39

214 12 0
                                    

"After so many years, nagkita tayo," bungad ko kay Chandria.

"Ano ka ba ate, pinipigilan lang ako ni kuya na makita ka kasi paniguradong marami akong ibubuko tungkol po sa kaniya," tugon niya sabay tumawa. "Saka, busy ka rin daw po sabi niya kaya hindi ka rin namin maistorbo. Then, we're shocked na hiwalay na pala kayo."

Ngumiti ako sa kaniya ng slight. "Yeah. Well, how are you?" binaling ko na lamang ang tanong sa kaniya.

"Well, may restaurant business po ako ate. Mayroon din kaming Cafe nila kuya naman na join business kami. Si kuya Clarence naman po ay nasa Amerika at may sariling pamilya. May sariling pamilya na rin po ako," kwento nito.

"I'm happy that you're happy with your family. The last time I saw you, sobrang liit mo pa."

"Sinabi mo pa, Ate. Maraming nagbago pero iisa lang naman ang hindi nagbago."

"Hah? Ano 'yon?" Tanong ko.

"Si Kuya. 'yong nararamdaman ni Kuya po para sa 'yo," nagulat ako sa tugon niya.

Nagkatinginan kami ni ate sabay tingin ko ulit sa kaniya.

"But hiwalay na kami, Chandria." wika ko.

"I know ate. You know, I told him na pupunta ako rito. But hindi pa siya nagre-reply. Hindi ko alam pero iba ihip ni kuya ngayon simula nang maghiwalay po kayo. Napansin ko 'yon simula no'ng reunion namin, nasa isang sulok lang siya. Hindi ko naman aakalain na matagal pala kayong naghiwalay."

"It's a normal naman 'yon kapag break up."

"Nakikipag-break up naman si Kuya dati, pero hindi naman ganiyan, ate." tugon ni Chandria na napakamot ng ulo. "Pero thank you ate."

"Hah? Para saan?" tanong ko.

"I saw how happy my kuya was noong naging kayo. Hindi ko pa siya nakikita na gano'n kasaya, dahil last time na nakita ko 'yon noong bata pa kayo. Kasi lagi ka niyang kinukwento kay mama. First crush ka no'n e. Binuko sa akin ni mama."

Ngumiti ako sa kaniya. "I know. but not everything na good from the start will have a good ending."

"But ate, may I ask, do you still love kuya?" tanong ni Chandria.

Huminga ako nang malalim bago sumagot sa tanong niya.

"If I said no, may magbabago ba?" tugon ko. Iniiwas ko ang sarili ko sa gano'n na tanong dahil nahihirapan pa rin ako ngayon.

"Well I don't know, Ate. Sana ate," hinawakan niya ang kamay ko. "Magkaayos kayo ni Kuya. Kahit closure. Kasi kahit maging friends kayo, I think magiging masaya na si kuya kapag nakikita ka."

"I'll do. Para magkaroon ng peace lahat lalo na kaming dalawa. It's just, gusto ko lang bigyan muna ng space ang isa't isa. Hindi naging maganda ang huling pangyayari sa amin ni Herbert," wika ko.

"Take you time ate. I know someday, mangingibabaw pa rin ang pagmamahal niyo sa isa't isa," tugon ni Chandria sa akin. "Ay ate,  tumatawag lang po si Kuya Clarence. Excuse lang po, sagutin ko lang po," tumungo naman ako nang sabihin niya 'yon.

Lumapit bigla si Ate sa akin. "I saw your eyes when Chandria asked you if you still love HB. Kris, to be honest, nagtatago kayo ni HB sa mga sariling niyong damdamin."

"Mas maganda muna ate na magkaroon kami ng spaces."

"Kung 'yan ang desisyon mo, walang problema." sabay tapik ni ate Elena sa shoulder ko at panik sa taas.

"Ate Kris, aalis na po ako. Salamat talaga sa maikling chikahan. Saka po sa pago-order sa amin, suki po kasi talaga si Mrs. Elena sa amin," wika ni Chandria.

Love Me Till The End (Complete)Where stories live. Discover now