TPBTTPW 7 : Vacation Day 3

4.8K 103 9
                                    

CHAPTER 7

Julia

“Bro kaya mo pa ba?”tanong ni Sam kay Quen.

Actually, light drinks lang naman ang iniinom nila pero hindi lang talaga sanay si Quen na uminom and he got a low level of liquor tolerance. Basta ganun. In layman's term, madali siyang malasing.

“Ako pa. Kaya ko pa. Wala pang bagay na hindi ko nakakaya. Di ba?.”pagmamayabang pa niya pero sa totoo wala na siya sa kanyang sarili.

“Bro, tama na nga yan. Lasing ka na, eh.”saway pa ni Sam sabay kuha sa shot glass na hawak ni Quen.

“Ano ba? Gusto ko pa bro! Isa pa.”hirit pa niya.

“Tama na nga yan sabi eh! Di ka  kasi nakikinig. ”saway ko pa pero parang hindi niya lang  naririnig. Kahit kailan ang tigas talaga ng ulo niya.

“Bro, hatid ka na namin sa kwarto.”sabi pa ni DJ kay Quen.

Hindi na nakasagot si Quen, napaidlip na pala siya sa kinauupuan niya.

“Tara bro ihatid na natin si Quen sa kwarto.”yaya ni DJ kay Sam.

“Iinom inom tapos hindi naman pala kaya. Hindi man lang nahiya kay Julia”tira pa ni Robi.

“Tumahimik ka na lang diyan,kung gusto mo tulungan mo na lang kami.”saway pa ni Sam.

“Umalis na nga kayo diyan! Ako na ang bahala sa kanya.”paalis ko pa kay DJ at Sam.

“Sigurado ka?” tanong ni Sam sa akin.

“Oo nga! Magsasabi ba ako pag hindi?!”sagot ko kay Sam.

“Ang buhay nga naman oh, kaya pala talaga kayo ang nagkatuluyan dahil parehas lang kayo ng ugali. Ang yayabang.”tira pa ni Robi habang nakatingin lang sa amin.

“Sinabing ako na nga di ba?!”sagot ko kay Robi. Nakakainis na kasi.

“Dapat ngang ikaw na gumawa niyan, masanay ka na dahil ikaw na talaga gagawa niyan tuwing lasing yan.”sagot pa niya.

Hindi ko na lang pinansin si Robi. Dahan-dahan kong pinatayo si Quen mula sa kinauupuan niya at inalalayan hanggang sa makarating sa kwarto. Yes, nakaya ko siyang alalayan nang nakaakbay lang siya sa balikat ko habang hawak ko siya sa bewang.

“Ang bigat mo. Iinom inom tapos hindi naman pala kaya. Akala mo kung sino ka na kaya mo na ang lahat. Prinsipe ka lang, hindi ka si Superman!”reklamo ko pa pagkatapos ko siyang nilapag sa kama at tinakpan ng kumot ang kalahati ng katawan niya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo sa tabi niya.

Bakit ikaw? Bakit ba mahal kita? Sana totoo na lang ang lahat.

Huming ako nang malalim.

“Alam mo mahal kita. I love you so much. I can’t live without you. Mahal na mahal na mahal na mahal kita.”he murmured.

“Lasing ka lang. May pa mahal mahal ka pang nalalaman diyan.”sagot  ko pa sa kanya kahit deep inside, sinasabi ko sa sarili ko na sana totoo yang sinasabi mo, Quen.

“Ako lasing? Hindi, noh? I’m saying the truth and nothing but the truth.”nakapikit lang siya habang tinuturo-turo ang sarili niya.

“Oh, sige nga. Patunayan mo.” hamon ko pa.

Hindi na siya nakasagot, nakatulog na yata.

“I have  three facts na hindi mo pa alam. Una, masarap ang soy sauce and vinegar ice cream. Pangalawa, si John Cena lang ang makakatalo sa Power Rangers. Pangatlo, mas maganda ang restaurant na may airport kesa sa airport na may restaurant.”

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now