21

240 13 0
                                    

"Darla! nakakaloka! Where are you?" K said. Kanina pa kasi niya hinahanap si Darla, e nasa dressing room ko nga't may pinapahanap ako.

"Wait for her! ikaw talaga!" I said sabay tawa.

"Uy gorg! Kumusta love life?" K asked sabay taas-baba ng kilay na tila nang-aasar pa.

"No. wala. Why? may irereto ka ba?" Sabay tawa ko.

"Irereto ko sa'yo 'yong Gov ng Batangas. Crush ka no'n e." Sabay tawa nito.

"Nako! bahala kayo. Ayan na si Marietta." Sabay turo ko kay Marietta na pa-jump-jump ang pagpunta sa amin.

"Ganda!" Sabay beso namin.

"Darla? Ang tagal mo." I said kay Darla na kinuha ang bag ko. "Let's go na." I said sabay tayo mula sa upuan. at pumasok na sa kotse.

Roadtrip with Darla na siya ang magmamaneho, Marietta and K na nasa likod samantalang ako nasa harapan.

Si K kasi magpapahatid lang sa Airport, ang makakasama namin talaga sa shoot si Erika. My beloved anak-anakan.

"Uy, gorg ang hirap mong pilian ng pasalubong." K said.

"Buy me love na lang." Biro ko kaya nagtawanan na lang kami.

"Kung puwede lang, go." K said habang tumatawa. "Si Marietta ganto-ganto lang 'yan pero broken 'yan e." Sabay hampas ni K sa braso ni Marietta.

"Really? hoy marietta? Anong hindi ko alam?" I asked sabay lingon ko sa kanila sa likod.

"E, kasi diba. Ano. Hindi ko kinaya ang jugets!" Marietta said.

"Ikaw ang umayaw o siya?" K asked.

"Siya. kaya hindi ko kinaya ang jugets. Masakit. Especially may koneksyon kayong malalim." She said.

Alam kong nasasaktan si Marietta, but she remained to be happy. Kapag talaga nagmamahal ka ng tunay, madalas nasasaktan ka.

"I'll hug you kapag nakapunta na tayo sa Batangas." I said sabay pout sa kaniya.

"Ikaw naman, ganda. Kaya ko 'to!" Sabay taas niya ng kamay. "Ako pa?" Sabay turo niya sa sarili niya. "Malakas 'to. Balang araw makakahanap din ako." She said.

"Na magmamahal ng tunay at tapat sa'yo." dugtong ko sabay ngiti sa kaniya.

"Ikaw din, Krissy." Biglang nagsalita si Darla kay tumingin ako.

"Hah? ako?" I asked.

"Sa'yo rin balang araw may magmamahal." She said.

"I know what you're trying to say, Darla. Please stop. Kaloka 'to." I said sabay sandal ng ulo sa bintana ng kotse at hawak ko sa sintido ko.

"Teka? parang ikaw ang hindi nagsasabi sa amin? Sino 'yan?" Marietta asked

"Nako! Gorg ha?" K said.

"Hay nako, Darla! Please lang." I said.

"Gorg?" Tawag ni K

"Okay! Hindi naging kami. Itong guy na ito nasa abroad, niligawan niya ako. But suddenly, akala ko okay kami. Sinabihan ba naman ako na I don't want to talk to you for the rest of our lives." Sabay tawa ko.

"Aba! aba! Sino 'yan? Ipapa-blotter ko siya sa ibang bansa." K said kaya nagtawanan kami.

"Blotter talaga sismars?" Marietta said sabay naghahampasan silang dalawa sa likod, kakatawa.

"Hinid ko kayo kinaya! juskoo!" I said na sumasakit na tyan ko kakatawa.

"Huwag siyang mauuwi ng Pinas, unang hakbang pa lang niya sa hagdanan ng Eroplano. Ban na siya." K said na patuloy ako pinapatawa.

Love Me Till The End (Complete)Where stories live. Discover now