalay. Ewan ko nga ba. 

 "Juls, okay ka lang ba?"panimula ko pa. Actually, biglang dumulas lang yun sa bibig ko. Hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimula, kanina pa kami walang imikan sa biyahe.

"Ah, I'm okay."tumingin siya sakin at ngumiti saka bumalik ng tingin sa kabilang side.

"Is there any problem mahal kong prinsesa?"sunod ko pang tanong.

"Wala Quen."mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Medyo maluwag ang paghawak niya sa kamay ko pero at least hawak pa rin niya at hindi siya kumalas. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa malayo. Hindi ko nga namalayan na dumating na kami sa school, nalaman ko lang nung pinagbuksan na kami ng pinto ng kotse.

"Juls, maaga pa naman. Gusto mo ihatid kita?" 

"Wag na."sagot niya pero hindi pa rin ako nagpadala, hinatid ko siya hanggang sa makarating sa classroom nila.

Hinintay kong makaupo siya bago ako umalis. Si Kath naman, sinalubong ako ng malapad na ngiti nang makita niya akong hinatid si Julia. Alam kong papaulanan na naman niya ng tanong si Julia tungkol sa mga nangyari pagkatapos ng kasal namin.

"Tara na."yaya ko pa sa mga royal protection officers na nasa likod ko, para kasi akong tanga na nakangiting mag-isa sa labas ng classroom nila Julia habang nakasandal sa wall.

Pagdating ko sa classroom namin, bigla silang tumahimik nang pumasok ako. Akala kasi nila, professor na namin. Diretso akong umupo kung saan kinaugalian kong umupo. Sila naman, bumalik sa mga pwesto nila at nagsipagdaldalan ulit na parang limang taong hindi nagkita-kita.

Hindi niya ako kinakausap, hindi rin siya makatingin sakin nang diretso kanina. She seems so cold to me. Hindi ko rin siya maintindihan minsan. Hindi ko alam kung bakit tinatanggap niya ang mga halik at yakap ko at lalong hindi ko maintindihan ang hindi niya pagreklamo.

Mahal ko siya, mahal na mahal na mahal. Mahal rin kaya niya ako? Hindi pa rin kami nakapag-usap tungkol sa mga nangyari nung isang gabi. Lumagpas na ako sa boundaries naming dalawa at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung tuluyan siyang lumayo sakin. I'm afraid I might lose her even for being my best friend. We're best friends--nothing more, nothing less pero hindi ko hahayaan na hanggang dun lang kami dahil alam ko sa sarili kong higit pa sa best friend ang nararamdaman ko para sa kanya.

Gusto kong mag-sorry dahil baka isipin niya na pinagsasamantalahan ko ang sitwasyon na meron kami at ang kasal-kasalan naming dalawa.

"Good morning class."bati pa ng professor namin pagpasok niya kaya napatigil ako sa pag-iisip kay Julia.

"Good morning, Sir.”sagot pa naming lahat.

"Kamusta naman ang summer guys?"tanong pa niya pagkalapag niya ng kanyang mga gamit sa desk. "I'm very sure na na-enjoy niyong lahat, lalo na 'tong ating prinsipe."biro pa niya kaya napatawa kaming lahat at napatingin silang lahat sakin.

"Wait, I have an announcement. There's good and bad news. Hindi ko naman siya masabi actually na bad news, kayo na lang mag-evaluate. So, anong gusto niyong unahin? Good or bad? "tanong pa niya.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz