44

189 11 3
                                    

Teresa's POV

I was immature then and now. I became selfish to the point that I hurt my only bestfriend.

"Love! Ang tagal mo naman." Pagsundo ko kay Love sa popcorn station, pa-sway-sway pa siya e ilang minuto na ako naghihintay sa kaniya.

"Bumibili lang ako popcorn, wait." Inabot niya na ang bayad sa counter at kinuha na rin ang popcorn na binili niya.

"Let's go!" Aya niya sa akin.

Manonood kasi kami ng sine. Ito kasi 'yong oras na pwede kaming magkasama dahil sa dami na ring ginagawa sa school.

Sa kalagitnaan ng pagpila namin ay may lalaking nakabunggo kay Love

"Mga lalaki talaga, walang matinong magawa." Pagmamataray ko.

May nakitang card si Love ro'n ngunit iba ang naging pakiramdam ko. Feel ko, sinadya talaga no'ng lalaki na mabungo siya.

"Ayoko na!" patuloy pa rin umiiyak si Love sa napanood naming movie.

"Uy! tahan na gano'n talaga," pagtugon ko habang inaakap ko siya sa loob ng sinehan.
"Kahit ako nalulungkot," kasi naman namatay 'yong bida, kaya parehas kaming naging sawi ni Love.

"Sa tingin mo magiging ganiyan din kapalaran natin?" pagtatanong ni Love na humihikbi-hikbi pa.

"Hah? Hindi no! Saka, movie lang naman 'yan. Hindi mangyayari 'yon sa atin. Makatatagpo rin tayo ng taong mamahalin tayo at walang mawawala," pagtugon ko habang pinupunasan ko pa rin ang luha ko. "Don't cry na love," sabay punas ko naman ng luha niya.

"E ikaw kasi naunang umiyak, umiyak tuloy ako," sabay natatawa niyang sabi.

Nagtawanan lang tuloy kami pero paglabas namin sa sinehan naiiyak pa rin kami.

"Alam mo? Madam ka nang madam." Love rolled her eyes and take a sip to her juice.

Inaasar ko kasi siyang "Madam" dahil mukha siyang girl boss in the future. Matalino si Love since nakilala ko siya. Achiever at hindi mo mai-dedeny 'yong gandang mayroon siya. Kumbaga sa perfect, siya na 'yon. Kinagigiliwan din siya ng mg kalalakihan.

"Malay mo naman, in the future maging girl boss ka. Tapos tatawagin ka ng mga empleyado mong 'madam' bongga kaya 'yon." Sabay inom ko ng juice.

She stop drinking and looked at me. "You really want to see my future like that? Aba! Matindi. Well, let's see." Sabay kindat niya sa akin at uminom ulit ng juice.

Si Love, kapag gusto niya, gagawin niya ano man ang maging hadlang na paparating. I admired her strong personality, minsan gusto kong maging tulad niya. But she always remind me na, "You don't have to be like me, you have to be yourself at all times. Marami kang unique traits na wala ako. And that traits will make you who you are."

'yong friendship namin ni Love kahit maikli lang pero napaka-memorable talaga. Isa siya sa mga takbuhan ko tuwing malungkot ako. Siya rin ang nariyan para sa akin at tanggap ako.
Ayoko siyang mawala sa akin.

"What? May gusto ka kay Love?" gulat kong tanong kay Hans.

"Shhh! Teresa kasi, hindi pa ako handa. Baka mas lalong magalit sa akin si Love kung malaman niya ako 'yong batang nang-iwan sa kaniya noon," tugon ni Hans.

"Hah? Hindi ko maitindihan."

"Matagal ko ng hinahanap si Love, kaya nang malaman ko 'yon. Dali-dali akong pumasok sa school niyo," paliwanag niya.

Nalaman ko ang buong storya tungkol kay Hans at Love.

Hindi ko alam pero iba 'yong naging kutob ko sa mga oras na 'yon.

Love Me Till The End (Complete)Where stories live. Discover now