TPBTTPW 28 : League of Legends

2.6K 76 10
                                    

CHAPTER 28

Enrique

Kasalukuyan akong nasa classroom. Malapit na rin ang dismissal namin kaya napaisip akong itext ang prinsesa kong si Julia. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ang itetext ko sa kanya. Basta na lang nagkusa  ang mga daliri kong pumindot sa cellphone ko ng 'Later?' and I sent it right away to her. So, it depends kung ano ang interpretation niya.

Napangiti na lang ako sa sagot niya after a few seconds. 'Later what? Sige na nga.' with matching smiley pa niyan sa dulo.

Napa-smirk na lang ako at napa 'YES!’Ano ba 'to? Nakakabading isipin pero kinikilig ako. Siyempre, the way kung paano kiligin ang mga lalaki. Later daw sabi ng asawa ko!

Nagulat na lang ako nang bigla akong  kinalabit ni Coleen. "Enrique, dismissal na." Ngumiti lang siya sakin. Hindi ko man lang namalayan na nagring ang bell. Nakita ko na lang na nagkanya-kanyang ligpitan na ng mga gamit ang mga kaklase ko at yung iba naman ay palabas na. Nilagay ko na lang ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at nagligpit na rin.

Hindi nagtagal ay nag-ring ang phone ko kaya dinukot ko 'to sa bulsa ko. Nakakatawang pakinggan pero sweet naman, tuwing tumatawag kasi--boses ni Julia ang maririnig. 'Hello Hello, someone's calling my Prince.' Tunog pa ng phone ko nang paulit-ulit. Ganun din yung ringtone niya. Ang pinagkaiba lang eh boses ko naman yung maririnig saka Princess lang yung sa dulo. Napangiti na naman ako nang maalala ko na ginawa namin yung ringtone. Ayoko pa sana pero nagpumilit siya eh--katuwaan lang sana namin yun.

Pagkita ko ay si Manong Victor yung tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"Hello po Manong Victor. Ano po yun?"mahinanong pagkasabi ko pa sa kabilang linya.

"Magandang hapon po kamahalan. Ipagpaumanhin niyo po ang sasabihin ko baka makasira ng araw niyo."

"Ano po yun? Sige po. Sabihin niyo na."

"Mahal na prinsipe alam na po namin kung sino ang kumuha ng video niyo kasama si Ms. Coleen. Sa katanuyan po, kasama na po siya ng mga royal protection officers niyo diyan. Alam naman natin na isa po siyang estudyante rin sa inyong eskwelahan."

"Mamaya na po kayong magpaliwanag Manong Victor. Gusto ko na po siyang makita."sagot ko pa nang dahan-dahan nakayukom ang kabila kong kamay. "Bye." dagdag ko pa at ibinababa ung tawag.

"Oh? What's wrong Quen? Mauna na ko ah."paalam pa ni Coleen sakin.

Hindi naman akong nag-atubili na lumabas sa classroom at bumungad sa akin sa pinto ang mga royal protection officers ko kasama ang tinutukoy ni Manong Victor na estudyante.

I can't help but to grit my teeth and clenched my fists hard.

"Magandang hapon po kamahalan."sabay pa nilang sabi sakin at tumango.

I just signed them to get in the room. Buti at nakalabas na ang lahat.

Kasalukuyan akong nakasandal ngayon sa desk sa harap while crossing my arms at nakaupo yung estudyante sa silyang nasa harap ko. Grabe! Anlakas ng loob niya para siraan ako.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Bakit mo kami kinunan ng video ni Coleen habang nag-uusap sa auditorium?"mahinahon na tanong ko pa pero hindi man lang siya sumagot. "Huh? Bakit?" sigaw ko pa at hinawakan ang manggas ng uniform niya. Medyo nanginig siya nung tinaasan ko pa lalo ang boses ko. "Sabihin mo na!"

"Kakanta ka ba o hindi?"tanong ko pa ulit.

"Sige po. Sige po. Kakanta na po ako."sabi pa niya nang pautal-utal at binitawan ko na lang ang manggas ng kanyang uniform.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora